PROLOGUE

6 2 0
                                    

Prologue

Umupo ako sa dulo ng reception hall dahil hindi ako mapakali! I fixed my gown and retouched myself a little. Today was the day where my mom married the love of his life.

Sa totoo lang, nung una ay hindi ako kombinsido sa pagmamahalan nila. Dahil kasal sila ni daddy! Pero wala na rin akong nagawa kahit ilang beses akong nagmakaawa sa kanyang 'wag iiwanan si daddy. It was her choice, and she was an adult na kaya alam kong alam niya na ang ginagawa niya.

I was so happy because alam kong masaya ngayon si mommy. She looked beautiful sa long white gown niya. She was smiling the whole moment kaya I know that I should've not feel bad about it.

"Selene, wala ka ba pang balak mag-asawa? You're already 28! 'Yong kinakapatid mo nga may asawa't anak na, ikaw na successful na sa buhay ay wala pa!" my ninang, mom's friend said when she sat in front of me. "Wala na ba kayo noong singer? Si Isagani? Bakit?" sunod-sunod niyang tanong.

Mahina kong kinurot ang kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil masyado siyang maraming nalalaman! Ano naman ngayon kung wala na kami? Nakakabawas ba 'yon ng kagandahan? Hindi naman, 'di ba?

I finally gave her a slight nod. "Yes, ninang."

Ngumiwi pa siya, parang hindi pa na-satisfied sa sagot ko. "Bakit?"

Should I answer her? Close naman sila ni mommy pero hindi ako ganoon kalapit sa kanya kaya parang hindi ako komportable sa ganitong setup especially ganito ang mga tinatanong niya.

Pero wala naman sigurong mali, 'di ba? Wala na rin na man kami, hindi naman problema.

"We broke up po due to walang oras at sa hindi pagkakaintindihan." I answered fiercely. It was the truth anyway. We broke up because wala ng oras at sa rami ng misunderstandings.

"Alam mo bang engaged na siya?"

Plano ko sanang magsalin ng tubig sa baso ngunit natigil ako. Engaged na siya? Kailan pa? Kanino?

Bakit ba ako nagtatanong? Para saan?

I acted like I didn't hear it. "Ano po ulit 'yon?"

"May fiancé na si Isagani," ulit niya. Nanikip ang dibdib ko sa narinig at para bang gusto ng tumayo at lumabas dito.

Kung alam niya na, bakit pa siya magtatanong kung kami pa?

"Good for him," I answered and smiled. "At least magkaka... pamilya na siya?" I sounded like I wasn't sure sa sasabihin.

"Ang balita ko..." she paused, trying to find the right word. "You two got engaged as well?"

I didn't nod my head, nor answered her question. Why do people kept on opening it up? Masakit pa rin para sa akin 'yon, s'yempre. I once been his woman who was ready to spend the rest of my life with him.

Lack of time at dami ng hindi pagkakaintindihan was the reason why we broke up. Okay na sana lahat, eh. Pero tama nga sila, kapag pinaglaruan ka ng tadhana, it's either mananalo ka o kaya naman matatalo ka.

Pero sa kaso ko, the fate played my life. The fate gave me the man of my dreams, at the same time it ruined our fantasies.

Nakuha ko nga ang gusto ko, nawala rin naman siya sa buhay ko.

Harmony of His Voice Where stories live. Discover now