02

1 1 0
                                    

Chapter 02

"Selene, are you gonna join us ba? May family dinner!" I fixed my hair when Magenta approached me. Pinsan ko siya at nag-aaral kami sa iisang school. "Tita told me that you went to the jail again? Cousin, alam mo ba na ang dangerous there? They could hurt you!"

She's overreacting again. Sa lahat ng cousins ko ay siya ang pinaka-close ko. Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko, dahil hindi ko 'yon masabi sa mommy ko. "Magenta, I am fine. Tsaka gusto ko lang makita si dad..." sagot ko at naupo ng maayos sa inuupuan ko. Nasa cafeteria kasi kami ngayon, vacant naman kaya ayon.

Isang buwan na simula nung nangyari ang bagay na natatawa na lang ako kapag naaalala ko. Isagani. I didn't dare to search it on Facebook kasi nasa case lang naman ng gitara niya 'yon! Baka hindi niya totoong pangalan!

Nakabalik ako sa huwisyo nung tumikhim siya. "Selene, kahit na. I know that he is a good father pero you know kung gaano ka-dangerous ang lugar na 'yon! At mas lalong hindi mo kasama si mom! Nasa Japan siya ngayon kaya wala kang kasama. At kung sasamahan naman kita..." she opened the canned coca-cola at ininom 'yon. "Hindi pa rin p'wede kasi I'm still a minor. We are still both a minor, Selene. You're sixteen and I'm damn seventeen. So wala pa ring sense, you know?"

Sa lahat ng magpipinsan sa father side, siya lang ang malapit sa akin. 'Yong nakatatandang kapatid niya kasi ay malaki na so anong i-expect ko? Dalawa lang namang magkapatid ang daddy ko, which is ang mommy niya na palagi akong sinasamahan. Sa side ng mother ko, ay wala. Kasi siya lang naman ang nag-iisang anak ng grandparents ko na nakatira sa Spain. Though my father is a half Spanish as well, they met in Spain eighteen years ago. So both sides ay may dugong espanyol talaga. Magenta is way taller than me. Seventeen pa lang siya pero siya'y 5'8 na! Habang ako... a pretty cute 5'6 kid lang. Sa school kasi namin, hindi ko alam kung patangkaran ba ang labanan! Kahit kasi mga elementary and high school students ay sobrang tatangkad na!

"Magenta..." tawag ko sa kanya. Nags-scroll siya sa kanyang Instagram. Binalingan niya ako dahil magkatabi kaming dalawa sa upuan. Mag-isa lang kasi akong pumunta rito dahil nagsi-uwian muna ang mga kaklase ko. "Alam mo ba 'yong isang university malapit dito?"

She rolled her eyes at pinagpatuloy ang pag-scroll. "Oh, yes. I think I know that school. Bakit?"

"Puntahan natin?" anyaya ko sa kanya. Her eyes glistened.

"Oh my god! Go! I'm g!" magiliw na sagot niya at tumayo. Mabilis niyang sinukbit ang Dior niyang sling bag at inayos ng mabilisan ang kanyang nakalugay na buhok. "Ano pa? Let's go na!"

Nagdadalawang-isip akong tumayo. Hindi alam ang gagawin. Gusto ko lang naman sanang tanungin kung alam niya 'yon pero may tumakas sa bibig kong anyayahan siyang pumunta!

I stood up and threw the canned soda na hindi ko naman naubos. Habang naglalakad palabas, bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Why?"

Magenta looked at me nervously. "Selene, wala tayong kotse! Wala pa naman 'yong driver natin! And for sure mapapagalitan ako ni mommy! School hours tapos umaalis tayo? My god!" pinaypayan niya ang sarili niya. "Wala tayong service papunta roon!"

Hindi ko siya sinagot at hinatak na lamang siya. Pinalabas naman kami ng guard dahil vacant naman at may isang oras pa kami para sa susunod na subject.

Panay siya reklamo habang nasa gilid kami ng kalsada. Nag-aabang ako ng p'wedeng masakyan.

"Holy cow, Selene. Anong ginagawa natin dito? Naghihintay ng savior?" masungit na tanong niya sabay labas ng kanyan makeup kit. "I need to retouch a bit kasi for sure there's a lot of guys out there! Sana may handsome!" tili niya.

Harmony of His Voice Where stories live. Discover now