Servin' 00

554 34 3
                                    


[EP 00: The good doctor]


Orion's POV

FINALLY! natapos ko rin lahat ng clients ko. Sobrang nakakapagod but at the same time nakakatuwa since andaming cute na bata yung nakilala ko.
Sarap kasing pisilin ng mga pisngi ng mga 'yon! That's why i love my job. Before anything else, I'm Orion Buenavista at isa akong pediatrician.

Madaming nagtataka bakit daw ako napunta sa pediatric field but wala feel ko talaga dito ang calling ko. Para sa mga bata.

But to be frank, kahit pala gaanong kagusto mo yung trabaho mo.... Mapapagod at mapapagod ka. Akala ko kasi puro saya lang since gusto ko 'tong propesyon na natapos ko.

Natigil ang pag mumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan ng room ko dito sa hospital. Di naman sa pag mamayabang isa akong pediatrician sa isang sikat na hospital.

"Doc Ori andyan ka ba?!" sigaw galing sa isang babaeng matinis ang boses.

"Pasok!" sagot ko naman kay Pauline.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang isang babae. Actually kung hindi ko lang talaga 'to si Pauline, aakalain kong model 'to.

"Makatitig ka naman. Gandang ganda ka talaga sa beauty ko 'no!" sabi niya sa akin.

"As if! Kapal mo naman." pang aasar ko sa kaniya.

Si Pauline ay isang nurse at siya pala ang naging kaibigan ko dito sa hospital. Actually mabait naman ang mga doctors at nurses dito pero siya ang pinaka close ko sa lahat.

"Napano ka at pumunta ka dito?" tanong ko sa kaniya.

"Kasi may favor ako Bes......." napa facepalm nalang ako sa sinabi niya.

Alam ko na kasi kung ano yung mangyayari. Kapag tinawag niya akong "Bes" asahan mo ng may iuutos na naman 'yan siya.

"Ano na namang papagawa mo Pauline?" nakasimangot kong sabi.

"Kasi.... Umm... May date ako sa makalawa." pag amin niya sa akin.

"Oh? Ano namang pake ko diyan...."

"Grabe siya! Pero ganito kasi... Need ko mang hingi ng day off! Please tulungan mo 'ko! Ikaw lang malakas sa Director nitong hospital." paliwanag niya sa'kin.

Sa maniwala man kayo o hindi, totoo yung sinabi niya. Ewan ko ba don sa Director nitong hospital pag dating sa'kin iba yung mga tingin.

Ang weird niya pag dating sa'kin at nagbibigay siya ng major creep vibes which I don't like. Napatingin ulit ako sa kaibigan ko. Paawa effect ang gaga.

"Fine...." labag sa loob kong sabi.

"Yes! You're the best talaga Ori! Love you~"

"Ay sus nang bola pa ang loko." ani ko.

"At dahil tinulungan mo 'ko.... Ihahanap din kita ng pwede mong maka date!"

"Wala kong time sa ganyan Pauline." walang gana kong sagot.

"Lagi naman ganyan sagot mo. Akala mo may binubuhay kang pamilya, well in fact wala naman. Lagi ka nalang hospital bahay, bahay hospital! Learn to have fun rin!" panghihikayat niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Men At MidnightWhere stories live. Discover now