Pasilip

11 2 0
                                    

Warning: Grammatical Incorrect and Typographic Errors ahead!

Panibagong araw.

Habang ang lahat ay abala sa pag a-ayos ng kanilang pang araw-araw na gawain, narito ako't nakahiga pa rin sa aking kama, nakatulala sa kawalan habang hinihintay na tumunog ang alarm clock na nakapatong sa mesang nasa tabi ng aking higaan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi ko 'yon pinansin, nanatili lamang akong nakatulala at hinihintay magsalita kung sino man ang pumasok sa aking silid.

"Nakahanda na 'ho ang lahat." Boses 'yon ng mayor doma ng aming tahanan. Saka lamang ako bumangon nang marinig ang yabag na papalapit sa akin.

"Susunod ako." Matapos ko 'yong sabihin ay lumabas na s'ya kasabay ng pag-sara ng pinto.

Basta ko na lamang hinubad ang aking pantulog na roba at iniwan sa sahig bago pumasok sa banyo upang maligo.

Hindi ko napansin ang pamumuo ng luha sa 'kin mata; naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng aking luha habang nakatitig ako sa samu't saring pasa sa aking katawan. Ang ilan sa mga ito ay hilom na habang ang iilan naman ay sariwa't mahapdi pa.

Kinse minutos akong nagbabad sa bathtub bago ko simulang sabunin ang aking katawan; napapangiwi pa sa tuwing natatamaan ang mga pasá.

Matapos maligo ay tinawag ko ang mayor doma na naka-abang lamang sa labas ng aking silid upang lagyan ng gamot ang aking mga sugat.

"Hindi mo pa rin ba kaya?" Maya maya'y tanong n'ya habang nilalagyan ng gamot ang sugat ko sa may bandang likod.

"Hindi ko alam kung paano ko kakayanin, Liona. Masyadong mahirap para sa 'kin na kontrolin ang emosyong matagal ng nakakulong sa 'king dibidb. Tila may demonyong sumasanib sa 'kin sa tuwing nararamdaman ko 'yon."

"Hindi ko na kayang makita pa ang ganitong sugat sa 'yong katawan, Eloise. Ang masakit pa rito ay ikaw mismo ang nananakit sa 'yong sarili."

"Manhid na ang katawan ko, Liona. Hindi na ako gaya ng dati na parang bata kung umiyak sa tuwing gigising matapos kong saktan ang aking sarili." Sinuot ko ang kulay puting long sleeve na uniporme ko bago humarap sa kanya at ngumiti.

Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kaya agad din akong nag iwas. Kinuha ko ang tote bag na naglalaman ng gamit ko pang-eskwela saka lumabas ng kwarto.

"Good morning, Sweetheart." Nakangiting bati sa 'kin ni Mommy.

Lahat sila ay nakaupo na't kumakain nang madatnan ko sa kusina.

"Maupo ka na." Nabaling ang tingin ko kay Daddy na abala sa pagbabasa ng balita sa kanyang gadget.

Dumiretso ako sa dulo ng napakahabang lamesa at doon naupo sa bakanteng upuan katapat kay Daddy.

Hindi ko pinansin ang masasamang tingin ng aking dalawang lalaking kapatid na si Steph, panganay na Ruscav na nakaupo sa tabi ni Mommy habang ang isa naman ay si Steve, ang pang-apat na Ruscav na nakaupo sa gilid ni Daddy.

Tahimik akong kumain, hindi na pinansin ang nasa paligid ko.

Maya maya pa ay pumasok sa kusina ang panganay na anak, si Ate Sierra at ang pangatlong anak na si Seline. Naupo sila sa magkabilang bakanteng upuan sa tabi ni Steve at Steph nang hindi manlang pinansin ang presensya ko.

"I have to go." Paalam ko sa kanilang lahat na kay Daddy lang ang tingin saka lumabas ng kusina.

Sumunod sa 'kin si Liona at ang dalawa pang bodyguard ko. Sumakay ako sa kotse na nasa unahan ng dalawa pang itim na sasakyan saka ipinikit ang mga mata habang nasa byahe.

"Narito na tayo, Amara." Boses iyon ni Liona.

Iminulat ko ang aking mga mata saka walang sabi sabing bumaba. Nagsitigil ang ilan sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng campus at magbubulungan bago muling magpatuloy sa paglalakad. Hindi ko 'yon pinansin, nagtuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa classroom.

Dumiretso ako sa upuan na talagang nakalaan para sa 'kin. Nakahiwalay iyon sa lahat at nakapwesto sa may bandang likuran habang may dalawa pang bakanteng upuan sa likod no'n na para kay Liona at sa isang bodyguard na nakasunod sa 'kin at ang isa namang bodyguard na nabanggiit ko kanina ay nasa labas ng pintuan.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang maiwasan ang iba't ibang uri ng tingin ng aking mga kaklase.

"I can't believe this! Classmate nga natin ang Prinsesa ng Ruscav!" Maririnig ang excitement sa kanyang boses.

"OMG! You don't know the tea?" Mataray at maarteng tanong sa kanya ng kapwa namin estudyante.

"What tea?"

"She's a Devil!" Agad akong napamulat sa aking narinig at saktong tumama 'yon sa babaeng nagbubulungan hindi kalayuan sa pwesto ko.

"OMG! She heard us!" Nagmamadaling lumabas ng silid ang dalawa habang ang ibang nasa loob ng classroom ay ibinaling sa iba ang tingin nila.

It's my last year in college. I need to finish this school year smooth and clean. I focused during class hour and take a nap every breaktime. I did not eat anything the whole day to punish myself for having a bad profile to my blockmates.

Nang makauwi dumiretso ako agad sa kwarto ko para magpahinga at maligo and after taking a bath I did some of my homework exercises before going down stairs to eat my dinner.

Just like kanina, I eat silently and go straight to my room after eating to finish my homework. I heard a knock on my door but did not say anything. Hinayaan kong pumasok sa kwarto ang kumatok kanina at hinintay na magsalita ito.

"We have a meeting tomorrow with the Duenas's." It's Mom.

Sinara ko ang worksheet ko bago humarap sa kanya. As usual she saw my emotionless face.

"I have to attend school tomorrow." I said coldly.

"He's also from Luna University, Darling. You have the same schedule but different courses so we picked a date where it is convenient for the both of you. It's 7 p.m. at Roquiz Restaurant. Don't be late or else I will fire Liona." I took a deep breath before nodding. After that she leaves the room.

She's using Liona against me. Childish.

I scroll through my cellphone before going to bed. I set the alarm at exactly 5:00 in the morning so I can choose what to wear tomorrow.

Ps: Try ko yung ganitong category. Stay tuned for the next chapter!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Merciless PleasureWhere stories live. Discover now