Chapter 12: Manliligaw

125 5 4
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead.

*****

Chapter 12

"ANONG ginagawa mo dito?" napaseryosong tanong ni Davina ng makalapit ang lalaki habang buhat si Draven na malaki ang ngiti habang may hawak na kahon na naglalaman ng laruang kotse na remote control.

"Hindi naman siguro masamang dalawin ang asawa at anak ko, di ba?" nakangiting sabi ng lalaki na ikinangisi ni Davina.

"Ang taas mo mangarap, Tyler, ha. Hindi kita asawa at lalong lalo na hindi mo anak si Draven. Tama na ang pangangarap mo ng gising." seryosong sabi ni Davina sabay kuha kay Draven mula sa pagkakabuhat ng lalaki na nagngangalang Tyler.

Akmang kukunin ni Davina ang laruang hawak ni Draven para isauli kay Tyler, nang mahigpit na yakapin iyon ng batang lalaki na ikinatingin ni Davina sa anak.

"Ayoko, Mama. Akin lang ito. Kay Draven lang ito. Bigay ito ni Daddy sa akin. Bawal isauli ang bigay na." napabulol na sabi ni Draven na may nababadyang luha sa mata na ikinatitig ni Davina sa anak.

"Bakit mo siya tinawag na Daddy? H-Hindi siya ang papa mo." napapiyok na sabi ni Davina kay Draven.

"Sabi niya, mahal ka niya at kapag kasal na kayo ay magiging daddy ko na siya. Sabi niya, kapag kasal na kayo, hindi mo na kailangan mag-work para hindi ka na mahirapan. Ayaw ni Draven na nahihirapan si Mama." inosenteng sabi ni Draven na ikinaluha ni Davina kaya napaiwas ng tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha.

"Magtra-trabaho na ako." napapiyok na sabi ni Davina bago tumalikod habang buhat si Draven.

"KD." tawag ni Tyler na ikinahinto ni Davina sa akmang paglalakad papunta sa staff room.

"Seryoso ako sa'yo na gusto kitang pakasalan dahil hindi magtatagal ng ilang taon ang panliligaw ko sayo kung hindi ako seryoso. Hindi kita sasaktan, KD. Mahal kita at handa akong tanggapin ka at ang anak mo sa buhay ko. Handa kong tanggapin ang anak mo na parang tunay kong anak. Handa kitang patawarin ng paulit-ulit sa pagkakamali mo dahil mahal kita at kahit anong mangyari mananatili ang pagmamahal ko sa'yo hanggang sa huling segundo ng buhay ko." seryosong sabi ni Tyler na ikinaluha ni Davina dahil ramdam niya ang senseridad sa boses ng pananalita ni Tyler.

Tyler Echeverria, schoolmate at matagal nang manliligaw ni Davina simula nang pumasok sa Medical School ang dalaga. Matanda ng walong taon ang agwat ng edad kay Davina pero hindi nakikita ni Tyler na hadlang ang malaking agwat ng edad nila ni Davina o ang anak nito para tigilan niya ang pagmamahal sa dalaga.

"Mahal kita, KD. Hindi magbabago iyon kahit paulit-ulit mo akong talikuran at pagtabuyan. At handa akong maghintay kahit ilan pang taon hanggang sa handa mo na akong papasukin sa buhay mo at ng anak mo." seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa likod ni Davina at kita ang pagtaas-baba ng balikat nito marahil sa pag-iyak.

Pinunasan ni Davina ang mga luha niya bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa staff room.

*****

"TSS. Pakipot pa. Gusto mo ng nahihirapan ka, sige...pahihirapan kita." nakangising bulong ni Tyler nang walang lingon na umalis si Davina bago rin umalis at umupo sa bakanteng lamesa.

"Siraulong manliligaw ito. Imbis na tulungan ang nililigawan, pahihirapan pa." napailing na sabi ni Chriz nang marinig ang binuling ni Tyler sa hangin habang kanina pa nakatunghay sa pag-uusap nila Davina at Tyler.

Binaba ni Chriz ang pamangkin at sinundan ang mag-ina sa staff room.

*****

"MAMA, bakit ka po umiiyak?" tanong ni Draven ng makita ang pag-agos ng mga luha ng ina sa pisngi ni Davina nang makapasok sila sa staff room para makapagbihis si Davina ng uniporme nito bilang waitress ng naturang coffee shop.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now