CHAPTER 52

1.8K 52 0
                                    

(POV muna ni Cehir!)

Cehir's POV

"Love?" Tawag ko kay Ally habang nakaupo ako sa tabi niya.

Busy kase siya ngayon sa laptop niya. Inaayos niya ata mga grades namin.

"Yes, darling?" Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil alam kong namumula na ako ngayon.

"U-Uhmm..." Napasimangot naman ako ng bigla akong nautal kaya mas namula ang mukha ko.

"You're blushing?" Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina kaya napanguso ako.

"Ehh ikaw kase eh~" Maktol ko pero tinawanan na naman niya ako.

Ang bully ng lalabs ko huhuhu...

"What is it?" Tiningnan niya ako ng nagtataka kaya naman napahinga ako ng malalim.

Papayagan niya kaya ako? Kinakabahan naman ako magpaalam...

"Pwede pumuntang mall?" Kinakabahan kong tanong.

Nang makita ko siyang tumango at ngumiti ay napahinga ako ng maluwag.

"Sure. Can you buy me food when you get back?" Tumango ako saka ngumiti bago ko siya niyakap at sumiksik sa leeg niya.

Natawa naman ako ng mahina ng maramdaman ko na natigilan siya pero maya-maya ay niyakap niya rin ako pabalik.

"You don't want my reasons why I want to go there?" Mahinahon kong tanong sa kaniya pero bumuntong hininga lang siya.

"No. You don't need to always give me reasons when you do something. I trust you." Napangiti naman ako ng marinig ko yun at naramdaman ko naman na hinahaplos niya yung likod ko.

"I love you..." Bulong ko saka naglagay ng munting halik sa leeg niya.

"I love you too. Now buy me food when you get back okay?" Tumango naman ako saka kumalas na sa yakap at tiningnan siya.

"Ano gusto mong food?"

"Anything sweet. I'm craving sweets." Tumango-tango naman ako sa sinabi niya at napangisi.

"My lips are sweet~" Ngumiti ako saka hinalikan siya.

Natawa naman ako ng bigla siyang napaungol saka tinulak ang mukha ko palayo habang namumula siya.

"Just go already."

"Bye. I love you so much." Hinalikan ko siya ulit na ginantihan naman niya kaya napangiti ako ng malaki.

"I love you more. Drive safely okay?" Tumango naman ako saka kumaway sa kaniya.

"Yes po~" Patalon-talon ako habang palabas ng condo niya at narinig ko lang ang pagtawa niya.

Cutie baby~

---

Nandito na ako sa mall naglilibot dahil nag-iisip ako ng pwedeng regalo kay Ally. Gusto ko lang siya bigyan ng regalo. Mahal ko siya eh.

Napangiti naman ako ng may makita akong jewelry shop kaya agad akong pumasok doon.

"Good afternoon po ma'am. Anything that caught your eye po?" Ngumiti ako ng bahagya sa saleslady saka naglibot sa loob ng store.

"What's your most expensive necklace here?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti naman ito at nagpaalam na kukunin niya lang muna.

Hinintay ko siyang bumalik galing dun sa likod at may dala-dala siyang maliit ng lagayan.

Because Of YouWhere stories live. Discover now