CHAPTER 1 : FIRST DAY

1 1 0
                                    

~ Jenna's POV

*knock knock, the door opened.

"Hi ate, pasok ka muna naliligo pa si Kobe e bagal ba naman bumangon." saad ng pinsan ko na si Maureen pero madalas ko'ng tawaging mimay.

"Luh, tatanghaliin tayo n'yan, bagal niyo ga gumayak." sagot ko sa pinsan ko na kasalukuyang nagbubutones ng kanyang uniporme.

"Hoy bata daliian mo d'yan tanghali na e!" sigaw ko sa isang pinsan ko'ng si Kobe na sa lababo naliligo.

"Wait lang nga, ate Jenna antayin mo na kami ha." sabi n'ya habang inaanlawan ang kanyang katawan.

"Oo na, kaya nga dalian niyo na nang madale dine." sagot ko habang nag-iikot naman sa kanilang bahay para humanap ng suklay.

Actually mag aalasingko pa lang ng umaga, pero kasi first day of school namin 'to kaya maganda talaga yung maaga ka.

Si Kyle ay kinder pa lamang, si Mimay naman ay grade 4 tapos ako grade 9 na grabe, malapit na grumaduate.

eme HAHAHAHAHA

Nang matapos maligo ng pinsan ko ay nagbihis na rin s'ya, at napagalitan pa ng mama nila.

"Ay ako Kobe ay wag mo'ng ginagalit at baka ika'y hindi makapasok!" sabi ni tita Melly.

Nang tingnan ko si Mimay ay nakita ko'ng natatawa ito kaya't natawa rin ako. Palagi nalang kasing galit ang mama nila kaya ang tawag na nila dito ay dragona.

"Tapos na! Tara na ate." sabi nito at dumeretso na sa pinto kung saan ako nag-aabang. Nakita ko rin na nakataas pa ang kuwelyo nito kaya't inayos ko na, sobrang nabobother kasi ako sa ganoon.

"Bye mama, bye ina!" sabi ni Mimay sabay halik sa aming lola at mano.

S'yempre humalik din ako at nagmano kasi ganoon kami palagi, hindi kami umaalis nang walang kiss si ina namin. At kapag nalilimutan namin ay tatawagin pa nito ulit kami.

"Ay siya Jenna, ang bata ha wag hahayaang manakbo at baka makaderetso sa kalsada." paalala ni ina sa akin at sumagot naman ako ng opo sa kaniya.

#Mabaitnabatahwhaahah

Nagsimula na kaming maglakad nina Mimay. Pinuntahan na rin namin ang isa pa naming pinsan na si Belle. Ampon siya ng tita namin pero close din namin, medyo may pagkamataray lang sarap sapakin.

"Belle! Ikaw sasabay ka na?" sigaw ko sa labas ng bahay nila.

"Una na kayo ate, sasabay ako ni papa!" sigaw naman nito pabalik kaya't nagpatuloy na kaming maglakad.

Taga bundok kami, mga kinse hanggang bente minuto ang nilalakad namin. Pero pinakamabilis na lakad ko doon ay sampung minuto.

Nang makarating sa siyudad ay nagtungo na kami sa kubo kung saan kami nagpapalit ng aming sapatos.

"Kobe ano ba yan, mali naman ang pagsusuot mo ng medyas e!" sigaw ng ate niya na nagmamadali din magsapatos dahil baka para tulungan ang kapatid.

Dahil tapos na ako magsapatos ay ako na ang nagsuot kay Kobe ng medyas at sapatos.

Wow kintab ng sapatos ng bata ah, tingnan mo ilang araw palang lilipas may kutkot na d'yan HAHAHAHA.

Nang matapos ay naglakad na kami papunta sa tabing kalsada para abangan ang aming service.

May service kami, close friend slash katrabaho ng mama nila Mimay sa barangay.

COMPLICATED LOVE (ONGOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat