CHAPTER 2 : NEW FRIENDS?

0 0 0
                                    

"Eto yung nail cutter, thank you ulit. Teka ano ba'ng name mo?" tanong ni ganda nang maiabot sa akin ang nail cutter.

Thanks sa nail cutter na 'to HAHAHAHA may friend ulit ako na maganda.

"Uh ako si Jenna De Guzman, ikaw hu yu?" tanong ko kaya't natawa s'ya.

"Wow ang galing naman non, ako si Annalyn De Leon. Diba pareho tayong may De HAHAHAHA." sabi niya kaya pareho kaming natawa.

"Oo nga 'no? siguro magkasunod tayo sa pila niyan." sabi ko sabay ngiti sa kanya at sinang-ayunan niya naman.

Hindi na napahaba ang pagchichismisan namin dahil dumating na si ma'am. Akala namin ay may gagawin na kaya tumahimik na pero umupo lang s'ya sa kanyang upuan sa unahan.

Napatingin ako sa kabilang gilid ko at nakita ko'ng nakatingin sa akin ang classmate ko na close friend ko dati, ngayon kasi hindi na kami masyado close.

Nginitian niya ako kaya't nginitian ko din s'ya.

S'ya yung friend ko nung elem, si Natalia Perez.

Nang mag-iwas s'ya ng tingin ay umiwas na din ako.

Habang nakatulala ay nakaramdam ako ng gutom, kaya inilabas ko ang aking mahiwagang baon.

Butter Coconut

OMG super fav ko 'to grabe wahaha and kahit siguro mag g10 to college ako magbabaon parin ako neto.

Nasabi ko na ba na si gandang nakasalamin ay sa harap ko pala nakaupo? HAHAHA nice one.

"ehem, uy elle gusto mo?" alok ko sa kanya sabay pakita ng biscuit.

"Uh no thank you." sabi niya at nginitian ako sabay talikod.

Aruy, friendzone na ba ako neto? HAHAHAHA JOKE LANG.

Inalok ko nalang yung katabi ko sa kabilang pwesto, ayaw rin kasi ni Lyn e.

"Hello! Gusto mo ba neto?" tanong ko sa kanya.

"Hi, hala thank you sige!" sabi niya sabay kuha ng isa.

"I'm Jenna by the way, and you are?" naks english spokening yarn, 'di n'yo kaya HAHAHAHA.

"Ako si Eleanor Del Rosario." sabi niya at nagshake hands kami kasi alangan namang paa ishake namin. char.

"Oo nga pala sabi ni ma'am ngayon din daw tayo magbobotohan sa class officers." sabi ni Eleanor kaya napalingon agad ako sa kanya.

"Oh talaga, kung ganoon humanap pa tayo ng kaibigan na iboboto." sabi ko sa kanya at luminga-linga.

"Pero may iboboto na akong president hehe." sabi niya kaya't tiningnan ko s'ya ulit.

"Huh? sino? Hay nako Ele, ano ba baka hindi ko kayanin yung pagiging pres ih." sabi ko sabay tuck ng buhok sa tainga.

"Hala hindi naman ikaw eh, yun oh si Beatrice sana. Actually close friend ko s'ya since kinder." sabi n'ya kaya napasangot ako na tinawanan niya naman.

Sabi ko na nga ba e, syempre matalino president agad yan.

Pero gaya ng sabi ko pwede namang mag vp nalang ako BWAHAHAHA sure win.

"Wag kana malungkot uy, sige ikaw nalang iboboto ko as vp." sabi niya at ngumiti sa akin.

"Weh? talaga? iboboto mo ako?? Eh pano pag walang nagvote sakin?" tanong ko at tinitigan s'ya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COMPLICATED LOVE (ONGOING)Where stories live. Discover now