09

7 3 0
                                    

"Do you want to.. uh.. come inside for a while?"

Nasa loob na ako ng terrace namin habang si Yuki naman ay nasa labas pa rin. Hinatid ako ni Yuki sa bahay namin. Gano'n pa rin ang lakas ng ulan, hindi siya humina kahit kaunti, medyo basa rin ang braso ko dahil hindi naman gano'n kalaki ang payong na dala ni Yuki pero nahiya ako nang makitang basang basa ang kanang braso niya, pati 'yung puti niyang polo shirt ay basa rin.

"Basa na 'yung damit mo, magpalit ka kaya muna sa loob." I said concernly.

"I'm fin-"

"Yana! Jusko, anak! Akala ko saan ka na napunta! Nag-aalala na kaming lahat dito!" Napatingin kaming dalawa nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon si mommy na worried na worried.

"Kamusta ka?! Naku! Basa 'yung damit mo! Magpalit ka na roon sa loob at baka magkasakit ka pa!" Kinuha niya ang bag ko ay kinapa 'yon.

"Ma, kalma po. I'm okay. Muntik lang po akong masagasaan kani-"

"Ha?! Bakit?! Sino 'yung driver?! Natamaan ka ba?! A-ano-"

"Ma! Okay lang po, okay. Kalma na po kayo." I hold her shoulders to calm her.

"Sinong naghatid sa 'yo? Paano ka nakauwi?" Tanong ni mommy.

"Oh," lumingon ako sa direksiyon ni Yuki, luckily nandoon pa siya at hindi pa umalis. "Si Yuki po ma, kaklase ko. Uh.. siya po 'yung naghatid sa akin." Pagpapakilala ko kay mama.

"Good evening po, tita." Magalang na sabi ni Yuki at nagmano kay mommy.

"Naku, anak! Mas basa ka pa kay Yana. Hala ka! Pasok ka muna rito sa bahay at pahiramin ka muna ni Yana ng maluluwag niyang damit. Baka magkasakit ka riyan." Sunod sunod na sabi ni mommy.

"U-uhm-"

"Pasok ka, anak! At lumalakas na naman ang ulan." Pagpilit ni mommy kay Yuki. Wala naman na siyang nagawa at pumasok na lang sa bahay.

Agad akong pumunta sa kwarto para maghanap ng maluwag kong damit na kakasya sa kaniya. Nakita ko pa si Yesha na nagbabasa sa kama niya. Agad niyang binaba ang libro niya at tumingin sa akin.

"Kakauwi mo lang, ate? Hala basa 'yung shirt mo. Pahinaan ko lang 'yung aircon saglit." Dali dali siyang bumaba sa kama niya.

"Hindi, 'wag na. Magpapalit na rin naman ako kaagad. P'wedeng pabigay 'to kay mommy. Ipahiram muna sa naghatid kay ate." Inabot ko sa kaniya ang black kong oversized shirt. Agad naman niya 'yong kinuha at lumabas na. Nagpalit na kaagad ako ng yellow shirt at pink na pajama chinarge ko na rin muna ang phone ko bago lumabas.

"Si Yuki po?" Tanong ko kay mommy, nasa sala niya ngayon at nilalabas ang mga gamit ko sa bag, tinitingnan kong may nabasa ba roon.

"Nasa banyo pa, magpapalit ng damit." Mahinahong sabi ni mommy. Tumango na lang ako bago pumunta ng kusina para magtimpla ng gatas.

Nakuha ang atensiyon ko nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad akong napatingin doon nang lumabas doon si Yuki. Suot suot niya 'yung black plain shirt ko. Sakto lang 'yon sa tangkad niya pero umabot ang manggas nito sa taas ng siko niya. Kita pa rin ang suot suot niyang shorts sa ilalim kahit na malaki ang damit.

"How does it look?" Tanong niya.

"Uh.. okay lang. Gusto mo ng gatas? Magtitimpla ako." Alok ko.

"Hindi na, aalis na rin ako. Uhm.. 'yung shirt sa friday ko na lang ibabalik. Humina na rin 'yung ulan, baka hinahanap na rin ako ng parents ko." Mahaba niyang sabi.

"Uh.. sige," tumango ako,

Nagpaalam na siya kay mommy na uuwi na raw siya. Gusto pa sana ni mommy na mag-stay pa siya hanggang sa wala na talagang ulan pero gabi na rin kasi at baka hinahanap na siya ng parents niya, hindi niya pa naman dala ang phone niya kaya hindi niya nasabihan ang parents niya na hinatid niya pa ako. Hinatid ko siya hanggang sa terrace para makapagpasalamat din.

I Once Became A Part Of That Sectionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن