Kabanata 2: Rich Lady

48 3 0
                                    

KABANATA 2: RICH LADY

NAKATITIG ang lahat sa babae na nagsalita. Nakasunod ang mata ng mga ito sa bawat galaw niya.

"Is that enough for him to be mine?"

Tumahimik ang buong paligid matapos muling magsalita ng babae.

Ito ang unang beses na may taong handang gumastos ng bilyon para lamang sa isang lalaki.

Yes. Hindi ordinaryo ang kag'wapuhan ng lalaki subalit ONE HUNDRED BILLION!?

Sinong tao na nasa tamang pag-iisip ang gagastos ng gano'n kalaking halaga ng pera para lamang dito?

If she's sane, then, she must be a really wealthy person for her to spent such huge amount of money.

Ang babae nga pala ay nasa likuran ni Lupert na natigilan at ngayon ay nakatulala dahil hindi ito makapaniwala na hindi niya ma-i-uuwi ang lalaki na kanina lamang ay sa kan'ya na dapat.

Mayaman siya oo. Marami siyang pera at malaki rin ang halaga na nawawaldas niya dahil handa siyang gumastos ng milyon pero BILYON!? At hindi lang isang bilyon kung hindi ISANG DAAN pa! There's no way that he'll waste such huge amount of money just for a guy! Nasa tamang pag-iisip pa naman siya 'no! And he's not stupid nor impulsive.

He won't spend a hundred or even one billion just for a man.

'You just can't afford it.' Pagsingit ng kabilang bahagi ng utak niya kaya nalukot ang kan'yang mukha.

Oo na! He do not want to admit it, but yeah. He can't afford to bid much higher than 100 million. Ilang buwan niya rin iyong paghihirapan na mabawi 'no!

Nagbulungan naman ang mga tao. They sneered and smirks with the sight of the dumbfounded Lupert who can't believe that he was defeated by the mysterious woman. Buti nga rito. Sa wakas ay nakahanap na rin ito ng katapat niya. Masyado kasing mayabang e. Kinarma tuloy.

Nabalik ang atens'yon nila sa babae nang tumayo ito mula sa kinauupuan nito. Sinubukan nila itong kilalanin subalit bigo sila dahil hindi nila makita ang itsura nito. May suot kasi itong maskara at black floppy hat na halos tabunan na ang mukha nito.

Habang pamilyar naman sa auctioneer ang babae dahil madalas din ito roon kagaya ni Lupert. Ang pagkakaiba nga lang ng dalawa ay ngayon lamang ito nag-bid.

Nang makabawi ang auctioneer mula rin sa pagkakagulat ay wala ng paligoy-ligoy pa nitong agaran ba isinara ang bidding.

"Going once, going twice, Sold!" Mabilis na sabi nito nang hindi humihinga dahil sa takot na baka bigla pang magbago ang isip ng babae at umatras sa bid nito. Although, mukha namang wala itong balak na gawin 'yon.

"It seems like that I won this bidding," Sabi ng babae matapos dumaan sa gilid ni Lupert na nabalik na ngayon sa realidad habang bakas ang disappointment at galit sa mukha nito.

Ikinuyom ni Lupert nang mahigpit ang kamao at tsaka kinagat ang ibabang bahagi ng labi. Marahas itong tumayo at tsaka nanlilisik ang mata na tiningnan ang babae subalit agad din na nabahag ang kan'yang buntot matapos itong makaharap at masalubong ang tingin nito.

Mabilis siyang napayuko upang iwasan ang mata nito. He feels suffocated with her stares. Parang nabawasan ang lifespan niya noong magtama ang mga mata nila.

He met different people and he knows who to offend and who shouldn't. Kabisado niya na ang mata ng mga tao and he can't tell with a quick glance that the woman isn't someone he can nor should offend.

"Pft! A coward." Hindi niya na pinansin ang mapang-asar na tawa ng babae na naiiling nalang na inalis ang tingin sa kan'ya tsaka nakangisi na nagsimulang lumakad papunta sa entablado.

Owned By A Mafia BossWhere stories live. Discover now