Kabanata 1: Kidnapped

4.6K 93 5
                                    

KABANATA 1: KIDNAPPED

HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Hagura sa bouquet of roses na nasa kamay matapos mapansin na tila sinusundan siya ng itim na van na nasa kan'yang likuran.

Magmula kasi nang lumabas siya sa restaurant kanina kung saan siya ay isang part-timer ay ramdam niya na ang pagsunod nito.

Hindi niya iyon pinansin no'ng una dahil akala niya ay paranoid lang siya but right now he's certain that he's being followed.

Paano ba naman kasi sa rami ng tao kanina na naglalakad sa kalsada ay bakit sa kan'ya ito nakasunod? Bakit mabagal ang takbo nito gayo'ng p'wede naman siya nitong unahan? At bakit ito humihinto sa tuwing mapapansin niya?

Lumunok siya.

Masama na talaga ang kutob niya. Sigurado siyang may binabalak ang mga ito na hindi maganda.

Pasimple siyang luminga-linga sa kan'yang paligid upang humanap ng tao na p'wede niyang makasabay sa paglalakad o kaya naman ay p'wede niyang matakbuhan na daan pero napakagat nalang siya sa ibabang bahagi ng labi matapos makita na wala.

Hindi pa gano'n kagabi pero sa diretsong eskinita na tinatahak niya ay siya lamang mag-isa. Walang mga bahay na madaraanan o mga taong maaari niyang makasabay. Wala ring ibang daan na p'wede niyang pagtakbuhan.

Binilisan niya ang lakad matapos mapalingon sa kan'yang likuran at makita na ilang dipa na lamang ang layo ng van sa kan'ya.

Isa pang sagabal sa kan'ya ay ang madilim na eskinita. Dalawa lamang kasi ang poste ng ilaw doon. Ang nasa unahan at nasa duluhan ng nasabing kalye.

Nagsimulang tumulo ang namuong butil ng pawis mula sa kan'yang noo pababa sa kan'yang pisnge. Maging ang kamay ay namamawis na rin gayo'ng hindi naman siya pasmado.

Idagdag mo pa ang panlalambot at panginginig ng kan'yang mga tuhod.

Hindi ito maganda.

Hindi talaga.

Lakad-takbo na ang ginawa niya para lamang hindi maabutan ng van at panay na rin ang kan'yang pagdarasal sa kabila ng paghahabol niya sa kan'yang hininga.

But it's seems like that everything is against him right now dahil kahit ano pang bilis sa paglalakad ang gawin niya ay tila hindi man lang siya nalalapit sa dulo ng daan na tinatahak.

Lumalabo na rin ang kan'yang paningin dahil sa tagaktak na pawis sa noo na pumapatak na rin maging sa kan'yang mga mata.

Kumabog nang malakas ang kan'yang dibdib nang dumaan sa kan'yang gilid ang van.

Mukhang nagpasya na ang driver nito na bilisan ang kanina na mabagal na pag-andar matapos mapansin na nahalata niya na ang pagsunod ng mga ito sa kan'ya.

Ang bilis mong tumakbo ah, Mula sa gilid ng kan'yang mga mata ay nakita niya ang nakalolokong ngisi ng lalaki na nakadungaw sa bintana nito.

Tila tuwang-tuwa ito dahil mukha siyang tanga sa ginagawa.

Nakangisi ang lalaki na akala mo'y laruan siya nito na kanina pa nito ine-enjoy na paglaruan.

Owned By A Mafia BossWhere stories live. Discover now