Chapter 32

1.4K 116 45
                                    

"Magtititigan na lang ba tayo o mag-uusap pa?"

Paul swallowed hard.

Kelly, on the other hand, wasn't able to contain herself from sighing and rolling her eyes upon hearing Monica's question.

Siya ang humiling na magkausap-usap sila nina Paul tungkol sa pagbubuntis ni Monica. Ang sabi pa nga niya kay Charlie kanina bago sila makarating sa apartment ni Monica ay marami itong sasabihin at itatanong sa dalawa, lalong-lalo na kay Paul. Pero halos mag-iilang minuto na silang nakaupo sa mga pwesto nila ngunit wala pa rin siyang nasambit kahit isang salita man lang.

None of them initiated a conversation. Not even Charlie who was the 'chill person' among them all in this situation.

Basta nagtinginan lang silang apat hanggang sa nagtanong na nga si Monica.

Kelly cleared her throat and gazed at Paul again. She briefly squinted her eyes. "Paano nangyari 'to?" she questioned coldly.

"Baks, nagjugjugan nga kami..." Monica suddenly replied, pouting like a little kid.

She glanced at Monica with piercing eyes. "Bakit? Kayo ba?" she questioned, sounding like a mother.

"Kelly," Paul finally spoke up, "Ang totoo hindi na namin napag-usapan ang label naming dalawa. Basta naging close na kami hanggang sa hindi na namin namalayan na nahulog na kami sa isa't isa. Basta naging mabilis ang takbo ng lahat hanggang sa heto na nga... magkaka-baby na kami."

"At talagang hindi n'yo man lang ipinaalam sa 'min ang lahat ng 'to?"

"Ginagantihan n'yo kami dahil hindi namin kayo sinali sa kasal namin, 'no?" Charlie butted in, obviously teasing.

"Uy, hindi," Paul instantly denied.

"Baks, hindi," Monica spoke up, too, as her eyes were all on Kelly. "Gusto talaga ni Paul na sabihin sa inyo 'yong nararamdaman namin para sa isa't isa kaya lang sinabi ko sa kaniya na huwag na muna naming ipaalam sa inyo kasi nasiyahan ako sa thought na kaming dalawa lang muna. Iyong wala sa amin 'yong spotlight; iyong lowkey lang..."

Charlie's lips curved into a small smile. "Naiintindihan ko kayo, Monica. Ganiyan rin ang naramdaman ko nang maikasal kami ni Kelly. Kaya nga nagpunta kami sa London. I think, iba talaga ang magic kapag kayong dalawa lang ng mahal mo," he stated.

Iginiya naman ni Kelly ang paningin niya kay Charlie ng ilang saglit pagkatapos ay muli niyang nilingon si Paul. "Hoy, ikaw ba talagang pananagutan mo 'tong baks ko?" she suddenly questioned.

"Oo, Kelly."

"Bakit?"

"Mahal ko siya. Mahal ko sila ng magiging baby namin."

She glanced at Monica again. "Baks, naniniwala ka sa mokong na 'to?" she questioned.

"Oo," Monica answered instantly. She was nodding, too, like she was just so certain about her answer.

"Kung gano'n, ano nang plano n'yong dalawa?" Charlie butted in again. "Magpapakasal na ba kayo? Willing kaming tumulong ni Kelly sa mga preparations."

Monica bit her lower lip. "Ahh... ito nga sana ang gusto kong sabihin sa inyo. Nag-usap na kami ni Paul na hindi na muna kami magpapakasal," saad nito.

"Ano?!" Kelly exclaimed.

"Kelly, kung ako ang masusunod, pakakasalan ko talaga si Monica kahit pa sa oras na 'to ngayon. Pero syempre, iba ang kagustuhan niya, eh," paliwanag ni Paul.

"So ayaw mong magpakasal dito sa lalakeng 'to, baks?"

"Syempre gusto, baks. Pero hindi muna ngayon. Ang napag-usapan namin, magpapakasal na lang kami kapag nakapanganak na ako. Okay lang naman 'yon, 'di ba? Kasi gusto ko pa rin namang maranasan 'yong dream wedding ko. Pero nakaka-stress ang preparations at pagpaplano ng kasal, 'di ba? Eh, baka mapano ang baby kapag pinagsabay ko 'yong pagbubuntis ko at pagpe-prepare sa kasal."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon