엘도라도 24

971 68 32
                                    

"Hindi ko ma contact si Kai!" sigaw ni Luhan na malakasang pagpindot ng cellphone niya, 'Weg Lehen, keng gelet ke, eken ne cellphene me, wele eke e.'

Napatingin si Luhan sa akin saka siya ngumiti,

"Gusto mo sa'yo nalang?" inabot niya sa akin ang iPhone niya. Nagulat naman ako, tama, may ace pala siyang nagbabasa ng isip, napailing nalang ako.

"Kung gusto mo ng phone, sabihan mo nalang si Kyungsoo, diba boyfriend mo 'yun?" tanong ni Baekhyun na nakasimangot dahil ginugulo ni Lay ang buhok niya.

"Anong boyfriend!?" natigil naman si Chanyeol sa pagbabasa at napatingin sa direksyon namin.

Shet, tutol ba siya? Ano ba 'yan, naapakan na talaga ang hair ko, like I whip my hair back and forth, mainggit kayo! Inleb sele se eken, ehehe.

Hay, tama na nga, dapat hahanapin na namin ang KAISOO! Shet may OTP sila! Anshakettttttt! Di ba pwedeng MIKAI!? MIKAI, MIKAI, MIKAI, iship niyo nga 'yang MIKAI! Huhu!

"Kailangang mahanap natin sila sa lalong madaling panahon!" sigaw ni Suho—hindi ko alam kung na ano siya, pero parang di bagay sa kanya kapag nagsasalita siya ng ganyan, maliit siya, oo, kaya mukhang bata siya. Parang di naman siya pinansin ng iba, huehue Hey Suhowwww?!!?

"Guys, anong chapter ba na meron sila?" tanong ni Tao sa amin.

Napaisip ako, napahawak pa ako sa baba ko, at parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko, kaya napatingin sila sa akin dahil sa liwanag na iyon! Nag-aantay sila sa isasagot ko.

Dahan-dahang bumilog ang mga mata nila para maging thrill ang eksena, parang genius ang peg ko kasi ako nalang yata ang pag-asa nila.

"Sige, sabihin mo na Mikmik." Sabi naman ni Xiumin

"Di ko alam." Sagot ko kaya napailing nalang sila at bumalik na sila sa kanilang ginagawa.

"HALA GUYS!" sigaw ni Lay at napatigil siya sa paggulo ng buhok ni Baek.

"NAWAWALA SINA KAI AT KYUNGSOO!" sigaw niya at tumayo siya, nagdial siya sa phone niya, napasapo nalang kami ng noo dahil 'yun na nga pinag-uusapan namin, ngayon niya palang nalaman.

"ASAN SILA~ HINDI KO SILA MACONTACT!" sigaw pa ni Lay

Inayos naman ni Baekhyun ang buhok niya at "Guys, pumasok na nga muna tayo ng klase." Sabi nito.

May kakaiba talaga kay Baekhyun e, hindi naman siya nagkulang sa eyeliner pero, may something talaga na hindi ko malaman kung ano ang thing at some! Hayyyy.

Tumayo nalang kaming lahat at lumabas na.

"Suho," tawag ko kay Suho na kanina pa kaharap ang phone niya, siguro nag-aalala rin siya sa KAISOO—Kai at Kyungsoo pala, ayaw ko ng OTP nila! >////<

Tiningnan niya lang ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko tatanungin ko ba ang tungkol sa zombadings? O kaya kasali ang nanay niya sa zombadings? Ano?!

"Kung may sasabihin o itatanong ka, itext mo nalang." Seryoso nitong sabi saka niya ako iniwan.

Mabilis ang lakad nila kaya napanguso ako—cute ko talaga!

"Wala nga kasi akong cellphone." Pahabol kong sabi saka may humila sa kamay ko at may nagbigay ng phone. Napatingin naman ako kung sino ang nagbigay, si Chanyeol pala.

"'Yan, gamitin mo muna 'to." Sabi niya pero di niya ako tiningnan.

Napatingin ako sa Cellphone at iPhone20 ito, malala at pina-OA pa ito kaysa sa Ethos sa 'These Crazy Bastards'. (Hi ate @beeyotch, huhu, nabasa ko na po lahat ng stories niyo, ang ganda kasi!)

"WAAAAAAHHH~ ang bait mo Chanyeol!" sigaw ko at akmang yayakapin siya pero umiwas lang ito.

"Pulubi." Mahina niyang sabi pero rinig ko kasi kami nalang ang naiwan dito e.

Umalis na siya at nakatingin ako sa papalayong likod ni Chanyeol, 'akin na ba itong phone? Shet, mga pre~ mainggit ulit kayo~!'

Nagsimula na akong maglakad nang may biglang tumakip sa ilong ko gamit ang panyo.

Naku, ganito 'yung sa mga eksena e, tapos mahihimatay ang cute na bida, tapos makikidnap siya, tapos mabubuntis~ shetttt po!

Pero nakakapagtaka dahil hindi ako nahimatay, pero lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil—malamang ikaw kaya ang ganituhin, magpapaparty ka pa kaya? Syempre hindi na noh, kasi hawak-hawak na nila ang kamay mo tapos hindi ka na makakapagbake kung sakaling may party nga.

"CHAN-Y-Y-Y-Y-Y-," ang OA kong mautal ha?

"CHANYEOL!" ayan naisigaw ko na!

Napapikit nalang ako kasi parang ngayon pa umeffect ang panyo technique nila, at ang huling narinig ko,

"FAREWELL TO YOU MY FRIEND, WE'LL SEE EACH OTHER AGAIN~"

huta! Hindi pa ako patay!

"MIKAELA!" ayun sigaw ni Chanyeol!


Mianhe...Next chapter na ang mga guest. Huehue, ako na ang paasa! .____. Patawarin niyo ako!

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now