엘도라도 52

885 60 187
                                    

Hi ululzzang :*

Dedicated ito sa mahal ko, haha! Maraming salamat sa pagbabasa nito, at sa pagco-comment mo. Flood comment pa 'yun tapos nakakatawa. HAHA, labyu saeng :*

(sabog brief ni Kai)

M I K A E L A

"Kyungie? Bestie?" ano bang nangyayari sa kwagong 'to at hindi na gumagalaw? Kanina ko pa siya tinapik sa pisngi pero naka nga-nga lang siya at dilat na dilat ang mata.

"DO KYUNGSOO!"

"H-Ha?

Ayun, napatingin na siya sa akin. "Ano bang problema mo? Bakit hindi ka makagalaw? Bakit, ay naku!" napairap nalang ako. Sige pa Mik, irapan mo pa 'yang bestie mo, minsan lang naman na ikaw ang mang-irap e!

"Anong nangyayari sa'yo?" tinanong niya ako, kanina pa pala ako irap nang irap, 'yun bang nasisirang video tapos pabalik-balik lang ang ginagawa? 'Yun kasi ang ginagawa ko ngayon e.

Napailing nalang ako saka tumayo. "Kyungie, kung may bird flu ka, hindi---kung may sakit pala ay pumunta ka nalang ng clinic." Malala na yata siya, laging nakatunga-nga e.

"Okay lang ako." Seryoso niyang sabi at tumayo na rin.

"Sigurado ka? Check mo nga pakpak mo?"

"MIKAELA, HINDI AKO IBON!" ayan, nasigawan pa tuloy ako!

"Naninigurado lang."

"Ewan ko sa'yo." Umalis na nga siya. Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na ng room ko. Ayokong maligo, kakaligo ko lang kahapon e.

May nakita akong papel sa may coffee table at halos mapasigaw ako. Muntik ko ng makalimutan!

Agad kong binuhos ang isang baldeng tubig sa katawan ko at dali-daling nagbihis, hindi pwede 'to! Dapat bilisan ko pa!

"Impakto!" napasigaw ako, nakalimutan kong mag-bra, shet na malagket! Sinuot ko na nga at nagsapatos na, kinuha ko ang panyo ko na nasa lalagyan ng mga panty, sorry na. Ganyan talaga ako, para organize. Pati medyas ko nga nasa may mga panty ko rin. Para madaling mahanap.

Dapat bibilisan ko pa! Kumaripas na ako ng takbo at nagtungo na sa Theatre Room. Dito kasi ang venue ng Solo ni Tao, at iba pang play.

Hindi naman ako kasali sa play na ito e, si Luhan at Sehun ay kasali dito kaya nandito ako para masuportahan sila, pati na rin si Tao. Ay hindi, halos EXO pala ay kasali, baka kwago nga si Kyungie e, pero di naman 'yun papayag.

Buti nalang at tagapanuod lang ako, hindi ako pinasali ni Miss Kim! Last week lang binigay ang script at baka daw hindi ko masaulo kaagad. Bakit niya kaya alam?

Hindi ko nga alam kung nakapag-practice nga ba sila kasi parang wala naman silang ginagawa last week?

Siksikan na ang mga tao dahil syempre, sikat ang EXO e, buti nalang at hindi ako hate ng mga tao, hindi naman sila naiinggit sa akin, okay lang daw na kasama ko ang EXO basta hindi ko lang daw i-rape. Amazing right? Pero mukhang hindi ko matutupad ang pangako nila e? Beke kese me rape ke sele. Joke lang oy.

"Mikmik!" napalingon ako sa tumawag sa akin, si Xiumin pala.

"Uy! Asan na sila?"

"Nasa back stage."

"Ah, pakisabi nalang sa kanila na good luck ah!"

"Sama ka sa akin." Pagyaya niya pero napa-no nalang  ako. Nagtaka naman siya at tinigil na niya ang paghila sa akin.

El Dorado Academy (Wattys2017)Where stories live. Discover now