4

88 15 10
                                    

⍣ ೋ

a mail for a f̶r̶i̶e̶n̶d̶ ̶  pretty stranger
for: simone de vera

hello! ^o^ hehe alam mo ba I joked to my mom that this letter is for the spot where we met (I don't know if you'll remember that by the time you receive this) I never thought she would buy that! I'm going to tell her naman na I wrote for a real person and it's you, simone :3 I didn't actually plan on writing to anyone until I saw you at my spot doing the same thing as I always do— tumitig lang sa kawalan. nakaka-gaan ng loob 'no? I love doing that because it gives me a period of reflection and thinking. c:

another thing I liked about that place is how the light pass through the gaps of tree. I can't help but be enthralled with the beauty of dappled sunlight.

um, sabi ng teacher namin if we don't know what to write sagutan ko nalang daw 'yung tanong niya sa liham na 'to.

๑ why did you choose to write for this person out of all people?

you intrigued me. anong ginagawa mo sa lugar na pwedeng maging mapag-isa? you were just there sitting and staring at the end of nothing with your book I recognize and music I love. naka-earphones ka pa non e hindi naman naka-plug sa phone mo. baka 'di mo namalayan.

what were you thinking that time that you didn't even notice me approching you from behind? 'di mo rin ako napansin na umupo sa tabi mo. but it's alright, I know I wasn't ready to speak to anyone that time. I appreciated the silence we had :D

hmm, pwede ko na ba 'tong tapusin? wala na akong masabi e :) 'di ko maalala kung anong hitsura mo dahil side view at likod mo lang nasilayan ko so I can't talk about that. ah! what I remember clearly still is your eyes and voice. nasa isip ko parin ngayon at nakakapagtaka na nasa isip ko parin 'yon hanggang ngayon.

sinasabayan mo 'yung kanta na tumutugtog sa phone mo. you sang like how a lover would serenade their love.

ni hindi ko na alam kung sino o ano ba pinapakinggan ko nung oras na 'yon.

ilang minuto akong nakaupo lang don hanggang sa napansin mo na presensya ko, ayun. it was just a brief moment pero nagtitigan tayo before you frantically left. naiwan mo rin libro and earphones mo. (binigay ko 'to sa lost and found, sana nahanap mo na)

hindi ko alam kung pangalan mo ba yung naka-sulat sa likod ng libro mo pero sana 'yon nga. that way, i know the name of the stranger I'm writing for.

simone na may kislap sa mga mata dahil sa mga luha. simone na ang ganda ng pilik mata.

hindi ko alam kung pano ko parin naalala yung mga pangyayari. hindi ko alam kung bakit ang mata at boses mo lang naaalala ko, sana naalala ko rin kung anong hitsura mo.

wala na talaga akong masabi. dito na siguro magtatapos ang liham ko para saiyo, hindi ko alam kung mabibigay ba 'to sayo but I hope this letter reaches you well. ingat sa susunod na school year!

sa ganda ng mata mo simone, siguro muli kong mapapansin at mahahanap 'yan kahit sa gitna ng maraming tao.

sumasaiyo,
elsie lorraine balmonte


⍣ ೋ

Dappled Sunlight And DaffodilWhere stories live. Discover now