T.U.L Chapter 20 - Best Actor

699 45 9
                                    

(Xandra POV)

Nag drive na kami ni Zackrey papuntang ospital para sunduin sina Tita Lily at Sharlene habang nag dadrive sya wala syang tigil sa pambubwiset sakin T_T

"Ano ba Zackrey ! hindi mo ba ako titigal sa pang iinis mo ?" naiinis kong tanong sa kanya

"Hahaha! hinde bakit ? may problema ka ?" pang aasar na sagot sakin ni Zackrey , Hay ! nakakainis na talaga na sya T_T

"OO may problema ako kasi kanina ka pa kasi nambubwiset sakin" mataray kong sagot sa kanya at inirapan ko sya

"Hahaha! eto naman naglalambing lang naman ako sa Hon ko eh" pambubweiset nyang sabi sakin —__—

"URRGGGGHHHHH!!!!!!! BWISET KA ! " sabi ko sa kanya at pinaghahampas ko sya sa braso nya dahil sa sobrang inis ko sa kanya

"ARAY ! tama na ayoko na awat na !" pagmamaka-awa nyang sabi sakin at tsaka tinigilan ko na sya at nag cross arm ako ar sumimangot at sabay tingin sa bintana

hanggang sa makarating kami ng ospital hindi ko sya pinapansin , eh kasi naman nakaka bwiset sya ang lakas nyang mang-inis kakulo sya ng dugo

nang dumating na kami dito sa hospital pinark na nya muna yung kotse nya sa parking area at nag punta na kami sa kwarto kung saan naka confine si Tita Lily

Pagbukas namin ni Zackrey ng pinto........

"Best ! " masayang salubong sakin ni Sharlene at niyakap ako

"Oh Sharlene kamusta na kayo ni Tita Lily ? " masayatanong ko kay Sharlene

"Ayos lang kami Best Fully recover na si Tita Lily eh" sabi ni Sharlene at napangiti ako

"Mabuti naman kung ganun " masaya kong sabi kay Sharlene

"Best kanina ka pa hinahanap ni Tita halika matutuwa yun pag nakita ka " yaya sakin ni Sharlene at pumunta na ako kay Tita nakita ko sya na kagigising lang

"Xandra ! salamat at nandito ka " maya maya tumingin si Tita sa gilid ko nakita nya si Zackrey at natuwa pa with matching ngiti ngiti pa

"Zackrey iho inaalagaan mo ba ng mabuti ang pamangkin ko ?" deretsong tanong ni Tita Lily kay Zackrey at nagulat ako sa tanong ni Tita , nagka-tinginan kami ni Zackrey at napansin kong ngumiti sya ng nakakaloko , URRGGG!!! ano na naman kaya binabalak nitong lalaki nitong si Mr. Antipatiko ?, naramdaman kong inakbayan nya ko

"Tita Lily alagang alaga ko po si Xandra at hindi ko po sya pinababayaan" ABA! alagang alaga ? Wow ang galing umarte nitong lalake na to sarap sapakin

naramdaman kong hinihigpitan nya yung pag akbay nya sakin parang sinasabi nya na maki sabay na lang ako sa kalokohan nitong Antipatiko na to GRRRRR!!! kabwiset nitong lalaki na to ang galing umarte pang BEST ACTOR na sya eh , kaya wala akong nagawa kundi sumunod at makisakay sa trip nitong si Mr. Antipatiko

"Opo opo Tita Alagang alaga po ako ni Zackrey " pagsisinungaling ko Hayst! patawarin sa na ako at narinig kong tumawa si Zackrey

" at tsaka Tita hindi po kami nag aaway ni Xandra lagi po syang sweet sakin eh" pag ako napuno dito sa lalaking to humanda sya pag umuwi kami mamaya sa bahay

"Totoo ba yun Xandra ? " tanong ni Tita sakin ni Tita at nagulat ako sa tanong nya at hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya

"Opo Tita totoo po yung sinabi ni Zackrey" hindi ko alam kung saang lupalop ng Universe ko nakuha yung sagot na yun —-___—- , nakita kong nag pipigil ng tawa si Zackrey kaya tinapakan ko yung paa nya

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon