PROLOGUE

8 9 0
                                    

PROLOGUE:

May 2019

Monica Elamparo Salvacion tried so hard to control her tears when she watched her child Matthew trying on some uniforms for the incoming school year.

Parang kailan lang nung hinawakan niya ito pagkatapos manganak, at ngayon tinitignan na niya ang bata habang pumipili nang mga gamit na gusto niyang gamitin sa school.

Kasalukuyang nasa Limketkai Mall sina Monica at Matthew and to make things efficient, Monica opted to buy some uniforms first before going to the bookstore.

"Mommy, gusto ko to." Aniya ni Matthew habang binbihisan siya ni Monica pabalik sa kanyang orihinal na suot. "Maganda yung fit."

Hindi mapigilan ni Monica na matawa sa sinabi nang bata. Halatang nakuha niya ang statement na yun galing sa kanya.

"Oo, maganda yung fit." Saad ni Monica. "At bagay rin ito sa sapatos mo anak."

"Yung binigay ni Uncle Matthias po?"

Tumango si Monica habang binibigyan si Matthew nang matamis na ngiti.

"Yes, yung binigay ni Uncle Matthias mo."

Nang matapos nang bihisan ni Monica si Matthew, agad silang pumunta sa counter para bayaran ang uniform. While doing so, sinabihan rin ni Monica si Matthew na pupunta sila sa National bookstore making the child jump up in glee.

There was a reason after all as to why Monica opted to buy the uniforms first. Kung inuna nila ang National Bookstore tiyak na hindi na sila makakabili nang uniform. Kung maari kasi, pwede nang mabuhay si Matthew sa bookstore dahil nawiwili ito sa mga libro at notebooks.

Meron nga yung instance na nawala si Matthew sa mall. Pero madali lang siyang nahanap dahil alam naman ni Monica kung saan siya pupunta. And sure enough, nandun nga si Matthew sa bookstore nang mall at nagbabasa pa nang libro; hindi alintana na nag papanic na ang ibang kasama nang kanyang mommy.

Habang naglalakad sila papunta doon, nagtatatalon pa si Matthew sa mga tiles dahil sa saya. If that's not enough testament of this child's obsession with educational materials, Monica doesn't know what is.

Nang nakapasok na sila sa bookstore, agad na hinila ni Matthew si Monica patungo sa mga notebooks. Maganda ang selection nang books nang araw na iyon sapagkat napatili si Matthew habang hinahawakan ang mga ito.

"Look mommy!" Sabi niya. "Dinosaurs, rawr rawr!"

"Yes, anak." Sabi ni Monica habang tumawa nang kaunti. "Dinosaurs rawr rawr."

Appeased, bumalik agad si Matthew sa pag hahanap nang mga gustong notebook. For the meantime, as he did so, tumingin si Monica looked around the bookstore.

There were only a few people in the bookstore as of that moment. Sa second floor, kung saan nilalagay ang mga libro, nakakita si Monica nang tatlong teenagers giggling over a book. By the stairs, kung saan binibili ang mga ballpen, meron dalawang lalaki doon na parang tumitingin nang mga fountain pen. Sa door naman, may kasalukuyang pumapasok na family of three, of which the child looked like to be around Matthew's age.

Kung sa ibang pagkakataon, Monica would have looked away. Pero napakapamilyar kasi ang pamilyang pumasok kaya hindi napigilan ni Monica na tumingin sa kanila.

When she looked closer, Monica was then able to identify who the family were. And right then and there sumakit ang puso niya nang tinutukan niya ang 'tatay' nang pamilyang iyon. It was Josiah Montalban, her previous lover. Her previous lover who broke her heart to pieces and destroyed her capability to love someone else.

Amari et AmariWhere stories live. Discover now