CHAPTER TWO

6 8 0
                                    

CHAPTER TWO:

May 2010 – third week

Hindi ko na namalayan ang takbo nang oras during the summer classes. Kasi mismo ako na ang nagulat nang sinabihan ako ni Ryan na finals week na.

Time really do pass by when you're enjoying. And so far, simula nung nag college ako, ang mga subjects during this summar season have the most interesting topics I have studied in my life. Although yes, medyo mahirap siya, but they are mentally stimulating.

"Gosh, hindi ako nakapag aral nang masiyado." Aniya ko kay Ryan pagkatapos niyang sabihin na papalapit na ang exam namin. "Nakalimutan ko talaga na exam week na pala next week."

Ryan just shrugged good naturedly bago bumalik sa pagkain nang lunch niya. Nandito kami ngayon sa Magis (the university canteen) after a long morning of Chemistry and Rizal Studies at buong akala ko makakarest ako kahit papaano. Jokes on me, hindi pala matutuloy yun.

"Hindi mo naman kasalanan na nakalimutan yun. Ngayong ko nga lang rin naalala." Sabi niya. "Medyo na excite kasi tayo sa announcement na nandito na ang books natin for second year. What a bunch of geeks."

Natawa ako sa sinabi ni Ryan. Sabagay tama naman siya. As soon as the JPIA officers announced na malapit na idistribute ang books na inorder namin sa kanila, the two of us can't stop taling about it. Meron rin kasin nagsabi sa amin na makapal ang libro, so na excite kami nang lalo. I mean, summer classes who?

"Totoo." Sabi ko kay Ryan habang nagsimula na ring kumain nang aking baon.

"It doesn't help din na you are attracted to Kuya Josiah." Hirit ni Ryan. "Parang nawawala ka sa sarili mo whenever he's around."

Naramdaman kong pumula ang pisngi ko sa sinabi niya and by reflex, lumina linga ako sa paligid upang tignan kung may nakarinig ba.

"Huy." Suway ko. "I'm not like that. Tumingin ako, oo. But it's not in the way you are describing it."

Tumawa lang si Ryan, ang tanga. Sus, kung hindi ko lang kaibigan to nabatukan ko na to.

"Joke lang Monica." Saad niya habang tumatawa pa din. "Napakadefensive mo naman."

Inirapan ko lang siya.

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko.

Tumawa lang ulit si Ryan bago nagsalita tungkol sa different na topic. Hindi ko man ito nasusundan masyado since he was talking about people I don't know, I still find it enjoyable to listen to. Ryan knows A LOT of people at napaka fascinating pakinggan ang mga kwento na nadidinig niya. Para lang akong nakikinig nang telenovela.

After naming kumain nang lunch, pumunta na kami agad sa classes namin for computer studies. It was an okay class naman for hindi nag quiz. It was a good day, ika nga.

"Bakit parang ang good mood mo ngayon?" Sabi ni Kuya Matthias nang sinundo niya ako pagkatapos nang trabaho niya. Kuya Matthias is a Civil Engineering student currently working part time sa isang fast food chain.

Ever since our parents died, Kuya Matthias and my other Kuya, Kuya Mark have stepped up to keep us afloat. Kahit merong trust fund at bahay na naiwan, my brothers were smart enough to know that na hindi ito maglalast long term. Kaya, habang nag aaral sila, nagpapartime din silang dalawa. They are literally my heroes.

"Walang quiz kasi ngayon Kuya." Yan yung sagot ko.

Ngumiti si Kuya Matthias.

"O siya, halika na." Sabi niya habang binibigay sa akin ang isang helmet nang motor niya.

-

Kinabukasan, habang nagaayos ako para sa klase, bigla akong nakaramdam nang sakit sa puson. Maglalakad sana ako patungo sa banyo kung saan nakalagay ang mga napkin ko (dahil pakiramdam ko na period na'to), pero napahinto lang ako nang nakaramdam ako ng pagkahilo.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jan 16 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Amari et AmariUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum