Marry By A Billionaire ☆ Part 6

28 1 0
                                    

Lasing si Dux ng umuwi sa mansion.Hinahanap niya si Jahara sa mga katulong.
"Wala sila dito sa mansion Dux.Babe ako ang nandito para sayo."salubong naman ni Tricia buti naman di naglalage sina Denise at Jahara doon.
"Jeff tawagan mo si Jahara.Di niya sinasagot ang tawag ko kanina pa."walang pakialam si Dux kay Tricia na ngayon.Di naman niya mahal ito sa totoo lang.Kilala lang niya ito nong bata pa.At di din sila close ni Trinity.
"Ayaw niya din sagutin po ang tawag ko Sir.Naka off ang celpon nila ni Maam Denise po Sir."ani naman ng assistant ni Dux na si Jeff.
"Damn it puntahan natin sa condo nila."kahit pasuray Suray si Dux gusto niya puntahan si Jahara sa condo nila.
"Dux lasing ka na wag mo nang puntahan yong babae na iyon doon.!"pigil ni Tricia kay Dux.
"Wag kang makialam.At ito ang tandaan ninyo wala kayong karapatan paalisin din sila dito.!"binalya ni Dux si Tricia ayaw niyang mahawakan pa siya ng isang demonya.Ang isa sa dahilan kung bakit namatay ang kapatid niya.
Nang makaalis na si Dux nataranta na ang mag ina.Dahil tagilid na sila sa mansion na iyon.Nasa bussiness trip si Mr.Valdezia.Walang kapangyarihan na ngayon si Amelia.Di na nila makokontrol si Dux Valdez ngayon.
"Kay tigas kasi ng ulo mo Tricia.Sabi ko naman unahin mo ang relasyon ninyo ni Dux.At yong bata alagaan mo minsan.Wag lang iyong pakitang tao lang.Di ka nakikinig kasi sa akin."sisi ni Trinity kay Tricia.Yong anak niya lage nasa byenan niya.Pati naman siya inuna ang trabaho kesa sa mga anak nila.
"Ate Trinie wag kang mag magaling.Pati sarili mong mga anak ayaw mo ngang alagaan.Pareho lang tayong di gusto mag alaga ng bata.At isa pa anak iyon ni Jahara San Juan.Bakit ko naman aalagaan.?"nagmamatigas si Tricia talaga.
"Boba ka kasi kaya Ayan tuloy itsapwera ka na ni Dux ngayon."inis na saad ni Trinity sa kapatid niyang di makaintindi sa gusto nilang mangyari ng Ina niya.
"Ikaw boba ka din kasi yong asawa mo hanggang ngayon may babae pa kabilaan.?Ganun ba iyon ate Trinie.?"pabalang na sagot ni Tricia sa kapatid.
"Tang ina Mommy wag na ninyo akong papuntahin dito.Kung kelangan ni Tricia ng tulong.May problema din ako kay Jasper.Makaalis na nga baka masabunutan kita babae ka.!"inis na umalis si Trinity sa mansion na iyon.
Samantalang pinagalitan ni Rosemarie ang anak niyang babae.Ayaw nitong umuwi kasi ng mansion.
"Naiinis ako sinira nong Tricia na iyon yong TV namin ni Denise.Ei walang laman yong sala nila.Parang walang mga taong nakatira doon Mommy.!"reklamo ni Jahara na ayaw bumangon sa sopa talaga.
"Sabihin mo sa asawa mo ang gusto mong mangyari.Di iyong walang alam si Dux sa gusto mong gawin anak."malumanay na saad ni Mr.San Juan sa anak.
"Si Mommy ba nong bumili ng mga gamit sa bahay sinasabi niya sayo ha Daddy.?Sabi ninyo lage asawa ko si Dux.Pero bakit magpapaalam pa ako na lagyan ko lang ng TV ang sala nila.?"pangangatwiran ni Jahara.
"I agree Mommy tapos sinira pa nong Tricia ang TV na ipakabit sana namin.Para kaming bisita nila doon.Tapos ayaw kami ng nakatira doon.Walang kabuhay buhay talaga ang mansion na iyon.No wonder na malungkot ang kabataan ni Daisy talaga noon.Parang di matatawag na tahanan ang bahay na iyon."segunda naman ni Denise.
"Mom Dad mahirap ngang tumira sila doon dalawa sa mansion na iyon.Kung di bigyan ni Dux na ultimatum yong magkapatid na iyon.Baka lahat ng mga gamit nila Denise at Jahara sisirain nong dalawa."nag aalala si Jerome sa dalawang babae.Dahil busy siya sa ospital din.
Mayamaya biglang may nagdoorbell.Si Dux iyon mag isa na lang.Pinauwi na nito ang assistant niya.
"Speaking of the devil baka siya na iyan.Nagtatrabaho ako pero sobrang kulit lage tumatawag.Kaya inoff namin ni Denise ang celpon namin buong araw."inis na tumayo si Jahara para pagbuksan ang lalake.
"Bakit di ka umuwi sa bahay natin.?Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko sayo.?"tanong ang bungad ni Dux kay Jahara.
"Aba una sa lahat di ko iyon bahay.Binasag nga nong gf mo ang TV na binili ko.Pangalawa may trabaho ako Mr.CEO.Busy din ako tapos ginugulo mo ako.Kelangan ko bang sabihin ang lahat ng ginagawa sayo 24/7.Hoy Mr.Dux Alvarez arrange marriage lang ang mamagitan sa atin.Magrevenge lang kami sa pagkamatay ni Daisy.Wag mo akong ituring na martyr na asawa tang ina mong gagu ka.Di ako takot sayo suntukan na lang gusto mo.?"sinabunutan talaga ni Jahara ang lasing na lalake.
"Jaja lasing siya wala siyang laban sayo."natatawang pinigilan ni Jerome ang kapatid na high blood talaga.
"Asawa kita sa ayaw at gusto mo Jahara San Juan."yon lang at bumagsak na si Dux sa sahig.Inalalayan naman nina Jerome ito para makahiga na ito sa sopa.
"Daddy is smelling."nagtakip pa ng ilong si baby Dexter dahil amoy alak nga naman si Dux.
"Wag kang lumapit sa Daddy mo baby.He is stinky right.?"nilayo naman ni Jahara sa lalakeng lasing ang anak anakan niya.
"Mommy give Daddy water."biglang naging madaldal na si Dexter ngayon.At matalino pala ito na bata.May hawig ito sa ama nitong si Jasper Mariano.Sana di ito maging pakboy tulad ng ama nito.
"Bubuhusan ko ba siya ng tubig para mahismasan sa kalasingan.?"ismid ni Jahara pero pinainom niya din si Dux ng tubig.
"Mommy I'm sorry napabayaan ko si Daisy.Wala siyang kalaban laban sa mga nanakit sa kanya.Hayaan mo aayusin ko ang gulong sinimulan nila.Pero Mommy pakisabi kay Daisy dyan.Sana kausapin si Jahara.Na maging seryoso na siya na maging Ina ni Dexter.Baka iiwan niya bigla ang anak ko.Dexter need his Mommy so badly."tumulo ang mga luha ni Dux na nagsasalita kahit nakapakit ito.
"Gagu ka sasabihan mo si Daisy na dalawin ako.?Masasapak talaga kita matanda ka.!"tinulak ni Jahara si Dux pahiga ulit sa sopa.
Tawang tawa ang pamilya niya sa pinagsasabi niya.Takot si Jahara talaga sa multo.
Kinabukasan nagising si Dux na nasa ibang bahay na.Sobrang sakit ng ulo niya talaga.
"Mr.CEO gising ka na pala.Tanghali na marami na kaming nagagawa ni Denise.Yong mga bata ginala nila Mommy at Daddy sa park.Ikaw ngayon ka palang gising.Wala na kaming kasambahay ngayon.Kaya kumilos kang mag isa mo.Ayoko ngang pagsilbihan ka uulitin ko maging asawa mo man ako.Ayoko maging martyr noh."salubong ang kilay ni Jahara na nakasalampak sa sahig sila Denise.
Kumilos nga si Dux may pamalit na siya sa sala.Kaya naligo na siya doon at tahimik na kumikilos sa kusina.Talagang walang pakialam sa kanya maging misis niya.Ok lang iyon atleast may Mommy na talaga ang anak niya.Kumakain siyang di man lang kinakausap ni Jahara.
"Dux masakit ba ang ulo mo.?Anak bigyan mo siya ng honey tea dali na."dumating sila Rosemarie kasama ang mga bata na tila nag eenjoy sa gala yata.
"Mahal paliguan ko muna ang mga bata.!"sabi ni Mr.San Juan.
"Daddy we want to swim.!"request ni Dexter na kinagulat ni Dux.
"Baby nakakapagsalita ka na.?"gulat na ani ni Dux sa anak.
"Ang OA mo naman syempre di pipi ang anak ko."kinarga naman agad ni Jahara ang baby boy niya.
"S-sabi kasi ng doctor na may problema daw siya sa nerves sa ulo niya.Kaya di siya tulad ng mga bata."sagot naman ni Dux.
"Hoy lalake genuis ang anak ko.Mas fluent pa siya magsalita ni Demi nga ei.At kay talino niya nakakaintindi niya di tulad mo na kay kitid ang utak tse."malditang ani ni Jahara talaga.
"Pinacheck up na namin siya Dux.Sabi ni Jerome wala daw siyang problema.Konti lang daw problema sa nerves.Gusto walang kalaro si Dexter noon.Kaya ayaw niyang magsalita."ani naman ni Rosemarie kay Dux.
"S-salamat po ng maraming."nakikita ni Dux na masaya na ang aura ng anak niya lage.
"No need ng thank you apo nila si Dexter naman."blunt na saad ni Jahara kay Dux.
"Oo nga naman pala."mapait na ngumiti si Dux.Mas may malasakit pa sa bata ang di niya kadugo.Kesa sa mga Valenzia na kinikilala na nasa niyang pamilya.Ang masaklap dahil sa inggit at selos ng magkapatid.Pinatay ng mga ito ang pinakamamahal niyang kapatid.

Marry By A BillionareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora