Marry By A Billionaire ☆ Part 12

37 1 0
                                    

Di na matiis ng secretary ni Dux.Sinabi na nito na may lunch meeting ito sa malaking clients nila.20 minutes na lang daw baka malate na sila sa meeting.
"Tanda anong ginagawa mo pa dito pala.?Puntahan mo na ang ka meeting mo.!"utos ni Jahara sa mister na wala yatang balak umalis sa mall.
"Binilhan mo pa ang ng damit diba.?I said Jane ikansel mo na lang ok.Or else tatanggalan kita ng trabaho.?"inis na baling ni Dux sa secretary niya.
"You are such a stubborn CEO.Denise pakibayaran na lang muna sa counter ang pinamili ko.Use his black card kakaladkarin ko lang sa meeting itong ama ni Dexter.Kung maghirap ito baka tulad ni Daddy ko.Baka isaasawa niya si Dexter ng mayamang matrona.Pambayad utang niya lang yata si Dexter balang araw."hinihila na ni Jahara si Dux na natatawa sa sinabi niya.
"Jaja 2 yrs old pa lang si Dexter.Di pa pwede ipakasal sa Matrona kamo."natatawang biro ni Denise.
Nakita talaga ni Dux na umaasim ang timpla ng mukha ni Raffy.Ramdam niya ang rivalry ngayon sa pagitan nila.Pero siya ang nagwagi dahil nadala niya si Jahara ngayon sa meeting.Nakikipag usap din  ito sa mga clients.Para ito na ang nakikipag deal sa mga ito.
"We like your wife sobrang mag iinvest kami sa company ninyo ng malaki Mr.Dux Alvarez."nakangiti pang sabi ng malaking clients nila.
"Thank you po aasahan ninyo.Di kayo mabibigo sa pag invest ninyo sa company namin."masayang nakikipagkamay si Dux sa mga ito.Nakikipag close siya ng deal agad dahil kay Jahara.Proud siya sa misis niya na magaling pala sa sales talk.Si Tricia dati naiimberna pa ang mga clients.Dahil model nga ito at sobrang demanding nitong nilalang.Dinaig pa ang prinsesa sa Englatera.
"Hay naku nakakapagod pala ang magsales talk.Balatuhan mo ako ha now na."ani ni Jahara ng makasakay na sila sa private na sasakyan ni Dux.Pinapataxi na lang niya ang secretary niya.Para masolo niya ang asawa niya sa back seat.
"Anong gusto mong ibalato ko sayo.?"tanong ni Dux sabay yapos kay Jahara.Tuwing matutulog lang ito tsaka pa niya ito nayayakap.1 month na silang mag asawa wala pang nangyari sa kanila.Ayaw ni Dux biglain si Jahara dahil sabi nina Denise at Jerome.Virgin pa ito nong honeymoon nila di siya nakascore.Parati ding kasama ni Jahara ang anak nila.Parang tuko kasi ito sa Mommy niya.Kaya bihira na ang masolo ni Dux ang misis niya.
"Bilhan mo ako ng mga halaman.Yong maliliit na halaman pang decoration sa opisina namin.Yong malaki sabi ni Raffy siya na ang bibili."biglang sinali ni Jahara si Raffy kaya umaasim ang mukha ni Dux.
"Ayoko talagang kasama mo siya araw araw Jaja.Nong makita ko kayo sa mall.Di ako mapakali sa opisina kanina.Wala akong magawang trabaho talaga."prangka na talaga ni Dux dahil kelangan niyang maging open sa nararamdaman.Siya ang lalake kaya siya ang mag effort kumbaga ng husto sa pagsasama nila Jahara.
"Paano iyan si Raffy ang boss namin ni Denise.Dont tell me na ayaw mong magtrabaho ako Dux Alvarez.?"sumimangot si Jahara wala sa usapan nila yong titigil siya sa pagtatrabaho.
"Hindi sa ganun pwede bang doon ka sa opisina ko magtrabaho.You can write there di naman ako maingay Jaja.Para di ako magseselos araw araw."malambing request ni Dux sa misis niya.
"Sasabihin ko kay Denise.Basta ayoko ng maingay ha Dux pag nagsusulat ako.Nga pala napapansin ko na di ako gusto ng secretary mo.Panay ismid niya sa akin naging gf mo ba iyon ha Dux.?Uso na kasi yong CEO na pumapatol sa secretary niya."casual na nakikipag usap si Jahara at kahit yakap yakap siya ni Dux ngayon wala ng ilang siya ngayon.Dahil sila lang naman dalawa sa backseat ng kotse nito.
"Nagseselos ka ba sa secretary ko.?Di ako napatol sa isang empleyado ko Jaja."di pa kontento si Dux sinisinghot pa niya ang leeg ngayon ng misis niya.Tila narerelax siya sa mabangong amoy nito.
"Hey I'm not insecure you know.Feeling ko lang di niya ako gusto.If ever hindi kung sa opisina mo na ako magtatrabaho.Malas niya dahil di ako yong tipong naapakan ng sinuman."taas noong ani ni Jahara.
"Of course isipin mo boss ka na din ni Jane.Pag nagkamali siya talagang sisisantehin ko na siya ura mismo."ayaw na ayaw ni Dux na Minamaliit ang asawa niya.Sa ayaw at gusto ng mga taong nasa paligid niya.Si Jahara San Juan ay asawa na niya.At gusto niyang respetuhin at kilalanin ng mga tao na Mrs.Alvarez na talaga si Jahara.
Isa pala sa close friend nina Trinity at Tricia si Jane ang secretary ni Dux.Si Tricia ang nagrecommend kay Dux na magiging secretary ito.Para may taga chicka sa kanya kung may babae ba si Dux or wala.Kaya pala ayaw nito kay Jahara.
"Bad news nagustuhan ng mga clients yong Jahara San Juan na iyon Tricia.Puring puri ito sa bigatin na clients ni bossing.Talagang bang yong Jahara na iyon ang misis ni boss.?"minsan nagkikita sila sa bar sina Jane,Trinity at Tricia.
"Yeah biglaan iyong plano ni Dux.Nong nasa outing kami tsaka sila kinasal daw.May anak kasi sila kaya malaking kaput ni Jahara San Juan kay Dux."nanggigil si Tricia talaga napunta sa iba ang mahal niya.Minalas siya at di niya na achieve ang ginawa ng ate Trinity niya noon.Ang maging asawa ni Dux sobrang hirap na abutin iyon.Di uto uto si Dux kumpara kay Jasper.
"Ang sabihin mo Tricia kampante ka lang kamo.Ayan umuwi yong Nanay nong bata.Kaya itsapwera ka ngayon pati sa mansion wala na kayong karapatan ni Mommy.Matigas ang bungo ni Dux Alvarez noon pa.Kaya nga di totally nauto siya ni Daddy."sisi ni Trinity kay Tricia.
"Paulit ulit ka na ate Trinie.Di mo ba ako tutulungan para makuha ang loob muli ni Dux.?Wala na akong ideya ate ano ba.?"desperadang frog na si Tricia nawalan na siya ng strategy.
"Tricia sabi nila pag maalaga ka sa isang lalake.Tiyak na makukuha mo.Ngayon yong bf ko nga aba biglang nagpropose.Dahil magaling daw ako magluto.Try mo iyon Tricia ang dalhan ng lunch si Sir Dux.Madalas di siya kasi kumakain pag tanghali.Sa tingin ko kulang ka lang sa pag aalaga sa kanya.Kaya siguro binalikan ni Sir yong ex gf niya."payo naman ni Jane sa kaibigan.
"So mag aaral ako magluto.?Paano ang modeling career ko.?"talagang di maitsapwera ni Tricia ang career niya.
"Tricia ang kulang mo lang pala effort.Dapat ipriority mo si Sir Dux sana noon.Kaya ngayon namoblema ka talaga."napapailing na lamang si Jane sa walang utak na kaibigan.Di niya madiretso ito na kulang sa diskarte si Tricia.Kaya di nakuha talaga si Dux Alvarez nang tuluyan.Pero tiyak na magagalit ito sa kanya.Ito pa naman ang nagbigay sa kanya ng trabaho.Mahirap na galitin si Tricia Valenzia.Dahil mas makitid utak nito kesa kay Trinity Valenzia.
"Exactly no pain no gain ika nga."agree naman si Trinity.
"Ei bakit ikaw namoblema pa kay Jasper until now.?"malditang sagot naman ni Tricia sa kapatid.
"Tricia sisimulan mo na naman ba ako.Magpapatulong ka ba or hindi.?"galit na tanong ni Trinity ayaw niyang makarinig na sasabihin na failure ang pagsasama nila ni Jasper.Dahil marami na siyang Sinugal maangkin lang ang asawa niya.Pero patuloy pa rin si Jasper sa bishop nitong pambabae.Ang masaklap pa kahit nakikita niya wala itong pakialam pa.Nagger at controller freak daw siya na misis.Siya pa ang may kasalanan kahit si Jasper ang may kabit.
Samantalang di nagustuhan ni Raffy na sa opisina ni Dux magtatrabaho si Jahara.
"Kinokontrol ka ba niya ha Jaja.?"inis na tanong ni Raffy kay Jahara.
"No nagseselos lang siya sayo.And I think valid reason yon Raffy."pagtatanggol naman ni Jahara sa mister.
"Pare asawa na ni Jaja si Dux.Kaya normal lang na gawin niya iyon.Sobrang close kayo ng kapatid ko.At alam ni Dux na gusto mo si Jaja.Mahihirapan ka din I let go si Jahara pare if lage kayong magkasama diba.?"payo ni Jerome sa kaibigan.
"F-feeling ko kinokontrol ni Dux si Jaja kasi pare."giit ni Raffy pero tama nahihirapan siyang I let go ang feeling niya para kay Jahara.At mahirap para sa kanya ang matanggap na may asawa na talaga ito at hindi siya iyon.
"Pinsan just let it be.Kung mahal mo si Jaja maging happy ka na sa kanya ok.Nakikita naman natin na mahal din siya ni Dux diba.?Tsaka ka na magreact pag di na tama si Dux Alvarez."segundang payo ni Denise sa kawawang pinsan niya.Pero di naman talaga nila mapipilit ang puso ni Jahara.Na si Raffy na lang ang mahalin kasi kahit ito di mapilit ang puso mismo nito kung sino ang tinitibok nito.

Marry By A BillionareWhere stories live. Discover now