Quinze

101 6 0
                                    


Third Person's PoV


Sakay ang isang Pegasus, hindi alam ng babae kung tama nga ba ang kanyang napiling desisyon subalit kung sakaling  magbago man ang kaniyang desisyon ay huli na sapagkat sakay na siya ng isang kabayong may pakpak na nakasunod sa isa pang pegasus na sinasakyan ng kanyang matandang kasama.




Dalawang araw na silang lumilipad sa himpapawid, walang pahinga. Patuloy silang naglalakbay hanggang sa masilayan nila mula sa itaas ang isang malawak na kagubatan na tila'y nakabalot sa isang kulay puting dome.



"Malapit na tayo," napalingon siya sa nagsalita, magkapanabay na pala ang kanilang lipad.




"What are we going to do there? Dyan ba tayo mag eensayo? Sa gitna ng kagubatan? Wala bang mga wild animals dyan?" Di maiwasang maitanong ng babae. Natawa lang ang matanda.



"Mayroong cabin sa gitna ng kagubatan na iyan," anang matanda na ikinalingon sa kanya ng babae.



"By any chance, alam na ba ng Hari at Reyna ang tungkol sa akin?" She asked out of the blue makalipas ang mahabang katahimikan.



"Wala silang ideya na nahanap na kita. Truth be told, matagal na kitang nakita. Sampung taong gulang ka pa lamang no'n nang ibalita sa akin ni Calixta na sa wakas ay nahanap ka na din niya. Lumalakas ka nang mga panahong iyon kaya't di ka niya magawang bantayan ng matagal dahil mabilis siyang manghina dahil sa lakas ng presensiya mo." Mahabang paliwanag ng matanda na ikinatango nalang ng babae.



"Nandito na tayo," anunsiyo ng matanda nang sa wakas ay lumapag na ang pegasus.








Lhyre's PoV

Mag iisang linggo nang nawawala si Iaxah at hanggang ngayon ay wala pa din kaming alam kung nasaan siya ngayon. Ngayong araw din ang pagbisita ng pamilya Light, ang Reyna at Hari ng kaharian ng Xenoa, ng aming mundo.



"Look at the king's eyes, it's an intense blue with gold sparks. So rare." Mahinang komento ni Lia na nasa aking tabi habang nakikinig sa speech ng kanilang spokesperson.




"That's all, thank you, students." Yan ang huli nitong sinabi bago nito kami tuluyang talikuran at harapin ang royalty na nakaupo sa likod.



I saw how the Queen's face crumpled habang nakikipag usap ito kay Dean Cever. What are they talking about? Hindi ko maiwasang di magtaka dahil halata sa itsura ng Hari ang disappoinment.



"Lhyre!"



Napabaling ako sa likuran nang may tumawag sa pangalan ko. It's Princess Alissy. The princess of Earth Elementals.



"May pag uusapan tayo sa conference room. Naghihintay na ang ibang alphas.  Nandun na din sila Eric. Kayong dalawa nalang ang wala." Aniya. Nahihiya naman akong napangiti saka kami sumunod ni Lia sa kanya.









Hindi ko alam kung kaya ko pa bang I process ang lahat ng mga napag usapan namin ngayon. Hanggang ngayon ay wala pa din kaming lead kung nasaan siya... At napag alaman naming malapit na... Malapit nang magsimula ang digmaan sa propesiya.

Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now