Fractured 1: Safe

63 10 12
                                    

Fractured One

Emilina

Most people look forward to being an adult. I didn't. My foster father kept his monsters at bay when I was younger. But the day I turned 18, it could no longer be suppressed. It came out to play and collect my dues.

Naiinis ako sa sarili dahil pinag iisipan ko nang ganito si papa. Hindi ko maiwasang isipin na baka ako lang naman talaga ang nagbibigay ng masamang kahulugan sa mga ginagawa niya.

Emilina, 18 years old

Kinaumagahan matapos ang debut ko ay balik na uli sa regular na schedule. Papa went on a
leave to celerate my 18th . Ngayon ay papasok na ulit sa trabaho.

Papa went through his strangely specific routine. It's like watching the same show on a daily basis. He fixed the cufflinks of his crisp suit, made sure his hair was perfectly slicked back, and twisted three of his rings to face the same direction.

He turned to me. Alam ko na kaagad ang mga kataga bago pa ito maisatinig.

"Do you like it, bella?" tanong niya.

Tumango ako nang hindi nag iiisip and I was rewarded with a smile. Pinigilan kong kumunot ang noo ko. Papa doesn't look like he's smiling at me. He's normally... soft and fond. Ngayon, his smiles were slower and deliberate. Sinuyod naman ng kanyang mata ang suot ko. His roaming eyes made a stop when it reached my torso.

Nakasundress ako na olive green. May pagkafit ito partikular na sa gitnang bahagi ng katawan ko kaya mas nadepina ang dibdib ko. Pinigilan ko ang sarili kong alisin ang kamay sa likod at humalukipkip. Wala man akong masyadong alam, alam kong hindi dapat pinagpipyestahan ng isang magulang ang bandang iyon.

"They really should have named you Olive, bella. It's your color."

"Ayos lang po," sagot ko. "Gusto ko naman po ang pangalan ko."

Papa and I went downstairs for breakfast. Hahawak pa lamang ako sa railings katulad ng palagi niyang paalala ngunit napigil ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin. Kiniliti ng daliri niya ang palad ko. I jumped slightly. Ngayon lang ito ginawa ni papa. Pero normal naman siguro na maghawak kamay dahil pamilya kami.

Nang makababa kami ay kumawala ako sa hawak at nagkunwaring mag aayos ng buhok.

Naghihintay na sa dining si Diana na elegante ang postura. Napakaaliwalas ng mukha niya at halatang hindi siya kabilang sa mga taong gumigising na magulo ang buhok at musmusin ang mukha.

"Good morning, my darling girl." Papa kissed her forehead and the tip of her nose. And her nose wrinkled at the display of affection.

Hanggang sa pag upo namin ni papa ay wala siyang ginalaw na pagkain. Tahimik akong bumati kay Diana at ganoon din siya sa akin.

"Darling, you're not a stranger in our home. Kanina ka pa bang naghihintay dito?" Kumuha na ng eggs, bacon, toast, at beans si papa. At doon lang din kumuha ng avocado on toast si Diana. Minsan salad ang almusal niya.

"It's impolite, papa. Unless wala akong kasama sa bahay, I need to wait for everyone," maarteng sagot ni Diana.

Tatlong taon na mula nung kinupkop ako ni papa pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa halos punong mesa mula almusal hanggang hapunan. Bukod sa mga ulam ay mayroon pang pastry tulad ng waffle, pancakes, croissant, at toast. Ang natitira sa almusal ay hindi ko na nakikita sa tanghalian kahit hindi naman namin nauubos ang pagkain.

Minsan nga ay gusto kong magbigay ng suhestyon na tanungin na lang kami nila papa kung ano ang gusto naming kainin sa halip na bigyan kami ng napakaraming pagpipilian. Pero naisip ko rin na ang mga hindi namin napapakialaman ay pwede na ring pagkain ng mga kasambhay at trabahante kaya wag na lang siguro.

Fractured ViridityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon