Prologue

5 0 0
                                    

Amethyst's

"Hoy, babae!"

Nakaagaw ng atensyon ko ang boses ng lalake. Ni hindi ko manlang alam kung ako ba 'yong tinatawag ngunit lumingon pa rin ako.

Pamilyar kase ang boses niya...

Nilingon ko ang lalaki at tinanong siya, "Ako ba?" Tinuro ko pa ang aking sarili.

Patakbo siyang lumapit sa akin, tinawid niya ang ilang metrong distansya namin.

"Oo..." Hinihingal niyang sabi. "Sandali." Itinaas niya ay ang kanang kamay niya at hawak naman ng kabila ang kaniyang dibdib.

Tiningnan ko lang siya habang hinihingal siya.

Sabi ko na, e! Kilala ko nga.

Ilang kilometro ba ang tinakbo neto? Ano, nag-marathon?!

"Pinapasabi kasi ni Mom na dumaan ka raw mamaya sa kaniya." Bahagya akong kinabahan sa sinabi niya.

"Si Ma'am Monteza? Bakit daw ba?" Takang tanong ko. Tumango naman siya.

Ano kayang kailangan sa'kin ni Ma'am? Dahil ba 'to sa isang quiz na hindi ko na-take sa kaniya nung nakaraan?

Pero... dahil lang dun?

Hindi naman sa minamaliit ko yung "quiz" na 'di ko na-take. Of course, ang laki din ng epekto no'n sa grades ko. Nga lang, hindi ko pa siya nakaka-usap tungkol do'n dahil isang beses lang naman sa isang linggo ang pagtuturo niya. Balak ko pa naman sanang kausapin siya sa darating na Biyernes, dahil 'yon lang naman ang araw kung kailan mayro'n kaming Philosophy, ang paksang kaniyang itinuturo.

"Mhmm... 'Di sinabi kung bakit, e. Baka tungkol 'to sa 'di mo na-take na quiz dahil absent ka?" Kahit siya ay gano'n din ang iniisip.

Baka 'yon nga talaga ang sadya sa 'kin ni Ma'am Monteza?

Bahala na. Malalaman ko rin naman mamaya.

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa hawak kong bouquet. Tila may iniisip ngunit hindi naman siya nagsalita tungkol doon.

"Ohhkay... Mga uwian nalang ha? Pakisabi."

"A'ight. See you later in class." Tumango ako at ngumiti ng tipid.

Tumalikod na ako sa kaniya at nag-simulang maglakad patungong College Building.

Nasa iisang campus lang naman ang building ng Senior High School at College. Nga lang, magkaiba lang ng building. May 'di kalakihang quadrangle sa gitna na naghihiwalay sa dalawang gusali.

Nang makarating ako sa building na tinutukoy ng kukuha ng order, agad kong hinanap ang room kung nasa'n siya. Ku-konti lang naman ang mga silid dito kaya hindi iyon naging mahirap hanapin. Iisang mahabang hall way lang ang daanan kaya hindi kana malilito sa paghahanap ng mga silid.

Ang alam ko, itong college building na ito ay para sa mga may kurso ng tourism, at kung hindi ako nagkakamali ay pati na rin ng hotel management.

Nang makita ko ang room number na ibinigay sa 'kin ay kinatok ko iyon ng tatlong beses. Sinilip ko pa ang maliit na panel ng pinto habang kumakatok.

Sa nakita ko ay may sinusulat sila. Mabuti nalang at hindi nagddiscuss ang prof nila! Nakakahiya naman kung ma-interupt ko ang pagddiscuss ng prof nila kung nagkataon.

Mamaya pa sana kaming hapon magkikita, ang kaso lang ay baka raw maaga ang uwi ng pagbibigyan niya kaya nakiusap siyang maibigay ko 'yon ng maaga-aga. At dahil breaktime pa naman, pumayag na ako.

Bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang lalakeng nasa gilid ng pinto.

"Yes, Miss?" Bungad na tanong niya sa 'kin at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deepest Connection (Connection Series #2)Where stories live. Discover now