Chapter 78: Stalker

12.8K 429 159
                                    

(3 years later)

Yereah Gael's POV

"Seah" tawag ko sa anak ko, asan na ba yung batang yun.

Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko alam kung saan siya nag sususuot eh.

"Yereah!" Ayan na nga bang sinasabi ko eh, galit nanaman yung dragon.

"Wovey wait lang, hinahanap ko pa anak mo!" Sigaw ko. Nasa baba kase siya at nasa taas ako.

"Astra's with me, stupid!" Nung buntis ako ang bait bait niya saakin pero ngayon ganyan na siya, masungit na ulet.

"Kasama mo na?" Tanong ko habang pababa ako at oo nga kasama na niya.

"Who you looking for mama?" Inosenteng tanong niya.

Batukan ko kaya siya? Tingin niyo? Mag tatatlong taon na anak namin pero ang dami ng nalalaman.

"I'm looking for you" sabi ko.

"But I'm not hiding po eh, why you looking for me po?" Walang duda, anak siya ni Asteria.

Natawa naman ng mahina si Asteria. "That's my girl"

Napanganga ako sa sinabi niya, talaga nga naman tong mag nanay na to. Matalino si Seah paano kaya hindi siya pinayagan ni Asteria manuod ng Cocomelon o kahit na anong pambata. Si Einstein agad pinakilala niya kay Seah. Nung 1st birthday niya niregaluhan niya ng mga puzzle puro pang may utak mga laruan ni Seah. 2nd birthday naman niya mga dictionary, tinuturuan na talaga niyang mag basa si Seah.

"Let's go" aya niya.

Papunta kami ngayon sa isang restaurant dito na pag aari ko. Dapat sa ibang restaurant kami pero dun gusto ng mag ina ko eh, edi sige.

Ako na yung nag drive paano kase si Seah hindi mahiwalay sa mommy niya. Hindi ba niya alam ako ang nag luwal sakaniya? Tapos mas favorite niya tong mommy niya, unfair talaga.

Naisipan lang nilang mag dinner sa labas, di ko alam sa trip nila. Tapos bukas naman gusto nilang mag museum. Lagi nalang kaming lumalabas and it's a good thing naman kase nadadagdagan memories namin.

Kahit naman kase may trabaho na kami at kanya kanyang kumpanya hindi parin kami nawawalan ng oras kay Seah. Pareho naman naming hawak yung oras namin kaya minsan nag sasalitsalitan kami kay Seah at pag may free time kami dun kami lumalabas.

Hindi kami kumuha ng maid kase delikado lalo pa't hindi na tumigil yung stalker namin or ako lang kase parang ako yung tinatarget talaga.

Simula nung pinag bubuntis ko palang si Seah hanggang ngayon eh hindi parin siya tumigil, may mga nonstop na pag papadala ng bulaklak samin kaya naisipan naming ibenta yung bahay at lumipat.

Sa loob din ng tatlong taon siguro tatlong beses na din kaming lumipat ng bahay hanggang sa napagod na kami kakalipat kase nalalaman lang din ng gunggong na yun.

Kaya si ate Yel nag padala ng maraming bodyguard sa bahay.

Hanggang ngayon pala hindi parin alam nila mommy na kasal ako at may apo na sila. Hanggang ngayon alam lang nila nag sasama kami ni Asteria dito sa California.

Hindi ko na din alam anong balita sa magulang ni Asteria eh, si ate naman wala din atang balita kila mommy kase na busy din siya sa work niya. Minsan lang din siya umuwi ng Pilipinas pag pinapauwi siya ni mommy pero hindi daw sila nag tatanong tungkol sakin kaya okay naman.

Namimiss ko na si Papa, wala na akong kabardahulan. Aayain ko tong mag ina ko na umuwi ng Pilipinas, gusto kong supresahin sila Mommy.

Tanggap naman kami sa side ko hindi ko lang alam sa side ng asawa ko kung tanggap na ba kami o hindi. Pag kase tinatanong namin si Keiti at Kuya bayaw, ganun din. Hindi din daw nag tatanong magulang nila about saamin pero alam nila na pinapabantay kami ng tatay nila. Hindi ko lang alam anong klaseng bantay. Feel din kase nila Keiti okay na ang tatay nila sa relasyon namin ng kalawang panganay niya. Sana naman diba, para naman nakilala na ng panganay namin ang mga lolo't lola niya. Nakausap ko na din talaga tatay niya pero hindi ko parin alam kung okay na siya sakin o hindi basta no comment.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon