Pauwi

1 0 0
                                    

Ang mga oras na ang daan pauwi ay masyadong mahaba,

At masyadong mabagal ang paglalakbay ng tungkulin

At ang alaala na kumikislap ay masyadong mali,

Isang distansyang nasusukat sa walang hanggang kalungkutan..


Sa daanan, ilang mga pamilyar na lugar

Kung saan ang oras ay hindi maaaring baguhin ang sarili nitong kahatian

Kung saan hindi kayang takpan ng dilim ang mga espasyo;

Ang aklatan ng mga kapahamakan.


Gustuhin ko man tumanggi,

Ang mundong ito ang nagmamay-ari sa akin

Ang mundong ito ay may karapatang mang-abuso;

Akin ang gabi, ang pagtulog ay  libre.


May 23,2014

Soots Of ImplosionWhere stories live. Discover now