PROLOGUE

6 1 0
                                    

Dapit hapon n'on, nakatambay kaming lahat ng barkada ko sa tindahan malapit sa school namin. Umpisa na ng second sem. Second year college na ako.

Nagbibiruan lang kami ng bigla akong siniko ni Airene.

"Ano?" sabi ko sabay sipsip sa coke na hawak ko.

May itinuro siya sa bandang unahan ko gamit ang nguso niya. Tumingin ako sa kung ano 'yong tinuturo niya.

"Ayyy"
"Ouch"
"Sakit"

Sari-saring komento ang narinig ko galing sa mga barkada ko.

"Akalo ko kayo ba't may inaangkas na iba?" nakataas ang kilay na sabi ni Airene habang tinitingnan pa rin ang mga bagong dating.

Nagkibit-balikat lang ako habang tinitingnan pa rin ang nasa unahan namin.

Nakasakay siya sa motor kasama si Rayver na kapatid niya at isang babaeng hindi ko kilala. Bumaba una yung babae kasunod si Rayver.

Naghintay sa may gilid ang babae habang si rayver namay ay papasok na sana sa gate ng biglang mapalingon siya sa gawi namin. Naramdaman ko na nakatingin siya sa'kin kaya tiningnan ko rin siya, nagkatitigan kami ng mga 10 seconds.

Naputol lang iyon ng biglang dumaan sa harap niya ang kuya. Nakabuntot pa rin ang babae dito, hinawakan ng babae ang braso ng kuya niya pero dumulas lang ito dahil may hagdan papunta sa gate ng school namin at nakatakong pa ito.

Biglang nagring ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Bumalik na kami ng mga barkada ko sa loob dahil baka malate pa kami sa unang klase namin.

Nakapasok na'ko ng makita ko 'yong babaeng kasama niya, nakatayo ito sa harap ng classroom nila may tinitingnan ito sa ground ng school namin.

Tiningan ko kung ano iyon at nagulat ako ng makita ko si Jedric na nakatayo doon at nakatingin saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ABSCONDED ( Series #1 )Where stories live. Discover now