23

12 5 2
                                    


Nang makarating kami sa cafeteria ay mahaba na ang pila, nahirapan na rin kami humanap ng upuan kaya napag desisyonan namin na pag tapos na lang bumili.

Pahaba nang pahaba yung pila kaya pumila na kami bago pa madagdagan yung mga bumibili. Mabilis namang umusad ang pila dahil andami ring nagtitinda kaya naman nakabili rin kami agad.

Nag heavy breakfast kaming lahat kaya busog pa kami pero dahil exam ay bumili lang kami ng snack para mas makapag focus sa exam namin mamaya.

After namin makipag siksikan sa pila ay nag hanap na kami ng table, nakita ko na marami na ring nagsisi-alisan kaya sure akong may table na.

Habang nag hahanap ng table ay nakita kong pumunta si Candice sa table nila Aidan kaya sumunod na lang kami sa kanya. Napansin ko rin na nagiging close na si Candice kay Aidan, maging si Nadia ay napansin din yun kaya tinanong namin si Candice tungkol dun.

Ang sabi niya na M.U lang daw sila ni Aidan kaya hinayaan na lang namin. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa rules namin na No Boys Until 18

Well, hindi naman counted ang relationship namin ni Liam dati sa rules na yan kase after ako ighost ni Liam ay dun ko lang nakilala sila Nadia.

Andaming sinasabi ni Aidan na jokes pero ni isa ay wala kaming naintindihan. Sinabi  niya pa kung pano niya pinag tripan yung isang bubble sheet na kinuha niya kaya naman natawa kami sa ginawa niya.

Sa aming lahat ay si Aidan at Troy lang ang may lakas ng loob na gumawa nang kalokohan, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa section namin kung wala sila. Sila lang kase ang class clown namin, maging si Ma'am Olegario ay napapatawa nila tuwing umiinit ang ulo nito.

"Bakit di mo ko pinapansin" natigil ang iniisip ko ng biglang nag salita si Liam na nasa tabi ko na pala

Inirapan ko lang ulit siya bago umusog lalo sa tabi ni Nadia, nainis pa siya sakin kaya nag peace sign ako. Maaasar na dapat siya pero nung nakita niya si Liam sa tabi ko ay bahagya niya pa kong tinulak dahilan para madikit ang braso ko sa braso ni Liam.

naalala ko na naman yung nangyari nung foundation day.

Nanlalaking mata kong tinignan si Nadia na ngayon ay lumipat sa pwesto nila Candice. Tumawa lang silang dalawa sa naging reaction ko kaya umirap ako.

"what's our problem, gav? ba't di mo ko pinapansin" tanong sakin ni Liam

"Huh? pinapansin kaya kita" kunwarimg nagtataka kong sabi

"No, hindi ka lumapit sakin kanina before mag start yung exam"

"Medyo late na kase ako dumating" dahilan ko at natawa naman siya kaya masama ko siyang tinignan

"Eh bakit di mo ko niyaya mag recess?" tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya

"Kapal naman ng muka mo, ako babae tas ako pa mag-aaya sayo! di ka ba marunong mag aya?" inis kong sabi bago tumayo sa kinauupuan ko

Inis akong bumalik sa room at buti na lang walang tao. Uupo na sana ako ng yakapin ako ni Liam mula sa likuran.

"Baka raw nag selos ka kay Ash. Totoo ba yun?" tanong niya sabay patong ng baba niya sa balikat ko

"Alam mo naman pala eh. Umalis kana nga" pilit kong kinalas ang yakap niya pero mas hinigpitan niya pa yun

"Para namang maniniwala ako sayo" napa irap ako sa hangin

"Nagsasabi ako ng totoo. Kung gusto mo ipakilala pa kita sa pamilya ko para malaman mo na pinsan ko si Ash" sabi niya kaya gulat akong tumingin sa kanya at natawa naman siya

May sasabihin pa sana ako ng biglang pumasok ang mga kaklase ko. Napa check naman ako sa orasan, tapos na pala yung recess.

Nakita kong iiling iling pang natatawa si Liam bago bumulong sakin.

"I love you. Date tayo sa last day ng exam"

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now