24

6 5 1
                                    


I'm glad na nakaraos din kami sa hell week. Our exam week went well and finally magkakaron kami ng long weekend.

Pag uwi ko galing school ay nag ayos ka agad ako, ngayon kase ang usapan namin ni Liam na mag-ddate kami. Buti na lang ay nasa vacation sila Mama kaya wala akong kasama sa bahay.

Nag suot lang ako ng yellow puff sleeve dress at saka tinali ang buhok ko ng pa-bun. Nag white heels lang ako at sinuot ang black sling bag ko na fargo.

Pinag book ako ni Liam ng grab papunta sa venue dahil hindi raw ako masusundo ni Liam. Nung makarating ako sa Restaurant na napag usapan namin ay nagulat ako sa nakita ko.

Kumpleto ang pamilya ni Liam na nakaupo sa dine in table. Sineryoso niya ata yung meet the family

Nakangiti kong nilapitan si Liam at humarap sa family niya. Binati ko sila at panay ngiti naman sila sakin.

"You must be Gavriela, yung nililigawan ni Liam" nakangiting bati sakin ng mama ni Liam

"Opo, kayo po yung mother ni Liam diba" sagot ko at tumango naman siya

"Yes, the only leah. But you can call me goddess if you want" biro niya pero sa tingin ko ay hindi naman siya nagbibiro dahil totoo naman na muka nga siyang goddess

Ang elegant ng dating niya, akala mo ay straight from wattpad sa sobrang ganda.
Magaganda talaga ang lahi nila Liam, speaking of lahi. Nakangiti akong nilapitan ng isang babaeng naka tweed crop top and skirt. She must be leanne, Liam's little sister.

"Hi ate gav! i'm leanne, Liam's sister. He told me alot about you" nakangiting sabi niya at kumaway naman ako

Hindi ko naman alam na chinichika na pala ako ni Liam sa pamilya niya. Baka nga binabackstab pa ko nyan eh joke

Bigla nilagay ni Liam ang kamay niya sa waist ko at saka ngumiti. ay nandito pala siya joke

"We have to go na. You can have my son na. Take care darling" paalam ng mama ni Liam kaya kumaway ako bago bumaling kay Liam

Niyaya niya ko na pumunta na sa table namin at nagulat ako na vip table pala ang kinuha niya!

Pumasok kami sa isang eleganteng kwarto na may dine in table sa loob. Puro gold at ilaw ang nandun, napaka elegant ng lugar na to.

Inalalayan niya ko umupo at saktong pag upo namin ay dumating ang waiter para kunin ang order namin. Nag order lang muna kami ng carbonara dahil parehas pala naming paborito yun.

Habang hinihintay ang pagkain ay nag kwentuhan muna kami. Tungkol sa nangyari samin dati, sa kung anong naging buhay namin after he ghosted me.

Inamin niya na until now naguguilty siya sa ginawa niya at nasasayangan sa oras na nasayang dahil sa ginawa niya. Malay daw ba namin kung dumating yung panahon na mawala namin ang isa't isa lalo na't mataas ang pangarap na hinihiling namin.

I assured him na hindi mangyayari yun kaya napanatag naman ang loob niya pero bago yun ay pinag-pinky promise niya muna ako. Ang pagiging childish niya yung side na bihira ko lang makita, siguro nga ay vip ako para sa akin niya lang ipakita yung ganung ugali niya.

Sa sobrang dami naming pinag usapan ay sobrang naging worth it itong gabi na to. Andami naming napag usapan at nalaman tungkol sa isa't isa. Ngayon ko nga lang nalaman na takot pala siya sa pusa.

6:43 na yung napag desisyonan naming umuwi na. Hinatid ako ni Liam at wala naman na kong nagawa.

Sabi ko nga ay mag-bbook na lang ako ng grab pero ayaw niya, hindi na raw niya ko nasundo kanina. Gusto niya raw ako ihatid, just to make sure na safe ako makauwi.

Hindi na rin ako nakipag talo dahil sabi nga niya ay siya si Liam Zyde Ferrer. Wala raw kumukontra sa desisyon niya. baliw talaga

Nung maka dating kami sa tapat ng bahay ay pinag buksan ako ni Liam ng pinto. Humingi pa siya ng hug bago tuluyang umalis.

Finally walang sermon ngayon dahil hindi pa rin umuuwi sila Mama. Mas okay na rin siguro yun para makapag rest sila from their job and makapag pahinga rin ako dahil kakatapos lang ng hell week.

Way Back DecemberWhere stories live. Discover now