Chapter XIII : Date na ta, Chloe

1.3K 33 4
                                    

Matapos ang pagsusulit at pagtupad sa bet, inanunsiyo ng paaralan na magkakaroon ng tatlong linggong semestral break upang magpahinga ang mga mag-aaral. Agad na nagpunta si Angelo kay Chloe upang imbitahin siya sa isang date.


Nang muntik nang tumanggi si Chloe, muli niyang inalala ang kanilang bet na sinuman ang manalo ay susunod sa kahilingan ng isa't isa ng walang pag-aalinlangan. Sa pagkakataong iyon, napangiti si Chloe at sinabi na pumayag siyang mag-date at nagtanong kung saan sila pupunta. Sagot ni Angelo, ito'y isang sorpresa para sa kanya.



"Secret, basi mabalan mo karon akon surprise simo" sabi ni Angelo habang naka ngiti na tumitingin sa dalawang mata ni Chloe.

(Translation: "Secret, baka malaman mo ang surprise ko sayo")


"Daman mo lang waay surprise" sagot ni Chloe

(Translation: "Humanda ka kapag wala!")



Dumating ang araw ng kanilang date, at si Angelo ang nagmaneho papunta sa bahay ni Chloe. Dahil walang pasok, nanatili siya sa tahanan ng kanyang mga magulang. Nang dumating si Angelo sa kanilang bahay, seryoso siyang sinalubong ng ina ni Chloe. Siniguro niyang dadalhin niya ito ng ligtas at babalik sa maayos na kalagayan. Pumayag ang ina ni Chloe at sinabing siguraduhin lang niya na ligtas na mapauwi si Chloe at ang pangunahing layunin ay ang pag-aaral upang makatapos ng pag-aaral.


Biglang sabi ng ina ni Chloe "Magdadate ba kayo? siguraduhin mo safe siyang uuwi ng bahay Angelo kundi hindi mo na siya madadala ulit" habang nasa harap ng pintuin at hinihintay si Chloe makalabas


"Opo tita, no worries gid promise na!" sagot ni Angelo habang naka ngiti dahil pinayagan ng ina ni Chloe na dalhin ang kanyang anak sa isang date

(Translation: "Opo tita, no worries talaga promise po yan")



Nagdadag pa ang sinabi ng ina ni Chloe na "Unahon niyo gid pageskwela niyo duwa ha! dapat makatapos kamo college hindi lang date-date"

(Translation: "Unahin niyo ang pag-aaral niyong dalawa ha! dapat makatapos kayo ng college hindi lang date-date")



"Angelo nodded" nakangiti sa harap ng ina ni Chloe


Nagpakita na si Chloe sa pinto at sinamahan niyang lumabas ng bahay si Angelo, at habang papunta sa kanilang destinasyon, nagkwentuhan sila tungkol sa pagiging protective ng ina ni Chloe at iba pa. Pagdating nila, binuksan ni Angelo ang pinto ng sasakyan para makababa si Chloe.


At habang naglalakad patungo sa kanilang pupuntahan, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Chloe, at ngumiti si Chloe sa kanya. sabay sabing "Gumaganyan kana Angelo ha" biglang bitaw ni Angelo at sumagot "Te hindi eh" at sabay hablot pabalik ni Chloe ang kamay nilang dalawa at tumatawa

(Translation: "edi' wag")



Nagsimula ang kanilang date sa pamamasyal sa museo, paglilibot sa parke, at paglalaro sa kalapit na carnival. Pati sa loob ng Ferris wheel, hindi nila napigilan na halikan ang isa't isa, at nagkaroon sila ng hapunan sa isang Koreanong restawran sa Festive Walk. Masaya si Chloe na nagluluto si Angelo para sa kanya.


Pabirong sabi ni Chloe "Basi hilaw pa na ah" sabay tingin ng tingin kay Angelo sa niluluto nitong ulam para kanila

(Translation: "Baka hilaw pa yan ah!")



Lubos na ikinagulat ni Chloe ang kahusayan ni Angelo sa pagluluto. Hindi lang siya basta nagluluto, kundi parang isang mahika ang kanyang mga kamay sa harap ng lutuan. Gulat na gulat din si Chloe dahil ang ganda ng pagkaluto ng karne


Sabi ni Angelo "Busog kana ay?" habang naka tingin kay Chloe habang kumakain ng mga niluto niya para sa kanya

(Translation: "Busog kana no?")


Chloe nodded at ngumiti kay Angelo habang kumakain "Huod na, kaw na sagad luto"

(Translation: "Oo na ikaw na magaling magluto")



Pagkatapos nila kumain ng Samgyupsal lumabas na sila at papalapit na sa sorpresa na inihanda ni Angelo, ang fireworks show, nagtitigan sila ni Chloe habang hinahangaan ang kagandahan nito. Pinasalamatan ni Chloe si Angelo para sa napakagandang date, biglang tinanong ni Angelo "Can I be your boyfriend, Chloe" laking gulat ni Chloe sa tanong sabay sabi ng matamis niyang Oo sabay hinalikan siya ni Angelo sa labi habang ang fireworks show ay gumaganap parin


Natapos na ang fireworks show at bago siya ihatid ni Angelo sa kanilang bahay, hinagkan niya ito sa pisngi at muling nagpasalamat. Pagdating sa bahay ni Chloe, tumawag siya kay Angelo sa telepono at sinabing hindi na siya mananatili sa Iloilo pansamantala dahil magbabakasyon sila sa Capiz. Nagpaalam siya kay Angelo na mag-enjoy ito sa kanyang pagbabakasyon.


Muling nagpaalam ang dalawa sa isa't isa sa pagitan ng telepono na may halong ngiti sa kanilang mga muka na parang mababaliw sa kanilang pagmamahalan"


"Nakakatuwa talaga si Chloe," sabi ni Angelo sa sarili habang nakaupo sa kanyang silid. Pinanood niya ang mga larawan mula sa kanilang date, at sa bawat litrato, hindi niya mapigilang ngumiti. Hindi niya inakala na makakasama niya ang babaeng nagpapasaya sa kanya nang ganito.


To be continued.

It's Raining In Iloilo | by Anthony BuenoWhere stories live. Discover now