3 Cousin's Gathering

3 2 0
                                    

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan na kaming magpipinsan sa sala. "Justin 'di ba?" Tanong ni Camilla kay Justin sabay niyakap niya ang braso ko.

Tumango naman si Justin at ngumiti, "Opo ate." Magalang na isinagot nito.

"Ilang taon kana pala? Nakikita lang kita sa picture no'n pero mga bata ka palang no'n." Tanong ulit ni Camilla.

Nakita ko sa mukha ni Justin ang pagtataka nito. "Ha? Pictures?" Takang sinabi ni Justin.

Humagikgik ako at hinampas sa likod si Justin. "Oo! Send ka kaya nang send sa akin ng pictures mo dati! Habang nga nagvivideo call tayo na sa cr ka pa tumatae eh." Biro ko sa kaniya.

"Ate naman! Maliit pa ako no'n." Nainis si Justin sa akin sabay napakamot sa bumbunan ngunit kami naman ay nagtatawanan.

"Eh teka. 'Di ba magcocollege kana? Anong course ba kukunin mo?" Tanong ko naman sa kaniya.

Nako! Hindi ko alam kung anong kukunin netong batang 'to! Pero feeling ko 'yung madali lang! Tamad 'to eh!

Tumawa lang si Justin habang ako naman ay iniintay ang sagot nito. "Eh ate,"

"Ano?!" Nagmamadali kong sinabi sa sobrang atat malaman ang kukunin niyang kurso.

"gusto ko kaseng maglaw." Sagot niya.

Napahinto ako sa narinig kong sinagot niya. Tinawanan ko na lang ito sabay inakbayan ko ito. "Law?! Lakas mo naman!"

Nagsisinungaling ata itong batang 'to sa akin!

Sighs, "'Di nga! 'Yung seryoso?!" Ngunit hindi ako makapaniwala na kukunin ni Justin ang Law.

Justin chuckles, "Nakapagtake na nga ako ng exam last week pa. Hinihintay na lang namin 'yung results." Paliwanag sa amin ni Justin sabay tumayo na siya sa sofa.

"Ang talino mo pala..." Bulong ko.

"Oo, matalino talaga si Justin. Akala mo lang basag ulo 'yan pero matino 'yan." Narinig ni Kuya Daven ang bulong ko.

Napangiti si Justin sa puri sa kaniya ni Kuya Daven. "Salamat kuys..." Saad ni Justin sabay tapik nito sa balikat ni Kuya Daven.

"Sige, tulog na nga ako! Anong oras na! Mag-aala una na." Paalam na sa amin ni Justin at pumasok na siya sa kwarto.

Tumingin sa akin si Kuya Daven at ngumisi. "Leng..." Tawag sa akin ni Kuya.

"Oh kuya?" Sagot ko.

"Tungkol nga pala kay Tita Sherlyn, sa pang treatment niya." Saad niya sa akin.

Tumango ako at nag-isip sa mga gagawin ko. "Alam mo naman par, hindi naman gano'n kalakas kumita talyer ko. Hindi ko kayang mag-isa na pagsabayin pag-aaral nila Justin tapos 'yung treatment pa ni tita. Atsaka, wala ring mag-aalaga kay tita." Malungkot na sinabi nito.

Clicks tongue, "Alam ko Kuya. Kaya... Maghahanap ako ng trabaho, dito sa Maynila." Sabay napa-isip ako ng pwedeng kong maging trabaho.

Ano ba pwede-

"May kilala ako." Habang nag-iisip palang ako ng trabaho ay may sinabi kaagad sa akin si Camilla.

"Sino naman Babe?" Tanong ko naman sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin. "'Yung kaibigan ko kase, meron siyang kaibigan na nagtratrabaho sa isang kompanya." Sagot niya.

Kompanya? Anong kompanya naman 'yun?

Napa-isip ako at nagtanong, "Anong kompanya naman 'yun?"

"Well Dress ata. Basta dito lang daw 'yun sa Quezon City." Sagot ni Camilla.

Nakisali na rin si Kuya Daven sa usapan. "Ah oo! Malapit lang dito 'yung Well Dress." Sabay nanuro siya sa likod niya.

"Well Dress?" Tanong ko sa aking sarili sabay napa-isip.

Parang narinig ko na 'yung brand na 'yun. Sikat 'yun ah!

Lumingon ako kay Camilla at nagtanong. "Sikat 'yun 'di ba? Eh... Ano namang pwedeng i-apply dun?"

Napatingin ito sa malayo at napa-isip. "Hindi ko kase sure. Bukas tanungin ko sa kaibigan ko." Sagot niya sa akin.

Tumayo na si Kuya Daven sa sofa at tinaas ang mga kamay nito. "Oh sige! Matutulog na ako, anong oras na. Matulog na rin kayo! Para tumangkad ka rin Leng."

Ouch! Porket tumangkad lang kayo!

Biro ni Kuya Daven sa akin ngunit ako naman ay nainis. "Kuya naman!" Sigaw ko sa kaniya.

"Joke lang! Ito naman!" Bawi ni Kuya Daven sabay tumawa si Camilla.

"Oh sige bye na! Goodnight, maaga pa ako bukas." Paalam na sa amin ni Kuya Daven.

Unexpected To FallOù les histoires vivent. Découvrez maintenant