Chapter 2

2.5K 68 76
                                    

Parang may hinahabol na deadline ang oras dahil kakasimula pa lang ng first sub namin ay hindi ko na namalayan na 3rd sub na agad. Maingay na naman ang mga kaklase ko dahil wala pa'ng guro na pumapasok sa room namin. Nangungulit na naman si Yuan sa'kin pero hindi ko siya pinapansin.

"Gusto mo ba ng milktea, Nique? Parang nag crave ako bigla," sabi niya at humawak pa sa tiyan niya.

"Edi bumili ka. Kaka-snacks lang natin pagkain na naman iniisip mo," sabi ko at inayos ang mga libro ko.

"Ito naman ang sungit mo talaga sa'kin. Crush mo ba ako?" sabi niya kaya hinampas ko siya. Tumawa lang naman ang gago. Paborito talaga akong asarin nito.

Hindi lang doon tumigil si Yuan sa pang-aasar. Ilang beses niya pa akong inaya ng kung ano ano pero binabara ko lang siya. Courtney was just listening to us the whole time. Minsan din nakikitawa siya sa pang aasar ni Yuan sa'kin.

"Ahh... Dominique."

Napalingon ako nang tawagin ako ni Kier. Nakatayo siya sa harap ko at bitbit na ang bag niya.

"Wala raw si ma'am kasi nag sick leave. Gusto mo ngayon na tayo pumunta ng library? Para mahaba-haba ang oras natin?" sabi niya na seryosong seryoso ang mukha.

Narinig iyon ng ibang kaklase ko na malapit lang sa amin kaya napatingin sila sa aming gawi. Nang-aasar na agad ang mga tingin nila kahit wala namang malisya sa sinabi ni Kier.

"Hala uy, ano 'yan? Pwede sumama?" singit ni Yuan.

"Bawal ang asungot doon," sabi ko at inayos na ang mga gamit ko tsaka tumayo.

Mas gugustuhin ko pang sumama kay Kier kaysa manatili dito kasi hindi ako titigilan ni Yuan sa pambubwisit.

"'Wag ka nang umepal Yuan. Library date nila 'yun," sabi ni Courtney na narinig naman ng ibang kaklase namin kaya umugong ang mga pang aasar nila.

"Anong date? Gago, magrereview kami," pagtanggol ko pa.

"Asus! Alams na, kaya mag shush ka nalang at umalis na kayo," pagtaboy pa ni Courtney sa amin. Hindi pa rin tumigil sa pang aasar ang mga kaklase namin. Tahimik lang naman si Kier na naghihintay sa'kin na parang hindi naririnig ang pang aasar ng mga kaklase namin.

"Manahimik nga kayo. Huwag niyo nga i-ship ang bebe ko sa iba. Nakakasakit na kayo, ah. Respeto naman sa relasyon namin guys," sabi ni Yuan na talagang tumayo pa para i-announce iyon sa lahat. Tinawanan lang naman siya ng iba naming kaklase kaya inirapan ko din siya.

"Relasyon mo mukha mo, tara na nga Kier," hinila ko ang kamay niya para makasunod siya sa'kin at makalabas na kami sa classroom.

Kahit nasa labas na kami ay malakas pa rin ang mga pang aasar nila sa amin. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kaya talaga ayokong mapalibutan ng mga tao. Ang iingay.

Tahimik lang si Kier sa likod ko kaya nilingon ko siya. Seryoso lang ang mukha niya at namumula ang tenga niya habang nakatingin siya sa mga kamay namin. Ngayon ko lang namalayan na magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin kaya agad akong napabitaw sakanya. I cleared my throat and tried my best to avoid his gaze. Gusto ko na lang magpakain sa lupa!

"Bakit?"

Napatingin ako sa kanya. Nagtataka sa tanong niya.

"Ha?" nangangapa ako ng maisasagot dahil hindi ko siya naintindihan.

Inayos niya ang strap ng bag niya bago sumagot. "Bakit mo binitawan?"

Nanigas ako sa tanong niya. What? Ano bang ibig niyang sabihin? Gusto niya bang hinahawakan ang kamay niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wreck Your WallWhere stories live. Discover now