The Seeking 31: I am All Yours

294 19 4
                                    

The Seeking 31: I am All Yours

 

Check out the Multimedia Photo and you'll see 5 characters there! Watch out for the LINES I included in every picture! ^___^

 




(Monica Snow's POV):

Nakahiga pa rin ako sa hospital bed. Sinasalinan pa rin ako ng dugo hanggang ngayon. Nakakainip na. Gusto ko nang lumabas. Gusto ko nang makita si Jan Deru.

Magtatatlong araw na'ko dito. Nakakabagooooot!

"Mommy!" Biglang sigaw ni White matapos niyang buksan nang malakas ang pinto. Saglit ding napatalon puso ko dun ah!

"Ba't ka nanggugulat!" Bulyaw ko.

"Wala, namiss lang kita." Ngumiti siya nang matamis sabay lapit sa'kin. Nilagay niya sa maliit na mesa yung fruit basket na dala nila ni Evangeline. Syempre kasama niya si Evan. Kinakausap ko na rin yung babaeng yun kasi nagsorry na din naman siya at isasauli na daw niya si White sa'kin. XD

"Drama." –Me

"Uy, isara niyo nga yung pinto—" Napahinto ako sa nakita ko. Nasa labas sina Rexodus at Virenika (yung bata pa, mag-asawa na) XD.

Napatingin din sina Evan at White sa labas.

"VIRENIKAAAAAA!!" Sigaw ko sabay kaway-kaway at nakalimutan kong naglaslas pala ako kaya ayun, sumakit na naman! "A-Arayyy, araayyy!" Daing ko sabay yakap sa kamay ko.

"Mommy!" Agad na hinawakan ni White yung kamay ko at inihip-ihipan niya yun. "Dahan-dahan kasi."

"Eh sa kilala ko yun eh!"

"Ay! Si fafa Pogi!" Tili ni Evangeline sa isang tabi nang makita niyang papalapit sa'min ang mag-asawa.

Ngumiti ako sa dalawang papasok na sa room ko. Si White busy pa rin sa paghihip sa kamay ko.

"Snow!" Virenika ran towards me and she kissed my cheek. Ang sweet talaga niya. ^__^

"Anung nangyari sa'yo?" Tanong naman ni Rexodus na mas lalo nang bumait yung hitsura. Bad boy kasi yung look niya the first time I met him. XD

"Ahh, kadramahan sa buhay." Nahihiya kong sagot. Nakita kong napatitig si Rexodus kay White. Oww!  "Ay! By the way, Rexodus and Virenika, this is White, bestfriend ko." Itinuro ko si White. Napatitig na din si Virenika sa kanya. "White, this is Rexodus and Virenika, friends ko." Magkakilala na din naman sila ni Evangeline. ^___^

Nakangiti kong tinitigan si White. I'm sure masaya siyang may bago na naman siyang nakilala—OR NOT??

Nakatitig siya kay...

Virenika..?

O.o

Bahagyang nakasalubong ang mga kilay niya at bahagya ring nakanganga yung mga labi niya. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Napatingin rin ako kay Virenika.

O______O

Gulat na gulat naman si Virenika habang nakatitig kay White. As in gulat na gulat na parang nakakita ng multo.

Magkakilala ba sila??

"M-Magkakilala ba kayo?" Pinilit kong ngumiti ulit. Si Rexodus mukhang nagtataka na din.

Forbiddenly In Love with My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon