Prologue

441 21 1
                                    

------------

“Gospel?”

Agad akong napalingon kay mama nang tawagin niya ako

Naluluha ang mga mata niyang lumapit sa akin kaya dali dali akong naglakad

“Anong nangyare, ma?” nag aalala kong tanong

Kagagaling ko lang sa trabaho at ito ang madadatnan ko. Ang sakit sa pusong makitang umiiyak ang nanay ko. Madalas itong mangyare ngayong taon dahil sa hirap ng buhay simula nang mamatay ang tatay

“Kanina, nag harap harap kami sa barangay nang may ari nitong inuupahan natin dahil halos pitong buwan na raw tayong hindi nakakabayad ng upa. Patawad anak. Tinawagan ko na ang ilan sa mga kaibigan ko para makapag hanap ng trabaho” naiiyak na kwento sakin ni mama

“Okay lang yan ma. Makakasurvived tayo. Wag kanang umiyak. Gagawa rin ako ng paraan. Ito po, ulam. Tawagin niyo na si Genesis para makakain na tayo” pinilit kong ngumiti ng bahagya upang hindi siya manghina

Third year college na dapat ako this year. 21 yrs old at mukhang titigil pa sa pag aaral. Natapos ko ang 2nd year ko pero huminto ako ngayong year dahil sa hirap nang buhay. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik 'o makakabalik paba ako.

Matalino ang mama ko. Magaling siya sa business at pera kaso nalugi ang kompanya na pinag tatrabahuan niya. Bata pa si mama. 40 yrs old palang. Maaga niya akong pinagbuntis noon at kahit na anak ako sa labas sa father side, kami ng kapatid kong babae, hindi niya tinanggal ang koneksyon kay papa para hindi namin maranasan ang naranasan niyang walang tatay na kinilala

Nahihirapan siyang humanap ngayon ng trabaho dahil sa hirap ng buhay dito sa manila. Ang liit ng sahod, ni hindi kasiya pangbayad sa kuryente at tubig. Yung kinikita ko sa pag sideline sa fast food ay hindi sapat dahil napupunta lahat sa pangbayad sa kuryente, tubig at tuition ko last school year

“Hoy Ruth! Lumabas ka diyan!” sigaw ng familiar na boses sa labas ng bahay namin. Agad akong lumabas para tingnan ang nag eeskandalo sa labas

“Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan aling tere? Mahiya ka naman po at ang daming taong nakatingin 'oh” mahinahon kong saad kahit na ang daming chismosang mas nauna pa ata saking lumabas upang tingnan ang nag eeskandalo dito sa tapat ng bahay

“Aba, kayo ang mahiya! andyan na pala ang breadwinner na anak niya. Sabihin mo sa nanay mo na kapag hindi kayo nakapag bayad ng bahay ngayong linggo ay wala akong pakealam kahit mag papulis pa kayo, ako na ang mag hahalungkat ng gamit niyo palabas!” nang gagalaiti na sabi niya at umalis. Napapikit ako at kumalma bago pumasok sa bahay

Mabuti nalang at hindi narinig ni mama dahil ako ang andito sa sala at tinawag niya ang kapatid ko para kumain ng hapunan. Ma highblood na naman yo'n. Bata pa ang nanay ko pero mukhang dito pa ata tatanda kaagad sa mga tao sa paligid namin

Kung makasigaw siya. Eh paano ako makakapag ipon ng bahay kung 10k ang renta at napaka taas pa ng kuryente at tubig. Pina check ko kahapon at gano'n nalang ang inis ko ng nakitang may naka konektado sa linya namin. Kaya ang taas ng bayarin.

“Anak, gusto akong kitain ni ninang minda mo. May malaking kompanya kasi ang nag aalok sa posisyon ng katrabaho nilang nag resign nung nakaraan kaya ako ang sinuggest niya rito.” bakas ang liwanag sa mukha ni mama

“About saan ang trabaho ma?” kunot noo kong tanong. Ang biglaan naman nito. At malaking kompanya? Sa sobrang lala ng trust issues ko dito sa manila, baka mamaya illegal ang gawain doon. Mahirap na.

“Business rin anak.  Sa Legacy Company. Ang inaalok na trabaho ay sa mismong kompanya at tiga hawak ng pera. Baka ito na 'yon anak. Baka dito na ulit tayo makakabangon.” masayang saad sa akin ni mama

Behind Her Fake Sanity حيث تعيش القصص. اكتشف الآن