PROLOUGE

14 2 1
                                    

Prologue

"Hoy, tara! Kape ka muna.." tawag sa akin ni Leslie.

Kinuha ko ang nahulog na papel mula sa printer. Sinilip ko ang relo ko, damn it's already 2:00 AM.

"Ah, sige lang. Hindi ako mahilig sa kape," pagtanggi ko.

Tinuon ko ang mga mata ko sa labas. I watched the gleaming lights from the skycrapers outside. I sighed, parang winawarak ang puso ko with all sorts of emotions I am feeling right now.

Bumalik ako sa ginagawa. Parang binabaligtad ang sikmura ko sa lahat ng aking iniisip. I glanced at my phone, it is constantly vibrating since 10 pm. Hula ko ay tawag na nang tawag ang aking pinsan.

I heard Leslie sighs. Napabaling ako sa kan'ya.

"Five days straight ka ng overtime ah! Baka naman gusto mo magpahinga, uso 'yon."

Bumuntong-hininga ako. Alright, nakakapagod itong ginagawa ko pero napamahal na ako sa gantong gawain.

Wala naman din masiyadong task sa akin. I just really want to overtime to properly experienced this whole office thing.

Dalawa na lang kami sa office actually. Kaming dalawa nalang ang naka-overtime.

"Nakakatakot talaga dito..." she said.

"Wag mo akong simulan ng ganyan, Leslie. Pagod ako.." sabi ko at nag-focus sa monitor.

"Actually, tagal ko ng gustong mag-overtime eh. Kaya lang, wala naman akong kasama. Nung nalaman ko ngang nag-oovertime ka dito simula nung lunes, aba! Nag-decide na din akong mag-overtime!" she exclaimed.

I smirked at her statement. Mahal na mahal talaga ako ng babae na 'to. Kinuha ko ang mga papel at nilagyan ng paper clips. Isinilid ko iyon sa isang folder.

"Bakit naman?" sabi ko saka kinagat ang takip ng ballpen. Kaonting pirma na lang tapos na ako.

"Eh kasi diba! ang daming chismis sa may building two na ang dami raw na multo dito sa building one..."she trailed off.

"Chismosa," I said as I continues signing the paper.

".....kaya sabi ko, sasama ako sayo. Para may kasama ako pag may nakita akong multo. It's now or never!" she giggled.

I chuckled at her.

"Hindi magpapakita sayo ang mga multo Leslie. Sa sobrang daldal mo, baka pag nakita mo sila maging ka-chismisan mo pa.."

"Grabe ka naman! Hindi naman siguro."

I chuckled at her again. Even with our ridiculous conversation, hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot.

"Ayan tapos na.." sabi ko at inayos ang gamit ko.

Huling overtime ko na 'to. Mukhang kahit overtime, mami-miss ko.

"Ano ba 'yung ginawa mo?" she asked me.

Ngumiti ako sa kanya saka isinukbit ang bag ko sa balikat ko.

"Yung ano ko lang--"

Natigil kami ng makarinig ng kalabog sa may pantry area. Parang may nahulog na baso.

"A-ano 'yon?" nilapag ni leslie ang tasa niya sa may isang table, saka isinukbit ang bag.

"Leslie, tayo lang ang nandito diba?" i asked.

Tumango siya, nanlaki ang mata ko ng may marinig na nahulog na tasa na naman.

"Shit!" napahiyaw kaming dalawa saka nag-uunahang lumabas.

"Putangina, ang tagal pa ng halloween. Ahh!!" sabi ni Leslie saka nauna pang bumaba sa may hagdanan.

Napahawak ako sa railing, kaya naman napahinto rin siya at napatingin sa akin. Naka stilettos pa naman ako oh!

Summer: A heat of Love (Four Seasons Series #1)Where stories live. Discover now