Chapter 13: Forgiven

100 4 2
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 13: Forgiven

Kinabukasan...

KD Mall

"MAMA, huwag na lang po tayo bumili ng laruan, sketch pad na lang po." sabi ni Draven sa ina habang kumakain sila na ikinatingin ni Davina sa anak na nakangiting nakatingin sa kanya.

Araw ng linggo ng araw na iyon at walang pasok si Davina sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ng dalaga dahil day-off nito. Nasa mall ang mag-ina para magbonding at bumili ng laruan na ipinangako niya rito noong nakaraang araw. Kumain sila sa isang sikat na fastfood chain.

"Bakit sketch pad na lang ang bibilhin natin, ayaw mo na ba ng laruan?" tanong ni Davina na napahinto sa pagkain dahil sa sinabi ng anak.

"Meron na po akong laruan, Mama. Iyong bigay ni Daddy kaya sketch pad na lang po at lapis. Gusto ko po mag-drawing, Mama. Gusto ko makita ng lahat ng tao ang drawing ko kapag malaki na ako tapos ibebenta ko para magkapera tayo at hindi mo na kailangan magtrabaho, Mama. Hindi ka na mahihirapan mag-work, Mama." nakangiting sabi ni Draven na ikinangiti ni Davina kahit na may namumuong luha sa mata niya dahil sa matalinong pag-iisip ng anak.

"Aist, bakit ka ganyan mag-isip, Draven? Para kang matanda kung mag-isip. Huwag muna, Anak. Huwag ka muna magmadaling lumaki, baby pa kita." biro ni Davina sa anak pagkatapos punasan ang tumulong luha sa pisngi niya na ikinabungisngis ni Draven sa biro at reaksyon ng ina.

"Baby rin kita, Mama. My cry baby." bungisngis na sabi ni Draven na ikinanlaki ng mga mata ni Davina.

"Baby mo rin ako?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Davina kay Draven.

"Opo, at love ka ni Draven. Love na love kita." nakangiting sabi ni Draven na ikinangiti rin ni Davina.

"Ang sweet ng baby ko." sabi ni Davina bago niyakap ang anak na katabi niya at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Do you really want to be a painter someday?" tanong ni Davina kay Draven habang yakap ang anak.

"Opo, Mama." sagot ni Draven bago sumubo ng fries habang yakap pa rin siya ng ina.

"Then, kailangan mo galingan sa school kapag nag-aaral ka na para matupad mo ang pangarap, just like me. Kahit mahirap ang buhay, hindi iyon hadlang para hindi ko matupad ang pangarap ko maging doktor. At patutunayan ko sa lahat na hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak o ang pagiging single mother para hindi ko matupad ang pangarap ko. Hindi ka hadlang sa pangarap ko, Draven, dahil ikaw ang inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pangarap ko at magkaroon ka ng magandang kinabukasan." nakangiting sabi ni Davina bago niyakap ng mahigpit anak at hinalikan sa ulo.

*****

"MAMA, ang dami po." sabi ni Draven ng makita ang shopping basket na hamak ng ina na halos nasa kalahati na ang laman nito.

"Okay lang iyan, Anak. You want to be a painter someday, right?" sabi ni Davina habang tumitingin ng mga art materials sa section na iyon ng bookstore at kapag may napipili siya na gamit ay nilalagay niya sa shopping basket na hawak.

"Opo, Mama, pero ang dami mo na pong nabili. Mahal po ang mga iyan." sabi ni Draven sa ina na ikinangiti ni Davina.

"Okay lang, Anak. Minsan lang ito. Wala akong pakialam kung gaano pa kamahal ang mga bagay na gusto mo basta maibigay ko sa'yo ang bagay na magpapasaya sa'yo, Anak." nakangiting sabi ni Davina sa anak at hinalikan ang noo ni Draven.

"Lahat ng hiling at gusto ng isang anak ay maibibigay o kayang ibigay ng ina sa pamamagitan nang kanyang pagsusumikap kahit gaano pa ito kamahal o kahirap ibigay, mapasaya o makita lang ang ngiti sa labi ng kanilang anak." nakangiting sabi ni Davina sa isip bago bahagyang ginulo ang buhok ng anak na nakangiting nag-angat ng tingin sa kanya.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon