Career

9 0 0
                                    






"Miss Aika!" napalingon ako don sa tumawag saakin, lumapit naman sila saakin.






"Hello," nakangiting bati ko.




"Pwede magpapicture?"




"Sure," saad ko at tumango.




Nagpapic naman sila saakin.




"Wow Miss Aika! Anganda ganda niyo po talaga number one fan niyo po ako!" sabi niya at ngumiti naman ako.




Satingin ko ay mga 16 pa lang yata siya at kasama niya yung mga kaibigan niya.




"Aika! Pumunta na tayo sa likod! Mags-start na yung show!" sigaw ng manager ko.





Dali dali naman akong nagpaalam sakanila at nagmadaling lumakad papunta sa likod.





I'm Aika Slynveia Xyneiz, 25 years old and I'm actress and a model.



Nandito kami ngayon sa mall at dito daw gagawin yung show na iinterviehin ako.







2 years na akong actress and model and marami na akong fans sa buong bansa dahil sa galing kong umarte.







"Please! Let's welcome! Miss Aika Slynveia Xyneiz!" sigaw nung host ng show





Lumabas naman ako at nagp-perform muna sa stage.




Pagkatapos kong magperperform, agad naman akong bumati sakanilang lahat.





"Hi!" agad namang nagsigawan ang mga tao dito





"Magandang araw sa inyo!" bati ko sakanila at muli namang umingay ang mall.




"Wow anrami mo na talagang fans Miss Aika," bola naman nung host saakin





"Please take a seat," tinuro naman niya yung couch na malapit saakin at umupo na rin ako don.





Ngumiti na lang ako at maya maya lang nagtanong ng nagtanong lang sila saakin na ikinairita ko minsan.




Yung ibang mga tanong kasi nila minsan over the belt na eh sarap nilang pagsasapakin.




"Okay next!"





May pumalit naman sa nagtatanong saakin kanina. Yung babaeng nagpapic kanina saakin, agad ko naman siyang nginitian.






"Hi! Miss Aika! Tanong ko lang po nagkaboyfriend na ba kayo bago pumasok sa shobiz?" bigla naman akong napatigil sa tanong niya.





Ngumiti na lang ako at tumingin sakanilang lahat pero bigla akong napatigil nung nakita ko siya.




Nasa malayo siya at alam kong nakatingin siya saakin.




May kasama siyang babae na may karga kargang batang babae.




"Uhmm oo, nagkaboyfriend na ako dati nung college ako but nagbreak kami kasi mas pinili ko yung career ko kaysa sakanya," sabi ko at ngumiti ng mapait.





Bigla namang tumahimik ang buong mall.





"Uhmm, hope you don't mind po pero pwede mo bang sabihin kung nasaan na siya ngayon?", tanong pa niya ulit





Ngumiti na lang ulit ako ng mapait.






"Masaya na siya at may pamilya na siya ngayon", sabi ko at tumingin sakanya.



Ngumiti na lamang ako sakanya.









Panandalian Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon