Chapter 1

117 6 0
                                    

Kagaya nang napag kasuduan ay sinundo ni Berna si Emman sa dormitoryong tinitirhan nya. Hindi ito na siyahan sa ayos nya kaya muli sya nitong inayusan. Kinulot-kulot nito ang mahabang buhok nya at nilagyan sya ng false eye lashes na magnetic daw at pasalubong pa dito ng kapatid nitong galing sa abroad.

Kung tutuusin ay hindi nya naman iyon kailangan dahil natural na makapal at malantik ang mga pilik mata nya. Pero infairness, ay naka dagdag ganda ang mas kumapal pang mga pilik mata sa kanya. Medyo bumilog kasi ang almond shape nyang mga mata at nag mukhang buhay na buhay, lalo na ng lagyan pa sya ng itim na eyeliners, matapos sya nitong lagyan ng smokey eyeshadows. 

Ipinag pilitan din ng kaibigan na ang kulay puting body con dress na strapless ang isoot nya. Na asiwa syang bigla dahil talo nya pa si Sofia Vergara o si Betty Boop sa soot nya. Nag uumapaw ang dibdib nya sa neck line noon, at lalo pag na emphasized and cleavage nya.

Lubos syang pinag pala sa chest department, bagay na kina iinggitan ng iba pero ikina aasiwa nya naman lalo na kapag pakiramdam nya mina manyak sya ng mga lalake.

Katulad na lang ng dumaan sila pa baba sa dorm nya, kung saan ang second floor ay kilalang billiard hall at puno ng magkahalong lalake at babaing estudyante mula sa tatlong magkakatabing university. Nag paswitan ang mga lalake at may sumigaw pa ng sexy! Totoo namang sexy sya.

Sa taas nyang five four ay biniyayaan sya ni lord ng makorbang katawan. Size twenty four lang ang beywang nya at size 34D ang nag uumapaw nyang didib. Mabibilog at matambok ang pang upo, long slender arms, at bilogan ang mahahabang hita at binti. At bagamat kayumangging kaligatan ay napaka kinis ng balat nyang sanay sa hypo allergenic na mga mamahaling sabon at body creams. 

Ipinag pasalamat nyang  wala syang hilig sa make up, dahil wala syang ipang bibili noon, nauubos ang allowance nya sa mga ka artehan ng balat nya. Bata pa sya'y hindi na sya mahiyang sa basta bastang sabon na nabibili sa mga tindahan. Nag kaka rashes at na ngangati ang balat nya, kaya naka lakhan nya na na pangalagaan ang kutis nya at gamitan ng mga sabon na reseta pa ng dermatologist.

 Ayon sa mommy Mona nya ay mas makakatipid sila sa pag bili ng mahal na sabon, kesa laging mag pa doktor. Noong bata pa sya at hindi nya pa alam na ampon sya ay labis nyang ipinaninibogho ang kulay ng balat nya sa mga kapatid. Dahil ang tatlo ay mapuputi at ma mula-mula, tulad ng mommy Mona nya at ng tunay nyang ina. 

Madalas syang asarin noon ng mga kapatid, hindi daw bagay sa balat nyang negrita ang mag inarte. At kapag nag aaway-away sila ay madalas syang tawaging  negra o kaya naman ay ulikba.

Tuloy nagkaroon sya ng bahagyang inferiority complex dahil sa kulay ng balat habang lumalaki. Minsan nga, dahil sa pang aasar ng mga kapatid ay gumamit sya ng whitening soap, kagaya ng nakikita nya sa TV commercials, kaso nangati at nag puro rashes sya, ang resulta napalo at na pagalitan silang magkakapatid ng mommy Mona nya.

Nang magdalaga sila ay saka lang nawala ang inferiority complex nyang iyon, dahil na mukod tanging sya lang ang hindi naka ranas magka pimples at hormonal break outs sa  kanilang apat. It was then that she realized na advantage nya ang darker skin color nya. Bukod pa sa madalas sabihin ng mga kaibigan at ka kilala nila na higit syang maganda kesa tatlong kapatid at kung nagka taon nga raw na maputi sya ay pakakainin nya ang tatlo ng alikabok. 

Sa tatlong kaibigan ay sya lang rin ang kayumanggi. Si Berna ay kutis Chinese, katulad ng mommy nito na mistisang Chinese. Though may kaliitan ito ay very slim naman at ang kagandahan nito ay maihahalintulad sa mga leading lady sa mga Korean teleserye.

Sina Katriz at Megan ay mapuputi ring katulad ng sa mga kapatid nya, at sadyang magaganda rin. Si Katriz ang pinaka matangkad sa kanilang apat, maamo at hugis puso ang maganda nitong mukha. At parang telephone cord ang kulot-kulot nitong buhok.

Kisses of FlamesWhere stories live. Discover now