Chapter 13

158 6 57
                                    

(Note, some songs here or the next chapters na mababanggit will be opm songs composed by Hamier Sendad and sung by a muslim singer Ms. Sanshai, some will be songs by Norhana, REAL CREDITS WILL BE TO THEM. But for the sake of entertainment we will pretend na ang real parents ni Emman ang composer. The songs are very sentimental and for some reason ay biglang na miss ko ang mga awiting sariling atin, at in my opinion the songs are bagay sa situation ni Eliza ang mommy ni Emman.) You can find the songs on Youtube kung saan ko sila original na nahanap.)

*****

Pag bungad nila ni Via ay na datnan nilang nasa sala ang ina at nag papalit ng mga pillow cases ng mga unan sa sofa. Ang mga kurtina sa bintana ay lahat bagong palit at na ngingintab ang kulay pulang sementong sahig. Hindi naman marumi ang bahay nila kanina ng iwan nila ni Rolf, pero dahil may bisita sila mamaya ay mukhang nag linis pa ng husto ang ina pagka galing sa eskwela.

"San ka galing?" Tanong nito sa kanya.

"Kina Rolf po, tumulong sa pag luluto." Sagot nya.

"Seryoso na ba kayo at mukhang doon ka na rin nag lalagi? Baka naman sa susunod na taon ikaw naman ang ikasal." Litanya ng ina.

"Ayaw mo ba non my si ate Louisa lang ang mapapalayo?" A ni Via na inilapag ang bitbit na medical bag sa ibabaw ng mesa, habang si Emman ay inilapag sa sahig ang bitbit na gitara.

"Hindi naman sa ayaw, pero napaka bata pa ni Emman, at sayang naman ang pinag aaralan at husay nya kung dito rin lang sya matatali sa probinsya, walang asenso dito." Muling litanya ni Mona.

"Mom hindi pa naman ako mag aasawa, kahapon lang ako nagka boyfriend tapos pag-aasawa na agad ang sinasabi mo." Naka ngusong sabi ni Emman.

"Sa edad ni Rolf hindi lang basta girlfriend ang hanap nya, kita mo nga si Patrick o, pakakasalan na si Via." Pa singhal na sagot ni Mona, kahit hindi naman galit, sadyang ganoon lang talaga ito manalita.

"We already talked about it, alam nyang hindi pa ako ready." Sabi ni Emman.

"Hmmm, ganyan din ang sinabi ni Via, pero heto pamamanhikan na." Nandidilat ang mga matang sabi ni Mona, saka isiniksik ang huling throw pillow sa case nito at isinara iyon.

"Basta, hindi pa ngayon." Determinadong sabi ni Emman, saka tumayo at nag pa alam na mauuna kay Viang maligo. Na iwan sa salas ang gitara nya.

Bandang alas sais ay kapwa bihis na ang magkapatid. Si Via ay naka soot ng puting skater dress na may cut out detail sa tagiliran at walang mga manggas. Molded ang cup sa dibdib at mababa ang cut sa likuran. Fully made up ang mukha at bahagya pang kinulot kulot ang mahabang buhok at naka kulay puti ring heeled sandals. She truly looked like a vision of a modern bride to be.

Si Emman ay napilitan ring mag soot ng bestida, gusto ng mommy nila na mag bihis sila ng maayos at maganda. Maxi dress na powder blue at may print ng maliliit na kumpol ng baby pink, white and light yellow flowers iyon. Puffed sleeves at square ang cut ng neckline at itinatali para hindi bumuka at mahantad ang mayaman nyang dibdib.

Naka hantad mula sa mahabang cut ng slit ang kanang hita at binti, she opted to wear a strappy flat sandals sa mga paa, naka half pony ang buhok na itinali gamit ang ka terno ng damit nyang ribbon sa buhok. As usual ay halos wala syang make up, pero ipina ayos nya kay Via ang kilay nya, at nag lagay sya ng strawberry flavored lip gloss na paborito nya from the body shop.

Nang dumating ang ate Clara nila kabuntot ang asawang si Lemuel at kapwa bihis na bihis rin ang mga ito. Ang mommy nila ay naka semi formal na blouse at slacks at bahagya ring nag make up. Ang daddy na lang nila ang wala, dahil kasalukuyang nasa police station pa rin.

Kisses of Flamesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن