Numero Tres

16 0 0
                                    

Sobra na ang kabang nararamdaman ko, parang merong masamang mangyayari. Iba talaga ang kutob ko.

Kasama ko ngayon si Trisha, naglalakad na kami patungo sa malaking puno ng mangga. Napansin ko agad ang malawak na ngiti sa kanyang mukha.

"Hindi na ako makapaghintay na makapunta sa gubat," saad nito. Hindi pa rin nawawala ang malawak nitong ngiti. "Halika na Lora, bilisan na natin." Naglakad itong mabilis.

"Sandali lang Trisha, may gusto lang akong sabihin."

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Ano yun?"

Dapat matagal ko na 'tong ginawa. Dapat matagal ko na sinabi sa kanya kung ano ang nakita ko sa gubat. Sana hindi na kami tumuloy pag malaman niya.

"Nang nakaraang araw, pumunta ako sa gubat para kumuha ng halamang gamot. Doon lang sana ako sa parte ng gubat na pamilyar ako, pero dahil sa aking kuryusidad tumungo ako sa parte ng gubat na hindi ko pa napupuntahan. Naligaw ako..., hindi ko na makita ang lugar pabalik hanggang sa ginabi na ako sa gubat. Takot na takot ako nang mga oras na yun pero sa aking patuloy na paglalakad, nakakita ako ng apoy kaya sinundan ko ito." Tumigil ako sandali sa pagsasalita at hinawakan ang kamay ni Trisha. "Iba ang nakita ko Trisha. Merong mga nakaitim na talukbong. Hindi ko alam kung ano sila. Hindi ko alam kung tao ba sila o mga demonyo. Malakas ang kutob ko na hindi ligtas na makakrus natin sila ng landas."

"Paano ka nakalabas ng gubat?" gulat nitong tanong.

"Nang makita ako ng isa sa kanila, tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa may nakita na akong liwanag at mga kabahayan-"

"Ikaw ba talaga si Lora?" bigla niyang putol sa sinabi ko. Seryuso ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Kahit ako ay napaisip na rin kung ako pa nga ba talaga 'to o meron ng nagbago sa 'kin magmula nang gabing 'yon.

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Biro lang." Tumigil siya sa pagtawa at naging seryuso. "Ano ka ba kulto lang yung nakita mo."

Bakit kulto lang? Hindi ba siya natatakot sa maaari nilang gawin. Napakunot na lang ang aking noo sa kaniyang tinuran.

"Matagal ko nang naririnig ang mga usap-usapan tungkol sa kanila. May mga nakakita raw kasi sa kanila sa gubat at sabi pa nga may ilan dito sa ating baryo na myembro ng kulto na yun." saad ni Trisha na walang bakas ng takot sa kaniyang mukha. "Akala ko nga hindi sila totoo, kaya magandang pagkakataon itong pagpunta natin sa gubat para maobserbahan ko sila. Gusto kong malaman ang mga ginagawa nila."

"Pero Trisha, hindi pa rin natin alam ang mga pwede nilang gawin," medyo napalakas na ang boses ko.

"Magtiwala ka sa akin Lora. Kung makita man natin sila malakas ang kutob ko na wala silang gagawing masama sa atin, hangga't wala rin tayong gawin na makakasira sa kung anumang ginagawa nila sa gubat," saad nito sa kalmadong boses.

Naging kampante na ako sa sinabi ng aking kaibigan.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa napag-usapan namin.

Pagkadating namin sa malaking puno ng mangga, nandoon na rin yung tatlo naming makakasama. Nakita ko si Brenda na inis na inis pero nagbago agad ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makita niya si Trisha at niyakap niya ito, samantalang inirapan niya naman ako.

Naglakad na kami papuntang gubat. Nasa unahan yung dalawang lalaki samantalang nasa likod naman kaming tatlo. Napapagitnaan namin ni Brenda si Trisha.

May dalang tig-isang basket yung dalawang lalaki. Marahil iyon ang magsisilbing sisidlan ng mga makukuhang halaman.

Papalapit pa lang kami sa gubat, maririnig na ang iba't ibang huni ng ibon at mapapansin ang mga nagtatayugang mga puno na may kakaibang aura. Hindi ko maipaliwanag ngunit parang sinasabi ng mga ito na huwag na kaming tumuloy.

Anino ng Kamatayan Where stories live. Discover now