Numero Cuatro

16 0 0
                                    

Tumakbo kami palabas ng kweba dahil sa narinig naming sigaw. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa kung ano man ang dahilan ng sigaw na yun.

Nakahawak sa braso ko si Trisha at dali-dali naming tinahak ang daan palabas. Nasa likuran naman namin si Brenda, bitbit-bitbit nito ang basket na pinaglagyan nila ng mga halaman.

Laking gulat namin nang makita na duguan ang lalaking may garalgal na boses. Nagkalat ang dugo nito sa braso at binti.

"ANONG NANGYARI!?" natatarantang tanong ni Brenda.

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!" mangiyak-ngiyak na sumigaw sa labis na sakit ang lalaki

"KUNIN NYO ANG DAMIT KO!!! BILIS!!!" utos ni Paul. Natataranta na rin ito. Lumapit ito sa kanyang kaibigan at nilinis ang mga sugat nito. Sumigaw ulit ang kaniyang kaibigan dahil sa labis na sakit.

Tumakbo ako ng mabilis at tinungo ang damit ni Paul. Nakita ko rin ang damit ng lalaki sa di kalayuan kaya kinuha ko rin ito.

Nanghihina man ang mga tuhod ko pero buong lakas kong tinakbo ang daan pabalik sa kanila.

"Heto na ang damit mo," inabot ko kay Paul ang damit niya maging ang damit ng lalaki. Pinunit niya ito at itinali sa nabaling braso ng kaibigan. Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay ni Paul.

"Ano ba kasing nangyari, Anton?" tanong ni Brenda. Napipinta ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Hindi ba halata? Hindi ba halata na nahulog ako?" sarkastikong sagot ng lalaki. "AAAAAHHHHHHH" napadaing ulit ito sa sakit nang marahang hinampas ni Brenda.

"Mabuti pa, umuwi na lang tayo," suhestyon ko at nagsimula ng maglakad. Hinawakan ko ang braso ni Trisha para yayain na siyang umalis. Nagpatangay lang ito sa akin.

Sumunod naman sa amin ang tatlo. Akay-akay ni Paul ang lalaki na may garalgal na boses, na tinawag ni Brenda kanina na Anton. Habang bitbit naman ni Brenda ang basket.

"90, 10 pala ang hatian dito kapag naibenta na natin. 90 porsyento sa aming tatlo at 10 porsyento naman sa inyo," saad ni Brenda.

May pagkagahaman talaga ang babaeng 'to. Tumingin ako sa likod para harapin si Brenda. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa kikitain ninyo. Sinamahan ko lang talaga si Trisha." Hindi naman makapaniwala ang kanyang mukha na parang sinasabi nito na 'weh?'. Sa palagay ko kulang pa ang parte na makukuha ni Anton para sa pagpapagamot sa kaniyang kanang braso. "Bigay mo na lang kay Anton yung parte ko," nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi rin kasi ako tumulong sa kanila sa pagkuha ng mga halaman kaya wala rin akong naiambag.

"Bigay mo na rin kay Anton yung parte ko," nakangiting sambit ni Trisha. "Salamat ulit Lora kasi sinamahan mo ako," ngumiti ito sabay hawak sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Sandali lang nasaan na tayo?" nagtatakang tanong ni Anton. Napatingin din kami sa paligid, hindi ko na alam kung nasaan kami.

"Saan na 'to Lora?" tanong sakin ni Brenda na bakas na sa mukha ang pagkainis.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Anong alam ko sa gubat na 'to?"

"Bakit ka kasi nangunguna? Hindi mo naman pala alam. Hindi ka na lang sana namin sinundan," naiinis nitong sambit.

"Tama ang dinaraanan natin. Dito tayo dumaan kanina," saad ni Paul. Itinuro niya ang maliit na pulang tela na nakatali sa sanga ng puno. "Nilagay ko yan kanina."

"Tayo na lang Paul ang mauna," naunang naglakad ang dalawa samantala nakasunod naman kaming tatlong babae. Medyo mabagal lang ang paglakad namin para sabayan ang sugatan naming kasama.

Anino ng Kamatayan Where stories live. Discover now