Kabanata 17

4.1K 57 9
                                    

Apoy

It was a swift and unexpected turn. Mukhang tama naman pala 'yung ginagawa ko? Sa tingin ko. Dahil sa ginawa kong desisyon na i-pursue si Wilon, mas nalalapit ako sa kung ano 'yung totoo sa akin. Kung ano ba kaya talaga 'yung nangyari noon.

Nagsimula sa nalaman kong si Wilon ang pumatay sa mga magulang ko, hanggang sa napagdesisyunan kong mag-apply kung nasaan siya nagtatrabaho.

Hindi naging maayos 'yung unang pagkakausap namin dahil mukhang nangangapa pa rin naman siya kung bakit ako gano'n kahit naalala naman talaga niya ako.

Hanggang sa mas nagtuloy-tuloy ang pagkakaroon namin ng koneksyon at nagresulta sa kung ano kami ngayon. May kung anong nararamdaman na ako lalo sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. At tila sa tuwing nagpa-panic ang isip ko o hindi ko na alam kung anong dapat pag-focus-an, naging si Wilon 'yung taong kayang pakalmahin ang buong sistema ko.

Pero bago 'yon nangyari ay nabuo ang kung ano-anong mga tanong sa isip ko. Ang mga pagtataka ko ay lumalala habang mas tumatagal. Hindi ko na lalo alam kung ano ba talagang ginagawa ko. Nagawa ko na ring pagdudahan ang sarili ko kung tama ba talaga 'tong pinili ko...

Sa kabila ng lahat nang 'yon, dinala ako no'n dito. Sa kalinawan na... tama ang nilalakaran ko. Na si Wilon nga ang magiging sagot sa hinahanap kong katotohanan. Na lahat ng dapat kong malaman ay konektado kay Wilon.

Napasinghap ako at napatingin sa labas ng coffee shop kung nasaan ako. Sunday ngayon at ngayon ko lang napagtanto na dapat nagde-day off pala ako. Ni hindi sumanggi sa isip kong mag-day off dahil masyado akong na-focus sa pagtatrabaho.

Ngayon nakaupo ako at nakahinga... napag-isip-isip kong hindi ko na rin pala namamalayan kung ilang buwan na ako sa Gertys. At hindi ko na rin namamalayan 'yung sahod ko dahil so far wala rin naman akong binabayaran. Lahat kasi ng atensyon ko ay naka-focus sa kay Wilon.

Puro siya ang inaatupag ko. Lahat ng iniisip ko ay tungkol sa kaniya. Nakakalimutan ko na rin palang kumustahin ang sarili ko at mag-unwind din.

So far, I'm doing fine pala... nakakahipo ng pakiramdam. Na parang hindi ko na na-imagine na magagawa kong maupo sa isang coffee shop habang umiinom ng Spanish Latte at kumakain ng Carrot Cake.

Hindi ko na rin na-imagine ang sarili kong makakapagtrabaho at kikita para sa sarili ko. Dahil no'ng nasa hospital ako ay sukong-suko na rin talaga ako. Hindi ko na alam kung ano 'yung buhay. O kung ano pa bang dapat kong maging dahilan para mabuhay.

What's worth living for, anyway?

That's what I thought. I didn't know what else to do but just to stay alive. Dahil somehow may parte sa akin na baka isang araw, I could turn tables. Na baka isang araw, papabor din sa akin 'yung mundo. Na deserve ko rin naman palang sumaya. Na magkaroon something for myself.

Dahil mula no'ng nagising ako sa hospital hanggang sa araw na finally makakalabas na ako, iniisip ko na ano kayang pakiramdam magkaroon ng pamilya? 'Yung pamilyang kaagapay sa kahit na anong problema. Kagaya ng pamilya ni Felicia. 'Yon gano'ng klaseng pagmamahalan...

Or ano kayang pakiramdam maging elementary, high school, or mag-college. Sino kaya 'yung magpapaalala sa akin no'n? Kaya minsan iniisip ko, sa sobrang tagal ko sa hospital... naiisip kong baka wala naman na akong deserve sa mundong 'to.

Baka nabigyan na lang ako ng pangalawang pagkakataon mabuhay para ma-realize kong wala na akong pag-asa. Para mas malasap ko kung gaano kapait ang buhay. Siguro kasi isa ako sa magpapa-balance ng mundo. Na may mga swerte at bukod tangi sa lahat. At isa ako sa mga taong sawing-sawi... walang pamilya. Saradong-sarado na para sa tinatawag nilang pangarap o tagumpay.

Endless Vigor of Vices (The Del Monfrio's Series #1)Where stories live. Discover now