My Journey to move on

2 0 0
                                    

- Kailangan ko tulungan sarili ko. Pero pano ko gagawin kung umaasa parin ako na babalik ka boom. And dami kong tanong, ang dami kong gusto sabihin pero sa tuwing maaalala kita damang dama ko yung sakit. Kailangan pumasok araw araw para matulungan ko sarili ko na ma focus sa iba. I started a new life without you boom. Dami ko ng nakilala at nakasama pero yung bigat dala dala ko pa. Naawa ako sa sarili ko kasi i know na mahinang mahina na ako. Emotionally and physically. Hanggang kelan ganto kabigat boom? Kahit saan ako mapunta nasasaktan parin ako sa mga nangyari at nasabi mo. Gusto ko lumayo sa lugar na alam kong hindi na kita makikita. Kada papasok di ko maiwasan maiyak sa jeep sa tuwing naiisip ko kung pano mo ko nasaktan at kung pano mo ko dinurog. I suffered anxiety and depression. First time na mangyari sakin na nawalan na ako ng gana sa lahat. Uminom, kumanta, makipag kaibigan, manuod ng movies, or even magpunta ng mall di ko na nagagawa. Sobrang naubusan ako ng interest sa ibang bagay. Namatay pala talaga yung dating Kagome. Masayahin, malambing, maalaga, may pangarap at may buhay. Yung mga bagay na ginagawa ko dati hindi ko na nagagawa. Sobrang bigat boom. Then there is one day na inaya ako ni sheena mag simba sa St.pio Eastwood. Nasa entrance palang ako ng simbahan bigla na akong kinabahan,natakot or nailang. Sabi ko papakinggan kaya ako ni papa god sa tagal kong hindi nagsimba? sa tagal kong gumawa ng kasalanan kasama ka? sa tagal kong hindi nanalig sakanya. Then the mass started, hindi pa tapos yung misa naiiyak na ako. Gusto ko tumakbo sa harap ng altar at makiusap na alisin na yung bigat kasi hirap na hirap na ko. Di ko napigilang maiyak. Because i know na mabigat araw araw dahil sayo. Dahil sa ginawa mo. Dahil sa sakit na iniwan mo. When mass was ended habang palabas ako ng simbahan, may part ng pagkatao ko na gumaan boom. And i commit to god na kada linggo ako pupunta don. Makikiusap ako kay papa god na sana alisin na nya yung sakit at galit para gumaan na. Almost some of the mass sermon was somewhat related to us. Sabi ni father " Ang pagpapatawad we cannot work on that overnight, FORGIVENESS IS A JOURNEY..it takes more more time to heal.." And tama sya don boom. That's exactly what happened to me. Wala akong ibang kakampi non maliban sa simbahan na yon. Sila yung naging comfort zone ko that time kasi alam ko hindi na kaya ng katawan ko.

So from bahay papasok ako sa work then uuwi ng bahay ulit. Thats my daily routine since you left. Kada sunday nagsisismba ako dun sa simbahan na yon kasi pakiramdam ko may nakikinig sakin.

I just woke up one day na ibang bagay na yung dinadasal ko sa simbahan na yon. Hindi na lahat about sayo yung prayers ko. Hindi narin ako umiiyak palagi boom. Hindi narin kita naiisip. Sa bawat punta ko don nababawasan yung bigat. Hanggang isang araw hindi na ako galit kada maiisip kita. Hindi na ako nasasaktan sa tuwing maaalala ko yung ginawa mo. Hindi na kita masyado naiisip. Totoo pala yung sinabi nila, walang imposible basta manalig ka sakanya.

I'm surprised sumasaya na ulit ako. Unti unti ng gumaan at nawala yung bigat. Masarap din pala magpatawad. Kada naiisip kita napapangiti nalang ako as i have the privilege to be loved by someone like you. This time im ready to go pero hindi kana kasama. At kung babalik ka man sana wala na akong maramdaman. Sana maging isang simpleng tao ka nalang sa pakiramdam ko. Sana di mo na ako masasaktan ulit. Sana magpatuloy yung ngiti sa muka mo sa picture nung last ko kayong nakita. Ngiting matagal kong hindi nakita sa mga mata mo nung huling magkasama tayo. Fly high my moon, go find your own star.......

"October 15,2022 -- 2am Sofa"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Healing Process ( Diary #3 )Where stories live. Discover now