Sikreto ni Daddy (Unang Yugto)

21 5 0
                                    

𝐃𝐢𝐬𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐞𝐫:

Ang iyong mga mababasa ay ayon lamang sa malikot na pag-iisip, imahinasyon o hango sa tunay na pangyayari ng may-akda. Kung mangyaring magkaroon ng ito ng pagkakatulad sa ibang istorya o kwento ay nagkataon lamang ito at walang pananagutan dito ang may-akda.

*𝑹𝒆𝒂𝒅 𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒐𝒘𝒏 𝒓𝒊𝒔𝒌*

Kung hindi mo ibig ang magbasa ng mga ganitong kwento, mangyaring lisanin o laktawan mo ang istoryang ito. Hindi ko nais magbigay ng takot, ang gusto ko lamang ay maghatid ng kagalakan at kasiyahan para sa mga taong mahilig magbasa ng ganitong babasahin.






Maligaya at masagana ang pamilya De Chavez, kahit na binubuo lamang ito sa tatlong miyembro. Ang mag-asawang Marvin at Bela at ang nag-iisa nitong anak na si Vera De Chavez.
Masayahin, matulungin, mapagkumbaba at mabait. Ganyan ilarawan ng mga tauhan, maging mga nakakikilala't kaibigan ang pamilya.

"Mommy, anong mayroon? Okasyon? Bakit pinag-aalsabalutan tayo ni Daddy?" Takang tanong ni Vera sa ina na abala sa pag-iimpake makaraang puntahan niya ito sa kwarto.
"Hindi ko alam anak. Basta ang sabi ni daddy mo ay lilipat na tayo ng bahay." Hindi nakatingin sa anak na sagot naman ni Bela habang abala pa rin sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa kahon at maleta nito.
"Wag ka na magtanong ng kung ano-ano, Vera." Sabi ng nasa likod ni Vera at nang harapin niya ito ay ang kanyang daddy pala.
"Dad, why do we need to leave this house? Okay naman tayo rito ah, wala naman tayong kaaway at saka nandito mga friends ko." Himutok ni Vera sa ama na maluwag na nakatingin sa kanya.
Habang nag-uusap ang dalawa ay patuloy naman sa ginagawa si Bela na noon ay saglit na napatingin sa asawa nang magsalita ito ngunit muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Anak, may bago na tayong bahay. Matagal ko nang bahay iyon at ngayon ko pa lamang binigyang pansin. Ipinamana pa noon ito sa'kin ng aking namayapang ama na si Florencio, at iyong lolo. Hindi mo na ito naabutan o nakilala man lang, mapa-personal o litrato hindi ba?"
"O-opo." Nag-aalalang sagot sa ama.
"O siya, marami kang makakalkal doon sa bahay na iyon. Mga larawan, pinta't obra ng 'yong lolo Florencio." Nakangiting wika sa anak.
"Talaga dad?" Manghang anang dalaga.
"Oo, marami." Maikling tugon naman nito.
"Pero, dad. Wala akong friends do'n. Hindi ako makakagala." Ramdam sa boses ng dalaga ang pagkalungkot sa tono nito. Tumingin naman si Bela sa kanya at nagwika.....
"Puro ka gala eh, kung magfocus ka kaya sa pag-aaral." Sarkastikong sabi nito.
Tila nagpantig ang tainga ni Vera sa narinig mula sa ina kaya pabalang itong sumagot.
"Iyon na lang libangan ko kapag stress sa mga school requirements, hays si mommy talaga."
"Aba! Itong batang ito."
"Mahal, tama na. May punto ang anak natin, dalaga na siya't hindi na bata kaya hayaan natin siya, hmm. Buti nga at hindi nagbibisyo eh." Paglalambing na sambit ni Marvin sa asawa at niyakap ito.
"Hay nako. Kinukunsinti mo ang 'yong anak kaya ganyan, matigas na'ng ulo." Tila dismayadong sagot ni Bela sa asawang naka-akap.
Habang magka-akap ang mag-asawa ay nagpaalam si Vera sa ina sa pamamagitan ng pag-peace sign na tila nang-aasar pa.
"Aba, aba! Tignan mo mahal. Nang-aasar pa ang anak mo." Naghihimutok na sabi ni Bela sabay bitaw sa pagkaka-akap kay Marvin na tatawa-tawa lamang sa kanya.
Samantala, si Vera ay pumasok na sa kanyang kwarto at nag-umpisa na rin mag-empake ng kanyang gamit.
Alas 11:30 ng umaga ay nakatapos na mag-empake si Bela kaya minabuti nitong bumaba sa 1st floor at uutusan sana ang matandang katulong na si Manang Rosita upang magluto dahil gutom na siya at inisip na baka gutom na rin ang kanyang mag-ama. Pero nadatnan niya ang asawang si Marvin na may kausap sa telepono.

"Oh, mahal. Nariyan ka pala. Gutom ka na ba?" Anang tanong ni Bela.
"Jusmiyo, mahal naman. Nakakagulat ka." Tila tarantang wika nito sabay baba ng telepono at pinatay ito.
Bakas ang gulat sa mukha nito kaya...
"Mahal, ayos ka lang ba? May problema ba sa trabaho mo?" Sunod-sunod na pag-aalalang tanong ni Bela sa asawa.
"A-ah, wala naman mahal. Nabigla lamang ako sa pagdating mo." Nakayukong tugon nito.
"Gulat na gulat ka naman masyado, mahal. Bawasan mo nga ang pagkakape mo." Birong wika ng babae at bumunghalit ng tawa.
Pangisi-ngisi lamang ang lalaki na tila hindi nasiyahan sa sinabi ng asawa.
"Oh, sino nga pala kausap mo?" Seryosong tanong ni Bela.
"Si Pareng Mario, pumalpak siya sa isa kong inutos kaya naiinis ako. Pasensya na mahal ah." Paliwanag naman ni Marvin.
"Maaayos din 'yan, mahal. Ikaw pa ba? Kaya mo 'yan." Tila pagpapalakas ng loob ni Bela sa asawang pinanghihinaan ng loob.
Ngumiti na lamang si Marvin bilang tugon sa asawa. Pagdakay gumanti rin ng ngiti ang babae.
"Nga pala, mahal. Anong tanong mo kanina? Hindi ko narinig dahil may kausap ako kanina."
"Sabi ko gutom ka na ba? Ako kasi gutom na eh." Pag-uulit ni Bela.
"Sa labas na tayo kumain para hindi na rin mapagod pa si Manang sa pagluluto." Nakangiting tugon ni Marvin sa asawa.
"Ah sige. Tawagin ko lang ang anak natin."
Tinawag ni Bela ang anak na abala pa sa pag-aayos ng gamit nito mula sa kwarto at niyaya itong kumain. Samantala, si Marvin ay nagbilin sa mga tauhang kumain na't magpahinga muna. Animo'y mga tupa ang mga tauhan at tila nakakita ng isang asong lobo na nasa harap nila. Dali-dali silang sumunod sa among lalaki na noo'y lihim na nakangiti dahil sa nasaksihang eksena ng mga tauhan. Bumaba na ang mag-inang Bela at Vera, tinawag nila si Marvin na agad namang lumingon, umalis na sila at kumain sa sikat na fast food chain.

***fast forward***

Kauuwi lang ng mag-anak ay nagsimula na silang maghakot ng gamit patungo sa truck na nirentahan ni Marvin sa kaibigang si Mario. Tatlong tauhan pa ang kasama ni Mario para tumulong na rin sa pagbubuhat.
Habang abala ang mag-inang Bela at Vera ay nag-uusap ang magkaibigang Marvin at Mario.

"Pare, seryoso ka ba talaga? Isasama mo na sila ro'n sa mansyon?" Seryosong tanong ni Mario.
"Oo, pare." Maikling tugon naman ni Marvin na noo'y nakatingin sa mga mata ng kausap.
"Nahihirapan na rin ako magparit-parito pero kung nandoon ako ay hindi na ako mahihirapan pa kapag kailangan ko sila dahil madali ko na lang sila mapupuntahan. Dagdag pa ni Marvin.
"G4go ka, pare. Paano kung mahuli tayo ng asawa mo?" Pag-aalalang tanong nito.
"Nasa basement naman sila, ngayon pa lang din naman makararating do'n ang asawa't anak ko kaya hindi nila alam ang pasikot-sikot sa mansyon. Malabong mapuntahan nila ang basement at malaman ang sikreto natin." Nakangiting paglilinaw ng sitwasyon sa kaibigan.
May sasabihin pa sana si Marvin ngunit.....
"Boom!" Tinig ng babae sa likuran ang gumulat sa magkaibigan.
"Jusko, Bela. Ano ba? Kanina mo pa ako ginugulat?" Nanlalaki ang mga matang sapo ang dibdib na tanong ni Marvin dahil sa panggugulat ng asawa.
"Tila seryoso kasi ang pinagdi-diskusyunan niyo magkaibigan eh?" Anang babae.
"A-ah, mare. Wala iyon, nagtatanong lamang ako kay pare tungkol sa lilipatan ninyo hehehehehe." Pagpapalusot nitong tugon habang papalit-palit ng tingin sa mag-asawa.
"Oo, mahal, ganoon na nga." Pagsang-ayon ni Marvin sa pagtatakip ng kaibigan.
Natapos ang pag-uusap na 'yon nang magbigay ng hudyat ang anak nilang si Vera na tapos na ang paghahakot ng mga gamit.
Nagpaalam na si Mario sa mag-asawa upang makabyahe na at hindi na gabihin pa, tinawag nito ang tatlong tauha't lumarga na.
Ganoon din naman ang ginawa ng mag-anak.



AUTHOR'S NOTE:
Ito ang unang yugto sa kwentong ito, abangan niyo na lamang ang mga susunod na kabanata. Maraming salamat sa pagbasa. ♡♡♡

©Credits to the rightful owner of the pic📌

KARIMLAN HORROR STORIESWhere stories live. Discover now