Sa mundong puno ng hiwaga at misteryo, Binabalot ito ng mga katanungang siyang bumabagabag sa'yo. Pilit iwawaksi ng 'yong kaisipan ang katotohanan, Ngunit kahit iyong takbuhan ay hinding-hindi mo matatakasan. Halika't samahan mo akong tuklasin, Ang mundong 'di mo nais marating. Mga pangyayaring ni sa hinagap 'di mo nais masaksihan, Mga 'di ordinaryong bagay na ngayon pa lamang mapag-aalaman.
3 parts