Chapter 1

2 0 0
                                    

Nica's POV

Nasapo ko ang ulo ko hanamg nakaupo sa higaan.

Ilang minuto akong nakaganun nang maisipan kong tumayo para magbihis ng jogging pants, sleveless shirt at shoes saka lumabas na ng kwarto at dumiritso ng kusina.

Nakita ko agad si Manang Josie na nag -aayos ng kusina.

"Good morning manang." - Bati ko sakanya habang papunta ng fridge para kumuha ng maiinom.

"Good morning mam." - Ngumiti siya sakin saka pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Matapos kong uminom, nilagay ko ang baso sa may lababo at hinarap si manang.

"Naku mam. Mapula po yung tainga niyo. Sumasakit na naman po ba ang ulo niyo? Gusto niyo po ba ng gamot?" - Kukuha na sana so manang ng gamot nang pinigilan ko siya.

"Wag na manang. Maya maya na. Saka manang. Pang hundredth time ko na atang sabihin sainyo toh na Nica na lang po ang itawag niyo sakin." - Sinabayan ko pa ng ngiti.

"Eh yan po ang payo ng mga magulang niyo po."

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na five months na si Manang Josie dito sa amin. Si mommy ang naghire sakanya. Actually, galing din siya ng New York pero dinala ko siya dito as requested ng overprotective kong parents. Pure filipino siya na nakatira sa NY kaya nakakapagtagalog din siya.

"Eh manang. Tayo tayo lang naman po ang nandito saka nasa kabilang bahagi ng mundo sina mommy. Di ka nila maririnig." - Napatawa si manang saka ngumiti.

"Sige manang. Mamaya na ako magbebreakfast after kong magjogging." - Tinapik ko muna si manang sa balikat saka umalis ng suite.

Yes. Nakatira ako sa isang suite. One of the most prestigious hotel sa buong Asia. Nabuo ang hotel na ito dahil sa collision ng company nina Dad at ng kapatid niya.

Nang marating ko na ang parking lot, pumasok ako sa sasakyan ko saka nagdrive papunta sa park ng hotel which is a kilometer drive lang.

Pinark ko muna ang car malapit sa isang puno saka nagwarm up. Kinuha ko na rin ang ipod ko at earphones pagkatapos saka nagsimula nang magjogging.

Habang nakaplay ang paborito kong kanta ni Ellie Goulding na Love Me Like You Do, di ko napigilang mapasabay sa kanta.

"You're the fear. I don't care. Cause I've never been so high. Follow me to the dark. Let me take you pass our satellite. You--" - Napigil ako sa pagkanta nang may humila ng braso ko.

Nang mapatingin ako sa taong humila, nakita ko si sir Alvin Torres na nakabihis ng parang kagagaling lang magbike. Siya pala ang boss ko sa opisina. As you can see, hindi ako nagtatrabaho sa own company namin dahil nagtetraining pa ako sa pamamahala kaya nagsimula ako bilang Executive Assistant sa Torres Group of Companies.

Bakit hindi ako sa New York nagtatrabaho? Well, matagal na kaming magkakilala ni sir Alvin. Actually, pinakilala siya sakin ng brother ko once sa isang party. Once lang kami nagkita pero we're communicating.

Dumating ang time na kailangan ko nang magtraining at nasabi ko yun kay sir Alvin. Nagsuggest naman siya na simulan ang training ko as his EA. At first, hindi pumayag ang parents ko sa kadahilanang hindi ko alam. Pero nang tumagal nnapapayg ko din sila. Kaya andito ako ngayon.

"Ah.. sir. Anong ginagawa niyo dito?" - Gulat kong tanong kasi for five months akong nagjajpg dito, ngayon ko lang siya nakita.

"I'm riding a bike sa kabilang park and I saw you here kaya pinuntahan kita." - Ngumiti siya saka nagsimula ulit kaming magjogging.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon