🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 # 7 [ WHAT TO DO? ]

3 4 0
                                    

“Aba malay natin,hindi natin alam kung paano maglaro si mr.kupido.Baka yong lalaking iyon pala talaga ang soulmate mo?”Patuloy ang pangungulit ni Hannah sa kaibigan.

“Bahala ka nga!Aalis na’ko.Mukhang kinulang ka yata ng tulog at kung anu-ano na iyang pinagsasabi mo!”Naiinis na tugon niya at inayos ang sumbrero para umalis na papunta sa trabaho.

“Pikon na ba ang beshy ko?Uy!”pang-aasar pa rin ni Hannah sa kahit nakalayo na siya mula rito.
Narinig pa niya ang malakas na tawa nito.

“Pikon na ba ang beshy ko?Grrr sarap mong yakapin sa leeg.”

Fairytales isn’t real,men will only love you if you’re sexy and gorgeous,right?And i got  that traits.All i need to do is to find someone who accept me no matter what i look like and who really am.

Pagdating sa café,ay agad siyang nilapitan ni manang Junicia.“Hija may nakakalimutan ka ba?”

“Wala ho manang oras ko na kase,”nakangiti niyang sagot.

“Hindi ba aalis ka na rito dahil may nahanap kanang ibang trabaho.”Gulat at nagtatakang napatingin naman siya sa ginang.

“Manang wala ho akong trabahong iba at lalong hindi ho ako aalis dito.Sino ho ba ang may sabing aalis ako?”Bumakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat at pagkalito.

“Eh,hindi ba?”Nagtataka ring tanong nito habang napakunot pa ang noo.

Na curious tuloy siya.
“Hindi ho talaga,wala nga ho akong ka idea roon manang.”

“Oh bat nandito ka pa Alli?”Mula sa pinto ay lumabas roon ang isang lalaking may suot apron,si Rafael ang head chef ng café kung saan siya nagtatrabaho.

“Kase–“

“Ayan na pala ang papalit sa’yo.”Napatingin tuloy siya kung saan ito nakatingin.Mula sa malaking pinto ng café ay pumasok ang isang dalagita na sa tingin niya nasa second year at ngayong araw pa lang ito magsisimula.

Napahawak siya sa ulo.Hindi niya maiintindihan kung anong nangyari,wala naman siyang sinabi na hihinto o aalis siya?

“Pero hindi talaga ako lilipat ng trabaho sir at naguguluhan ako.”Natigil ito sa pag inom ng coffee at tiningnan siya na parang tinatanong ng seriously?

Tumango siya bilang sagot.“Yun kase ang sinabi ni mr.Cardov.Mag-re-resign ka na dito at lilipat ka na raw sa ibang branch.

“Ano?Sinong mr.Cardov?”

“Ang anak ng may-ari ng coffee shop na ito.Kaya naman hindi na ako tumutol dahil may tinanggap na siyang kapalit mo.”

“Ho?”Gustong umiyak ni Alliah ng sandaling iyon pero nagpipigil siya.Ano bang kamalasan ‘to?

“Ayon siya,”napatingin siya sa direksyon kung saan nakaturo ang mga daliri nito at nakita nga niya ang binata na may kausap na babae.





“Thank you so much mr.Cardov.Sobrang nag-enjoy ako na nakatarbaho kita.”

“Ako din.”Nagkamay ang mga ito bago nagpaalam sa isa’t-isa.

Nagmamadaling lumabas siya sa café na ‘yun.Kailangan niyang makausap ang hinayupak na lalaki.

“Hoy!”Sigaw niya kahit hindi pa nakalapit dito.

Napatingin ito sa gawi niya habang nakakunot ang noo na tila naiinis sa kanya.Ang kapal talaga ng pagmumukha nito ito pa ang may ganang mainis sa kanya,na kung tutuusin dapat ako ang maiinis dahil sa ginawa niyang pagtanggal sa’kin.Tapos heto ito pa chill chill lang at nakuha pa talagang makipag date.Ang salbahe talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AVOIDING YOU IS BREAKING MY HEART Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon