Kabanata: 1

240 19 14
                                    

A/n: matagal ko nang naisip na gumawa ng story na may Title na Isla at ang setting ay nasa Isla kasi puro na lang school HAHA 'yun nga Try natin kung maganda ba kakalabasan nito (kung napapansin nyo pabago bagobang writing style ko haha sorna na hanggang ngayon kasi hinahanap ko pa rin yung bagay na writing style sa akin

< 3

Kabanata 1

Marahan kong minulat ang aking mga mata, ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa aking balat, napasighap pa ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mata dahilan para muli akong napapikit, pag kakuwan ay agad din naman akong mumulat ngunit sa pangalawang pag kakataon ay ginamit ko na ang palad ko para protektahan ang aking mata sa araw.

Nilibot ko ang aking paningin, rinig ko ang paghampas ng alon, kaya hindi na ako nagulat nang makita ko ang dagat sa aking harapan, nasaan ba ako? anong nangyare, ang huli kong natatandaan ay nasa upper deck ako ng barko hanggang sa tumama ang malakas na alon dahilan para ma out balance ako at mahulog dahil nakabitaw ako sa railings na kapit kapit ko.

"ahh" napadaing ako ng tumayo ako, marahil ay nangalay ang katawan ko sa sobrang tagal ko ng nakahiga dito sa buhanginan, anong petsa na ba, gaano na akong natutulog at walang malay.

Muli kong ginala ang aking paningin para mag hanap kung may tao pa na pwedeng panghingian ng tulong ngunit wala akong nakita kundi malalaking tipak ng bato.

Walang tao sa paligid, kung meron man hindi nila agad ako mapapansin dahil sa malalaking batong nasa harapan ko, nang ihakbang ko ang aking paa ay muli akong napadaing, shit ngayon ko lang naramdam, may galos at pasa pala ako at hindi lang sa aking paa meron din ako sa binti't braso.

Napag pasyahan kong maupo na lang muna para ipahinga mula sa pangangalay ang aking binti, chineck ko ang mga galos at pasa ko sa braso't binti, 'yung mga galos ay hindi naman ganun kalalaki marahil ay nadaplisan lang ito ng matutulis na bato o shell, 'yung pasa ko naman ay marahil ay napatama sa mga bato pero still masakit pa rin ito.

Napatingin ako sa kawalan. Akala ko talaga ng mga oras na 'yun katapusan ko na, napasinghap ako bakit pa ako nabuhay, éh wala rin naman nag mamalasakit sa akin, wala na akong mga magulang, tapos 'yung isang tao na pinapahalagahan at minamahal ko niloko ako.

Marahan kong pinahid ang luhang lumalabas sa aking mata, anong gagawin ko ngayon ni hindi ko alam kung nasaan ako. Ramdam ko na kumakalam na ang aking sikmura, napahawak ako sa aking bulsa ng aking maong short ng maalala ko ang aking wallet na laging nandun.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakapa ko ang aking wallet mabilis kong binuksan ang zipper nito at saka dinukot ang wallet, ramdam ko pa ang basang buhangin ng ipasok ko ang aking kamay, nang makuha ko ang aking wallet ay mabilis kong binuksan iyon, pinagdadasal na sana ay maayos pa aking mga laman nito. Hindi na ako nagulat ng makitang basa ang mga papel na nandito, maingat kong tinanggal sa pagkakatupi ang mga papel na laman nito, at dahil basa ito ay nahirapan pa ako, pero dahil sa dahan dahan ay may pag iingat kong tinaggal ang pag kakatuwi ng mga papel ay hindi naman ito napunit, naisipan kong hubarin ang aking damit para pag patungan ng mga pera at papel na natanggal ko sa pag kakatupi doon ko na rin nilagay ang ilang barya na laman ng wallet ko.

Seth Lafari Frastillio, basa ko sa isang papel na nabuklat ko, doon ko lang napagtanto na Birth Certificate ko pala ito, buti na lang dala ko 'to ang tanong magagamit ko ba ito sa lugar na ito.

Nag antay pa ako ng ilang sandali bago ko napag pasyahan na tumayo na at mag hanap kung may tao bang naninirahan dito sa lugar na ito.

Inakyat ko ang matataas na bato na nasa harapan ko, nang maakyat ko ito ay nakahinga ako ng maluwag dahil may nakita akong mga batang nag lalaro sa pampang, ibig sabihin may naninirahan dito kung nasaan man ako ngayo, agad akong lumapit sa mga batang nag lalaro ng piko

"Hi!" paunang bati ko para maagaw ko ang atensyon nila sa paglalaro, hindi naman ako nabigo dahil agad din naman silang lumingon sa akin, tatlong bata sila sa tansyan ko ay nasa anim hanggang sampung taong gulang ang kanilang edad.

Nang makita nila ako ay nag sama sama sila, nasa unahan ang sa tansya ko ay ang pinakamatanda

"pwede ba akong mag tanong?" saad ko sa kanila, hindi naman sila umimik nakatingin lamang sila sa aking mukha, nailang ako sa paraan ng pag tingin nila

"ate, sabi ni mama wag daw tayong kumausap ng hindi nating kilala" ani ng isang batang babae, bulong lang 'yun ngunit rinig ko pa rin dahil hindi naman ganun kalayo ang pwesto nila sa pwesto ko.

"tayo na!" aya ng pinakamatanda sa kanilang tatlo at saka hinawakan 'yung kamay ng isa.

Pag kasabi niya nun ay agad din itong tumakbo palayo kasama ang batang babae

"teka lang" hahabolin ko pa sana siya ng nakita kong nakatayo pa rin sa aking harapan 'yung nag iisang lalaki.

"hi, pwede bang mag tanong" ulit na tanong ko sa kanya.

"anong lugar ba 'to?" aniko habang nag kakamot sa aking ulo, ngayon ko lang naramdaman na magulo pala ang mahaba kong bubok, sa tingin ko ay mukha na akong lukang nag lalakad, hindi ko nga rin alam kung madumi ba ang mukha ko since wala naman akong dalang salamin, siguro ito ang dahilan kung bakit tumakbo ang mga bata, natakot ko ba sila?

"ang ganda mo po" aniya na ikinagulat ko, hindi ko alam kung nag sasabi ito ng totoo o kinukutya na niya ako, pero base sa mukha niya para namang nag sasabi ito ng totoo, well kahit naman lalaki ako ay mukha pa rin akong babae, ganun ata kapag may lahi.

"eh" ani ko na lang habang patuloy pa ring nag kakamot sa aking ulo.

"pasenya na po ate, Isla Cloveranza po ang lugar na ito." aniya na animoy nahihiya sa inakto niya kanina, nagulat naman ako nang ate ang tinawag niya sa akin napagkaman nya ba akong babae o alam lang niya na malamya ako?

"kuya" pagtatama ko sa sinabi niya, pinangunutan naman niya ako ng noo na animoy hindi naindindihan ang sinabi ko.

"pitong taong gulang pa lang po ako, at saka mas matanda po kayo, kaya wag nyo na po akong tawaging kuya" aniya, tama nga ako hindi niya naintindihan ang ibig kong sabibin.

Muli akong napakamot sa aking noo "Ang ibig kong sabihin kuya ang itawag mo sa akin dahil hindi naman ako babae" aniya ko at saka bahagyang tumawa, kita ko naman ang pag guhit ng pagkagulat sa mukha nito

"eh, tunay po ba" aniya na hindi pa rin makapaniwala. "pasenya na po" dagdag pa niyang pag hingi ng tawad.

"okay lang" aniya ko sa kanya at saka bahagyang ginulo ang buhok niya, kita ko naman ang mabilis na pag-pula ng pisnge niya, cute!

"saka nga pala may alam ka bang pwedeng tuluyan dito" tanong ko sa kanya pag katapos kong maalis ang kamay ko sa buhok niyang ginulo ko.

"wala po ate e" aniya at saka niya hinawakan ang buhok niyang ginulo ko

"ganun ba" saad ko sa kanya at saka ginala ang paningin nag babakasakaling may matanda akong mapag tanongan.

"pero ate pwede ka pong mag stay sa bahay namin" hirit niya ani sa akin, natawu naman ako kaso papayag ba naman ang mga magulang nito, e hindi nga nila ako kilala e

"mabait mo si mama" dagdag niya ng hindi ako tumugon sa sinabi niya

"sige" sagot ko na lang sa kanya at saka sumunod sa kanya papunta sa bahay nila, siguro ay baka may makuha akong sagot sa mama ng batang ito kung saan may maaring tuluyan katulad ng hotel, may 9,847 pesos pa naman ako, buti na lang talaga hindi napunit 'yung perang dala ko, kasi sa kung nag kataon wala akong pang gastos sa isla na ito na ngayon ko lang napuntahan.

Isla CloveranzaWhere stories live. Discover now