Kabanata: 2

164 13 3
                                    

Kabanata 2

Habang nag lalakad kami ay ginagala ko ang paningin ko, masasabi kong maganda ang Isla at maalaga ang mga naninirahan dito, sa tingin ko rin ay malaki ang Isla na ito,  habang nag lalakad kasi kanina ay tumawid kami sa kalsada at nakita kong may karamihan din ang mga dumadaang sasakyan.

“bata” pag tawag ko sa batang lalaking kasama ko, natigilan naman ako ng maalala kong hindi ko pa pala alam ang pangalan ng batang ito at ganun din siya sa akin hindi pa rin niya alam ang pangalan ko.

Lumingon naman ito sa akin at bahagyang tumigil sa kanyang paglalakad

“bakit po, kuya?” tanong nito sa akin at saka muling binaling ang paningin sa daan

“ako pala si Seth, ikaw anong pangalan mo” aniya ko na medyo nahihiya, gosh stupid Seth.

“Angelo po, pero tawagin nyo na lang po akong Bibo”  sagot niya sa akin at saka matamis na ngumiti

“ganun ba” aniya ko habang patuloy pa rin sa pag lalakad.

“opo” sagot naman sa akin ni Bibo na bahagyang lumingon sa pwesto ko at saka muling nag patuloy sa pag lalakad.

Saglit akong tumigil sa paglalakad ng muli kong maramdaman ang pangangalay ng paa ko.

“Bibo, malayo pa ba tayo” tanong ko sa kanya sa tansya ko kasi ay nasa sampung minuto na kaming nag lalakad pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating sa bahay nila, ang gala naman ng batang ’to.

“malapit na po, ’yun po bahay namin oh” sagot niya sa aking sabay turo sa isang bahay na tagpi tagpi, ganun din naman ang mga kalapit bahay at halos lahat ng nadaanan namin, siguro dahil Isla pa rin ang lagur na ito at hirap mag pasok ng mga materyalis, kung may nag titinda man dito, tiyak na mahal ang benta, ganun naman talaga e

Napabuntong hininga ba lamang ako at saka muling sumunod sa kanya

“mama” tawag ni bibo at saka pumasok sa loob ng bahay nila ako naman ay nag pirmi lang sa labas ng bahay nila, baka mamaya mataga pa ako o habulin ng aso.

Nang antay pa ako ng ilang minuto bago muling lumabas si Bibo kasama ang mama nito at saka ’yung dalawang batang babae kanina, siguro mag kakapatid sila, hindi ko rin naman natanong kay bibo kung sino ang batang ito.

“magandang umaga po” saad ko ng nasa tapat ko na ang ginang.

“magandang umaga din, pasok ka” paanyaya nito sa akin at saka ako inaya pumasok sa kanilang bahay.

“salamat po” sagot ko at saka sumunod sa kanya papasok, ginala ko ang paningin ko, may lambat na nakasabit sa kanilang ding ding, sa baba nito ay ang maduming gulok na nakasiksik sa patpat na nakapako sa bahay nila, katabi nito ang itim na bota naman putik.

“maupo ka” saad niya at saka inayos ang mahabang upuan na gawa sa kahoy.

“sabi ni Bibo ay napapadpad ka lang daw dito sa Isla” ani ng ginang at saka inabot sa akin ang isang basong tubig agad ko naman itong kinuha dahil kanina pa nga akong nauuhaw, pansin ko naman na sinuri nito ang itsura ko.

“ahh opo, nahulog po kasi ako sa barkong sinasakyan ko.” sagot ko naman sa kanya pag katapos kong uminom

“tingin ko naman ay hindi ka nag sisinungaling.” aniya nang matapos akong suriin.

“maari kang tumuloy dito pansamantala, taga saan ka ba hija?” aniya ko na bahagya kong ikinangiti at ikinailing, hija.

“naku maraming salamat po, galing po ako sa Probinsya ng Quezon.” sagot ko sa tanong nito.

“ganun ba medyo may kalayuan ito sa lugar mo, saan ka ba dapat papunta?” tanong pa nito sa akin

Napakamot naman ako sa aking ulo, wari mo'y nahihiya at saka inalala ang katangang nagawa ko.

“actually bumili lang po ako ng ticket, hindi ko po alam kong saan ang punta nung barko” medyo nahihiya kong sagot sa tanong niya. Magulo kasi ang aking isip nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na rin alam kung anong pinaggagawa , basta ang alam ko  lang ay gusto kong mag pakalayo layo sa lugar na ’yun para makalimut.

“ganun ba ako nga pala si Linda, ito naman ang mga anak ko si Joy ang panganay, tapos ito naman si Hannah ang pangalawa tapos ito naman ang bunso ko si Angelo” pakilala niya sa mga anak niya habang tinuturo ang mga batang binanggit niya.

“ako naman po si Seth, maraming salamat po ulit” aniya ko sa kanya

“Seth?” ulit niya sabay tingin sa dibdib ko, napayuko ako.

“lalaki po ako” inunahan ko na si ate Linda, pero teka lalaki nga ba?

“hala pasenya sa kana hijo, napagkamalan kitang babae, mukha ka kasing tunay na babae” aniya sa akin, nahiya naman ako sa sinabi niya, baka isipin ni ate linda na nag t-take ako ng pells, sadyang maliit lang talaga ang katawan ko na parang katawan ng babae.

“okay lang po sanay na rin naman po ako” saad ko at saka napakamot sa ulo ko

“napagkamalan ko rin pong siyang babae mama” nakangiting singit ni Bibo sa usapan namin.

“Bibo diba sabi ko sayo wag kang sasabat kapag may kausap akong matanda” saad ni ate Linda sa kanya, ngumuso naman si Bibo at saka tumakbo sa dalawa niyang ate na nasa tapat ng bahay na nag pipiko.

“saan mo nga pala nakita si Bibo, kanina ko pa kasing hinahanap yang mga batang ’yan e” biglang tanong sa akin ni ate Linda

“sa tabing dagat po” sagot ko sa kanya at saka ako dumukot sa bulsa ko. Inabot ko sa kanya ang isang libo.

“Ito nga po pala ate Linda, pandagdag sa gastosin” pag aabot ko sa kanya ng pera, ayaw pa niya sanang tanggapin ’yun kung hindi ko pa pinilit.

“tanggapin n’yo na po, buti na nga lang po at hindi napunit ang dala kong pera.” biro ko pa sa kanya

“ay hala sige tatanggapin ko na ito, kapos din kasi kami.” ang pag suko niyang tugon sa akin.

———

“Ate Linda, sino nga po pala ang kasama n’yo dito sa bahay” tanong ko habang kumakain kami ng pananghalian.

“ ’yung tatlong anak ko at saka ’yung asawa ko na ngayon ay nasa bayan” tugon naman niya sa akin, ’yung tatlo naman niyang anak ay tahimik lamang na kumain.

“bayan po?” tanong ko, dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

“nasa palengke, nagbaba kasi kaninang umaga ng mga nahuli niyang isda sa bayan, siguro dumaan pa ito kay pareng Lito kaya hanggang ngayon ay wala pa rito” sagot niya sa akin na ikinatango ko, tama nga ako mamgingisda ang asawa niya, base na lamang sa lambat na nakita ko sa ding-ding ng bahay nila.

“ganun po ba” tugon ko na lang at saka muling pinag patuloy ang pagkain

Nasa gitna kami nang pagkain ng bigla kaming nakarinig ng tunog ng motor ilang saglit lang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang marahil ay asawa ni ate Linda, at may kasama itong isang binata at ang masasabi ko lang ay

Gwapo ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Isla CloveranzaWhere stories live. Discover now