𝗦𝗟𝗘𝗘𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦

2 2 0
                                    

Hi, ako nga pala si Angelo Del Rosario. Ako ay isang dalwampu't walong taong gulang na nakatira sa Cebu kasama pa rin ang aking mga magulang.

Ang totoo nyan, hindi ko malaman laman ang mga paraan para mamuhay lang ng mag-isa sa mundo at ni hindi ko nga halos makita ang sarili ko na mamuhay ng mag-isa at walang magiging kasama sa mundo kaya andito pa rin ako sa puder ng aking mga magulang.

Ako lang kasi ang kanilang nag-iisang anak kaya halos lahat ng mga gawaing bahay sa akin, pagtatrabaho (ang sweldo o sahod ko ay sa kanila halos lahat napupunta), ang kanilang galit at pagtatalak, sa akin nababagsak at lahat na lang ng negatibong pangyayari, ako ang nagiging dahilan.

Kaya ang dulot sa akin nito ay stress, pressure at ang pagtatangkang magpakatiwak@l ng ilang beses na. Kaya dahil na iistress ako, pag ako'y natutulog nagkakaroon ako ng halos palagiang episodes ng sleep paralysis tuwing hapon.

Ilang beses nyan, usually nasa kwarto ko ang aking kaluluwa ngunit black and white ang aking mga paningin at walang ilaw sa car port namin kaya masyadong madilim. Yung nagmimstulang isang night vision camera po ang mga mata ko. Andilim ng mga bagay bagay around me pero nakikita ko pa rin.

Pagkatapos nun ay ihuhulog pa ulit ako sa isa pang kapareho kong kwarto at medyo maliwanag na pero itim at puti pa rin ang aking paningin kaya alam kong wala pa ako sa realidad.

So habang nangyayari ito, lagi kong shinishake ang katawan ko pero hindi ko ito magalaw kaya nagpapanic na ako sa mga puntong ito at pagkatapos nun ay magigising ako. Pero nararamdaman kong nanigas buong katawan ko at nagnanumb kaya narerealize ko na may kaluluwa pala talaga ang isang tao.

Ngunit sa hapon na ito kanina, ika apat n Agosto, 2023 at 4:30pm eh iba yung sleep paralysis ko kasi parang hinihigop pataas sa kalangitan ang kaluluwa ko tapos hinuhulog bigla na para bagang nagbabungee jumping pero yung kaluluwa ko lang.

Habang nasa ulap ang kaluluwa ko parang nakita ko ang itsura ng gate ng langit. Per dahil binalik ulit ako sa lupa hindi ko na maaninag agad ano ang itsura kaya hindi ko na matatandaan ang ibang mga detalye. Sobrang puti lang nung gate na yun na parang harp ang itsura tas may mga ulap sa kapaligiran nito. Yan lang natatandaan ko kaya ayun.

Kahit sa saglit na pagpapakita sa akin ng mga ulap at kalangitan, I felt peace doon sa itaas kaso yun nga, binalik ako sa katawan ko siguro dulot ng panic ulit kaya ayun nahulog ulit ako sa lupa HAHAHAHA. Baka lang din naman, ang naiintindihan ko sa mensahe nun is hindi ko pa oras na mamatay.

Nahahalata ko kasing may misyon pa akong hindi pa natatapos kaya ayun, binalik agad ako. Nagpapasalamat pa rin talaga ako sa Diyos at hindi pa Nya ako pinatay kasi hindi ko talaga mataanggap yun HAHAHAHA biglaan kasi eh at feeling ko may misyon pa talaga ako rito.

Alam kong medyo nabitin kayo pero yun lang muna sa ngayon ang magiging kwento ko para sa inyo. Soon babalik ako para magkwento pa sa harapan ninyo. Muli ito po s Angelo Del Rosario at ito ang kwentong pinamamagatang 𝗦𝗟𝗘𝗘𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦.

Hanggang sa susunod pong mga kwento ni Alejandro Del Rey nyo ha? Sana subaybayan nyo po. God bless each and everyone of you po, mga minamahal kong mambabasa. Magandang umaga, magandang hapon, magandang gabi at maligayang hating gabi po sa inyong lahat kahit saan man kayo naroroon sa mundong ito ngayon.  I love you all po. Good bye muna!!! Mwaaahhhh!!!!

Short Stories CornerWhere stories live. Discover now