𝗖𝗨𝗥𝗥𝗘𝗡𝗧𝗟𝗬 𝗙𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚

2 2 0
                                    

Lingid sa kaalaman ninyo. I am also fighting my own demons and always winning rin. Hello I am Alejandro Del Rey and this is my life story. Alam na ng lahat na I am 27 years of age from Mandaue City, Cebu, Philippines. Nnggaling ako sa pamilya ng tatlo, yung ina ko, ama ko at ako.

Nakapaggraduate ako ng college pero sa ngayon eh wala pang nararating na maganda sa buhay. Oo nakapagtrabaho ako sa dalawang prestihiyosong call center companies noon, as an English-as-a-Second-Language o ESL teacher, BIGO LIVE host (at iba pang live apps in the market), at marami pang iba pero hindi pa ako kontento nun eh. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at isa na riyan ang pagigiing isang batikang manunulat at batikang direktor ng mga pelikula.

Pero lingid sa kaalaman nga ninyo na I am self-diagnosing nalang ma may depression ako, bipolar ako, at may mental health concerns kasi nga di namin afford ang magpakonsulta at magpatherapy. Kakagaling ko lang din sa dalawang successful na operasyon simula noong January 23, 2023 at magpahanggang ngayon nasa bahay pa rin ako nagpapagaling.

Yun pa nga lang sobrang nakakadepress na kasi feeling ko bumabalik yung Enhanced Community Quarantine o ECQ sa akin rito. Being trapped sa kwarto ko na walang labas labas ultimo ng bahay lamang. Para talaga akong naging preso rito.

Pagkatapos nun maririnig mo na lang lagi ang mga sermon sayo ng mga magulang mo nakakakadagdag sa stress at pressure mo. Nagpaparinig lagi eh na, "Yan ha, sinasabi ko sayo pagkahealed mo magtrabaho ka na. Wala na tayong makakakain." Sabi ng mother ko sakin. Yung ama ko naman, kada pasok rito sa kwarto ko, "Sana maging inutil ka nalang. Sana namatay ka nalang. Sana mabulag ka nalang dahil wala ka namang pake sa mga mata mo kakaselpon." Hindi nila alam na ang selpon lang sa ngayon ang nagpapaligaya sa akin.

Wala rin akong mga kaibigan na bumibisita sa akin. Walang mga may planong kumustahin man lang ako dito sa bahay. Iniwan na nila ako ng walang pagdadalawang-isip. Kaya konti nalang nabubuang na ako. Tumataas na ang anger management issues ko lalo na rin at may mga members ako sa writerhood ko na sobrang likot at hindi man lang ako kinakausap muna bago nila gawin ang dapat gawin. Noon din may mga officers ako na kinokonsinte pa ang mga behaviors nung members naming nakakawalang gana. Minsan pa noon, sila pa mismo ang gumagawa nung kasalaman. So sinong hindi mapipikon nyan? Officers mo pa mismo lumalabag sa mga batas at being a bad example sa members?

Laging rason ng ibang tao sa akin na busy sila. Eh kala nyo ba di rin ako busy? Gumagawa ako ng stories ko para pang update sa mga readers ko, gumagawa ako lagi para sa mga monthsaries na posts, nagreready ako sa mga magulang ko sa tuwing papasok sila sa kwarto. Maaga ako pinapatulog pero sinusuway ko sila para sa hood. Di na nga ako halos makatulog kasi binibusy ko nalang sarili ko or else mamamatay ako ng hindi oras.

Oo mga teh, busy rin ako at marami ding ginagawa. Paggawa pa nga lang ng mga stories eh work out na para sa akin kasi laging nadedrained ang aking utak pagkatapos ng tatlo hanggang apat na kwento. Paano nalang kaya pag ganito nalang mangyayari pagkagising ko? May mga nagleleave sa hood kasi amag. Walang kumakausap sa gc kasi kailangan ako muna magstart. Magleleave kasi nagkakaaway at hindi rin nila makokontrol ang kanilang mga sarili tas gumagawa pa ng kasalanan ang members at officers mo kapag wala ka.

Sa tingin nyo, hindi ako busy? Pag hindi ako nagseselpon alam nyo na yan. Either gumagawa ako ng mga stories or nakikipagsapalaran ako at nakikipagdigmaan sa sarili kong mga demonyo katulad ng depression, anxiety, bipolar, at iba pa. Walang oras na hindi ako napapagod.

Pero binibigyan ko pa rin kayo ng oras kasi sobra rin ang pagmamahal ko sa pamilyang aking binuo. Kaya't sana sa pamamagitan ng kwentong ito malaman ninyo kung gaano ko kayo ka mahal bilang mga anak anakan ko't mga kapatid ko rito sa RPW at inaasahan kong madadala ko kayo sa RA simula ngayon.

Heto lang muna sa ngayon. Muli ako si Alejandro Del Rey at ito ang isa na namang kwento tungkol sa buhay ko. Maraming maraming salamat sa patuloy nyong pagsuporta sa akin. God bless each and everyone of you. I love you all.

Short Stories CornerWhere stories live. Discover now